° Karleigh's Pov°
Namumungay pa ang mga mata ko nang bumangon ako. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi.
Ano ba'ng ginagawa ko bago ako mahiga rito sa kama?
Teka? Paano ako napunta sa kama? Alam ko nasa may tapat ako ng bintana . . . Nevermind.
Dumiretso na ako sa kusina para kumain. Cereals ang kinakain ko sa agahan, mabilis lang kasing ihanda. Nang binuksan ko ang lalagyan ng mga plato ay wala ng mangkok doon. Mukhang hindi pa naghuhugas ng plato 'yung babae iyon!
"Nasaan na ba si Maribeth?" tanong ko sa sarili ko.
Tumingkayad na ako para maabot ''yung naka-display na mangkok sa itaas ng kabinet. Pagpasensyahan na po at cute size lang ako, ha!
Ba't kasi kung makalagay ng gagamitin na plato ay nasa itaas pa? Nahihirapan tuloy ako.
"Uy, salamat naman." Mabuti na lang at may nag-abot sa akin no'ng bowl. Naol matangkad 'di ba? Kinuha ko na sa kamay niya ang bowl. Nagsimula na akong maglagay ng cereals at gatas. Hinalo ko muna bago sumubo ng isang kutsarang cereals. Habang ninanamnam ang pagkain ko napakunot ako ng noo sa nangyari.
Sa pagkakaalam ko 5 I forgot ang height niya samantalang ako 5 I forgot din ang height. Paano niya naabot 'yung mangkok sa taas?
"Maribeth? Kumain ka na pala?" Kinakabahan man pero hindi ko pinahalata na nangangatog na ako sa nerbyos. Sumubo pa ako ng cereals para ikalma ang sarili ko. Anak ng pinagpatong-patong ng tokwa naman, oh!
"Maribeth?" Napalingon agad ako sa pinagmulan ng boses. Boses mula sa isang lalaki!
Naitapon ko sa mukha niya 'yung laman ng bowl. Pagkatapos ay naibuga ko naman 'yung cereals na nasa bibig ko sa mukha rin niya for the second time!
Niyakap ko nang napakahigpit ang sarili ko ay lumayo sa kan'ya.
Bakit may lalaki sa bahay ko?!
Bakit parang isa siyang m'yembro sa isang teatro?
Ang gara ng suot niya.
Galing ba siyang Europe? At kasali siya sa European empire?
Ang tangkad pa niya at hindi siya moreno! Ang puti ng balat! Saang planeta ba galing 'to?
Bakit naman napakaperpekto? Sigurado naman akong hindi siya lalaki ni Maribeth!
Samahan kami ng mga walang jowa no'n eh.
"Sino ka?!" sigaw ko at mabilis na kumuha ng kawali para maihampas ko sa kan'ya kapag may ginawa siyang masama.
"Alam mo bang trespassing itong ginawa mo? Bakit nasa bahay kita-"
Napahinto ako sa pagsinghal nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Isa pa 'to!" asik ko sabay dismissed ng tawag.
Mag iisang buwan na rin noong sinabi ko na tigilan na niya ang panliligaw niya sa akin. At ang walang*yang Hansen parang baliw na baliw sa tulad ko, eh napakapangit ko na nga't pinagsisiksikan niya pa ang sarili niya. Trabaho ang gusto ko, saka na ang jowa kapag may matino na akong trabaho.
Ibinaling ko ang paningin ko kay theater guy. Abala ito sa pagtingin sa kabuuan ng bahay matapos niyang punasan ang sarili niya. Sa totoo maliit itong apartment para sa amin ni Maribeth pero kailangan magtiis dahil wala rin kaming pambayad kung kukuha pa kami ng malaking bahay para tuluyan.
"Sino ka ba? Kung hindi mo kilala si Beth, bakit ka narito? Baliw ka ba? Ano'ng ginagawa mo sa bahay namin? Gusto mong ipapulis kita? Ano? Sagot?" Sa daming ng tanong ko sa kan'ya, nanghina ako sa sinagot nito sa akin! Aba naman!
"Maari bang makahingi ng tubig? Ako'y nauuhaw na at wala pang kain."
***
Kaliwa't kanan ang pagbato ng mga tingin ng mga kapitbahay namin. May ilan na nagbubulungan at kung makatingin sa lalaking katabi ko ay para na nilang hinubaran!
Mga tsismosang tokwa naman oh!
"Wala akong oras para makipaglokohan sa'yo. P'wede ba? Kung gusto niyong mang-prank, huwag ako. Alis na!"
Kinaladkad ko talaga siya palabas ng bahay. Wala ring pakiramdam, ang manhid! Parang wala akong sinabi sa kan'ya.
Isa raw siyang prinsipe?
Funny right?!
"Pero dito ko na lang natagpuan ang sarili ko-"
"At sinong maniniwala na isa kang prinsipe? Kung isa kang aktor sa isang teatro, baka maniwala pa ako."
"Prinsipe ako. Nakatira ako sa kaharian ng Fervor-"
"What? Fervor, are you kidding me? Saan ang lugar 'yan? Kung may kaharian ka nga, ba't na sa pamamahay kita-" Napahinto ako sa pagsasalita nang magtagpo ang aming mga mata. Napakaseryoso nito, para nitong hinihigop ang lakas ko sa katawan.
"Dahil sa buwan. Ang buwan ang dahilan kung bakit ako narito."
#
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021