Last part
Isaiah Point of view
Alas-onse na at sa wakas ay tumila na ang ulan. Nakapatay na lahat ng ilaw sa loob ng bahay, tanging mga maliliit na lampara sa bawat sulok ng sala ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa lugar. Yakap yakap ko ang sarili ko habang nakahiga sa may sofa. Kanina pa ako naglilikot sa pagkakahiga dahil hindi ako makatulog. Nangangawit na ako sa pwesto ko, dumagdag pa ang malamig na hangin.
Mariin akong pumikit nang magliwanag sa buong paligid. May mga mahihinang pagyapak akong narinig hanggang sa tumigil ito sa tapat ko.
Nakakahiya ang itsura ko!
"Bumangon ka nga diyan." Malinaw kong narinig ang pagsasalita nito pero nanatili akong nakapikit at hindi kumibo. Ilang sandali pa ay wala na akong maramdaman sa paligid. Nakapatay na muli ang mga ilaw. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng antok matapos kong marinig ang boses nito.
Dahan-dahan yumayakap ang antok sa katawan ko. Ilang saglit lang ay may kumot na tumakip sa katawan ko dahilan para hindi ko na maramdaman ang ginaw. May marahang paghawak rin sa ulo ko para ilagay ng maayos ang isang malambot na unan. Pilit kong nilalabanan ang antok ko at idilat ang mga mata ko para tingnan siya pero napapikit ako sa hapdi sa noo ko. Napabangon ako ng wala sa oras.
Natampal ko ang noo ko at nanatili parin ang malamig ngunit mahapdi na pakiramdam doon.
"Nagising yata kita, pasensya na." Napalingon ako kay Karleigh na nasa gilid ko lang pala nakaluhod at may hawak ito sa kanyang kanang kamay, ointment.
Pahamak naman oh!
Umayos na ako ng upo, "Wala iyon, nagulat lang ako—hayyy." Napatakip ako ng bibig dahil sa biglang paghikab.
Kaasar!
Ano bang nangyayari sa akin!
"Sa kwarto ka na matulog." Tumayo na siya at akmang aalis na, pero hindi na napigilan pa ng mga kamay ko na kumilos. Hinawakan ko ang braso nito, napalingon siya sa akin.
"Karleigh, dito ka lang." Binawi nito ang braso niya at tiningnan niya ako ng diretso sa mata, ang mga mata na walang kahit anong emosyon na makikita.
"Noong sinabi ko na huwag mo akong iiwan... nanatili ka ba?"
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin dahil nawalan ako ng mga salitang sasabihin dahil sa pagkabigla.
''Iniwan mo ako kahit sabihin ko na dito ka lang. Ngayon bumalik ka... mauulit muli ang pag-asa ko sayo, ang umasa na lang palagi kahit masaktan ako sa dulo." Marahan ko siyang hinila at napaupo ito sa tabi ko, ikinulong ko siya sa yakap ko at doon ay naramdaman kong muli ang pag-iyak niya.
"Inaral ko na ito, na hindi na ako iiyak kapag nakita kita muli. Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan na kita pero paano? Nasa panaginip kita, sa tuwing ipipikit ko na ang mga mata ko ang mukha mo ang nakikita ko. Kaya hindi ako naniniwala noon na iniwan mo ako kasi nakakasama parin kita pero sa tuwing babangon na ako, paulit-ulit akong sinasampal ng katotohanan na wala ka na talaga." Humiwalay ito sa yakap ko at nakipagtitigan sa akin.
"Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa'yo dahil naging mas matatag ako, natutunan kong mabuhay na kahit ako lang mag-isa, ang maging masaya kahit ako lang, ang sarili ko. Natutunan kong mahalin ang sarili ko kahit durog na durog na ang loob ko ay nagawa ko paring buoin ito ulit. Masaya na ako, ayos na ako pero ngayon bumalik ka... bumabalik ulit yung sakit na akala ko nabura ko na. Isaiah, ayoko na masaktan. Huwag mo na akong saktan."
Hinalikan ko ang lumuluha nitong mga mata, ipinahinga ko ang noo ko sa noo nito at pinakiramdaman ko siya. Ramdam ko ang sakit ng pag-iyak nito na gusto kong ilabas niya dahil ito na ang huling araw na iiyak siya dahil sa mga sakit na nasa loob nito. Isusugal kong muli ang buhay ko para sa kanya, magmukha man akong sinungaling sa pagkakataong ito ay nakahanda ako.
"Maari ba akong humiling?" Tanong ko sa kanya. Napatingala ito at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata nito. Marahan kong hinawakan ang pisngi nito at bahagyang ngumiti.
"Itutuloy nating ang kwento nating dalawa sa mundo ko. Gusto mo bang sumama?"
Napatingin ito sa palad ko na nasa pisngi nito, hanggang sa mapatingin na rin ito sa mukha ko. Hindi ito makapaniwala sa nakikita niya hanggang mapansin narin niya ang sarili nitong palad na unti-unting nagliliwanag.
"Isaiah..."
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nito, inilapat ko ang labi ko sa labi nito. Bago ko pa tuluyan maipikit ang mga mata ko ay nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata at unti-unti na rin itong pumikit. Maingat ko siyang niyakap hanggang sa maramdaman ko na rin ang pagtugon nito sa halik ko.
Mabilis ang pag-ikot ng buong paligid ngunit nanatiling nakahinto ang oras sa lugar na kinauupuan naming dalawa.
"Are you sure you won't leave me there? I don't want to be with you just like before for 45 days, Prince Isaiah."
"You will stay with me for a lifetime, not just for 45 days."
Again I gently kissed her full of care and love.
#
ISAIAH ❤️ KARLEIGH
ISAIAH
INIGO
Hwang Inyeop ❤️Thank you for reading!
Stay safe everyone!
Love, SiriusLeeOrdinary 🤍✒️
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021