14 Worth The Risk

53 6 0
                                    


° Someone's Pov°

Tanging pagtunog lamang ng isang wall clock ang maririnig sa private room kung saan natutulog si Isaiah. Maging ang paghinga nito ay hindi mahanap sa sobrang tahimik ng paligid. Isang marahang pagbukas ng pinto ang bumasag sa katahimikan, iniluwa nito ang dalaga na si Karleigh. Hawak ang ilang papel galing sa nurse station. Dalawang araw na ang lumipas at wala pa ring malay ang binata, marahil sa malalim na natamong saksak nito at ang makailang suntok, maging sipa na natamo nito sa mga nang-away sa binata.

"Wala ka bang balak gumising?" Naupo sa gilid ng kama ang dalaga at marahang inayos ang kumot na tumatakip sa katawan ni Isaiah.

Nilingon niya ang dextrose na nakalagay sa isang nakatayong bakal, ilang beses na rin niya itong pinalitan at mga gamot na iniligay ro'n ay hindi na niya nabilang. Alas-onse na rin ng gabi ngunit nanatili ang dalaga na nakatingin lamang sa maamong mukha ni Isaiah, kahit na nabahiran ito ng ilang galos at pasa, mababakas pa rin ang pagiging seryoso nito. Isa lamang ang nagpapatunay na iba siya sa lahat ng nakilala nito.

Ayon kay Wilsen, na nagpakilalang kaibigan nila, umalis si Isaiah sa bansa upang magbakasyon hanggang umabot ito ng isang taon, lumipas ang mga buwan ay wala itong paramdam, hanggang sa ngayon taon ay bigla na lang siyang umuwi sa pinas. Ang malaking pinagtataka nila Wilsen ay tila ibang tao ang kaibigan nila, hindi nila inaasahan ang pagbabago nito.

"Ang pangalan na sinabi niya sa akin ay Isaiah. Tinatanong ko rin siya noon tungkol sa kung sino amg mga magulang nito at iba pamg information tungkol sa buhay niya pero wala akong natanggap." Napahinto sa pagsasalaysay ang dalaga.

Maari ba niyang ilahad maging ang mga napaginipan nito?

Na si Isaiah ay isang prinsipe at hindi ito si Inigo?

Nangangamba ang dalaga na baka hindi rin siya paniwalaan ng mga kausap nito. Laking palaisipan ang pagdating ni Isaiah, napaka-misteryoso nito.

Bakit ba siya napunta sa sitwasyong ito?

Bakit tila may parte sa kan'yang pagkatao ang nawawala?

Hindi niya mahanap ang mga alaala nito kasama ang mga taong tumulong sa kaniya at sinasabing mga kaibigan sila nito.

Hinawakan niya ang kamay ni Isaiah, kasabay ng pangingilid ng mainit nitong luha sa kan'yang mga mata.

"M-May sasabihin ako." Kahit na imposible siyang marinig ni Isaiah ang nagpatuloy pa rin siya sa pagkukuwento.

"Nakita ko ang kaharian na sinasabi mo, ang bayan ng Fervor. Nakita ko rin ang palasyo kung saan ka nakatira. At gusto kong malaman mo na . . . naniniwala na ako na isa kang Prinsipe." Pumatak na ng tuluyan ang mga luha nito na ang ilan ay binasa na ang kan'yang tuyong pisngi. Ilang gabi na rin siyang puyat at matyagang nagbabantay sa binata, nais nitong makita na gumising ito, hindi alintana ang pagod at antok na yumayakap sa kan'yang sistema.

"Isaiah, gumising ka na p'wede? May gusto pa akong ik'wento sa'yo—"

"W-wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Tumigil ka nga sa pag-iyak mo, Binibining Sungit." Umayos ng upo si Karleigh, pinunasan niya ang mukha nito na nabahiran ng nakakapasong luha niya.

"I-Isaiah? Nakatulog ba ako? Nasa panaginip ba—"

Sa gitna na pagtataka nito ay hindi na niya napigilan ang pag hila sa kan'ya ng binata, tuluyan itong napahiga sa tabi nito, nakapahinga ang ulo nito sa dibdib ni Isaiah.

"G-gising k-ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Karleigh. Sinubukan nitong bumangon ngunit lalong humigpit ang yakap sa kan'ya ng binata.

"Pasensya ka na kung pinag-aalala kita. Patawad." Marahang paghaplos sa buhok ang naramdaman nito na tila pinapatulog siya ni Isaiah.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon