8 Gusto kita?

70 6 0
                                    


° Karleigh Dimaculangan Pov°

Ilang ulit na akong gumulong-gulong sa higaan ko. Hindi ako mapakali, hindi ako mapirmi sa higa ko. Gusto kong tumalon, mag-split, mga ginagawa ng mga acrobatic at gymnastics. Gusto kong alisin ang t'yan ko dahil sa nararamdaman ko roon. Hindi dahil sa wala pa akong kain kundi dahil sa walang hiyang si Isaiah! Ang sarap kurutin sa baga gamit ang nail cutter!

"I told you, Laurie. She's not my guardian here! She's my girlfriend."

Anak ng tinola! Ako?! Girlfriend?!

Alam kong may lagnat ako pero nakakasigurado ako na hindi iyon parte ng pagdedeliryo ko dahil sa sobrang taas ng lagnat ko! Ayokong maniwala pero tumatak talaga sa isip ko ang bawat buka ng bibig niya habang nagsasalita ng wikang banyaga!

Nananaginip ba ako?!

Hindi ko na nasagot si Laurice. Kaagad na nagpasalamat si Isaiah sa babae at siya na rin mismo ang naghatid sa kan'ya sa may pintuan at pinalabas.

"Pagpasensyahan mo na ang katrabaho ko. Ipinipilit niya na pumasok sa bahay. Wala akong ideya kung paano niya nalaman kung nasaan ako. Alam kong galit ka dahil hindi ako nagpaalam sa'yo. Nagpumilit rin siya na ituloy ang mga iniluluto ko para sa'yo."

Napahawak na ako sa bibig ko na nakangawa. Ang dami niyang sinabi. Ang akala ko puro kain lang ang alam niya, marunong rin pala talaga siyang magluto. Tumayo ako para maghugas ng kamay nang pigilan niya ako.

"Saan ka pupunta? Maupo ka na para makakain ka—"

"Maghuhugas ako ng kamay." Hihirit pa sana siya pero nilagpasan ko na siya.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Wala naman akong pakialam noon sa tuwing binabanggit niya ang salitang girlfriend pero iba ngayon, may kakaibang epekto na iyon sa akin.

Nang makarating ako sa may lababo, nandilim ang paningin ko. Hindi ko na makilala ang lababo namin! Ang daming kalat! May mga sunog na hindi ko maipaliwanag at mailarawan. Napansin kong basa rin ang flooring! Kung saan-saan may tulo ng mga toyo at kung ano-ano pang mga sauce! Parang dinaanan ng bagyo ang lababo sa sobrang dumi at kalat.

"Isaiah!"

Akmang tatalikod na ako para kutusan siya pero nanatiling nakatalikod ako. Pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin.

"Pasensya na. Lilinisin ko rin naman pagkatapos. Sinubukan kong ipagluto ka pero hindi maganda ang nagagawa ko kaya nagpatulong ako kay Laurice."

Ito na naman siya sa paliwanag niya. Sinubukan kong humiwalay sa yakap nito pero hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya. What with this guy?

"Hindi ako makahinga!" Kaagad na naman siyang bumitiw sa yakap niya. Hinarap niya ako sa kan'ya habang hawak ako sa magkabilang balikat.

"Tatawag ba ako ng manggagamot? Nahihirapan ka sa paghinga—"

"Manahimik ka nga."

Iniwan ko na siya at naupo muli sa may mesa. Nakasunod naman siya kaagad at naupo na sa tapat ko. Tiningnan ko siyang mabuti, wala pa ring nagbago sa kan'ya. Napaka-misteryoso pa rin niya.

"You can speak English language?"

Napalingon siya sa akin, kasalukuyan siyang nagsasandok ng ilang ulam at inilalagay sa plato ko. Sigurado akong gutom na ang isang 'to. Kahit anong pagkain talaga papatulan niya.

"Ah, kadalasan ay mga dayuhan ang mga bumibili sa café. Tinuruan ako nina Sir Marvin at Ma'am Nicole."

"Gano'n kabilis?" Hindi naman sa nagdududa ako pero parang gano'n na nga.

"Mga basic lang. May libro nga pala akong binili para matuto kaagad ako," paliwanag na naman niya.

"Bakit aalis ka pa? Mukhang maayos naman ang trabaho mo ron." Inabot ko ang baso na may lamang tubig at marahang uminom.

"Ilang araw pa lang akong wala rito ano-ano na mga nangyari sa'yo. Huwag mo ngang pabayaan sarili mo—"

Napatayo siya sa kinauupuan niya matapos kong maibuga ang tubig na nas bibig ko na iinumin ko sana. Tongono naman! Ano ba'ng pinagsasabi nito!

Pa-fall! Marunong na rin siyang mambola ngayon! Tumayo na ako at pumasok sa k'warto.

Imposibleng may nararamdaman na ako kay Isaiah. May gusto na ba ako sa'yo?

Gusto na ba talaga kita?

Baka dala lang 'to ng lagnat ko. Itutulog ko na lang siguro 'to.

° Someone's Pov °

Malalim na ang gabi, nakakamatay ang gumawa ng ingay. Tanging paghinga ng lalaki lamang ang maririnig sa paligid. Pinakawalan nito ang usok na hinithit niya mula sa sinindihang sigarilyo. Umayos siya ng tayo nang makita niya na parating na ang babaeng kausap nito makaraan.

"Here's the proof. Ano ba'ng kailangan niyo roon sa babae? Pati naman loob ng bahay pinakuhanan niyo ng pictures sa akin."

Inabot nito ang brown envelope sa lalaki at siya naman paglahad ng maliit na envelope ng lalaki sa kan'ya. Kaagad niyang tiningnan ang laman ng sobre. Napangisi na lamg ito dahil totoong may pera siyang matatanggap sa ginawa niyang pagsunod kay Isaiah.

"Kung may gusto pa kayong ipagawa, sabihin mo lang, madali akong kausap." Walang pagdadalawang isip nitong sabi sa lalaki na abala sa pagtingin sa mga naka-print na litratong nakuha nito kani-kanilang.

"Hindi na ba siya babalik sa café? Nanghinala ba siya sa mga kasamahan natin? Kay Mr. Marvin at Ma'am Nicole?"

Umiling ang dalaga at nagtaka rin ito dahil biglaan din nang malaman niya ito.

"Ang alam ko gusto niyang mag-stay ro'n sa bahay no'ng babae."

Hindi pa rin makapaniwala ang lalaki sa nakikita nito sa mga litrato. Buo ang paniniwala nitong patay na ang anak ng mortal niyang kaaway. Hindi p'wedeng mabuhay si Inigo. Nasaksihan niya ito kung paano siya mahulog sa yate na sinasakyan nila, sa tindi ng galit nito ay naitulak niya ang binata dahilan para tumama ang ulo sa may bakal at tuluyang mawalan ng balanse at nahulog sa malalim na dagat.

Kailangan nilang makuha ang loob ng binata. Gagawin nilang lahat para maumpisahan nila ang plano upang makuha ang mga pera at ng kumpanya. Kailangan mawala si Inigo na nag-iisang tagapagmana na nagpapanggap bilang Isaiah. Hindi pu-p'wedeng mawalan ng mana ang anak niya. Nagawa na nitong patayin si Inigo noon, at makakasigurado siyang mawawala rin sa landas nila si Isaiah.

Magiging posible kaya ang kanilang pinaplano o magiging mitsa ito para magkaroon ng hinala ang pamilya ni Inigo. Hinala kung bakit lumipas na ang dalawang taon ay wala pa ring paramdam ang nag-iisang tagapagmana.


45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon