4 Pretending boyfriend

90 7 0
                                    



° Karleigh's Pov°

Mataas na ang sinag ng araw. Kaliwa't kanan ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid tila sumasayaw kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Maging ang mga maliliit na sanga ng puno at mga natuyong dahon ay sumasabay sa hangin.

At ngayon sa ilalim ng magandang panahon may isang hindi maipaliwanag na pangyayari. Mawawalan ata ako sa katinuan nito!

"Dahil sa buwan. Ang buwan ang dahilan kung bakit ako narito."

Huminga ako ng malalim para ikondisyon ang sarili ko. Ang dami ko ng problema sa buhay, umisa pa 'to.

"Excuse me, Mr?! Tigilan mo ako sa mga linyahan mo, ah?! Kapag hindi ako nakapagpigil, tatawag ako ng pulis!"

"P-Pulis? Hindi ko maintindihan ang mga salitang binanggit—"

Isang boses ng lalaki ang sumingit sa usapan naming dalawa ni Prince nowhere.

"Karleigh? What is the meaning of this?!" Walang sabing hinila niya ang k'welyo ng damit ni Prince at diretso niya itong tiningnan sa mata.

"Siya ba, Karleigh?! Dahil ba sa kan'ya kung bakit ayaw mo akong manligaw sa'yo? Ang sabi mo wala kang boyfriend! Kaya naglakas ako ng loob para—"

"Alam mo, Hansen? Mas bagay kayong dalawa. Ang dami ninyong kaartehan. Magkasama ba kayo sa theater club?"

At ano na naman ang ganap nitong Hansen na 'to? Talagang dagdag pa siya sa eksena. Tumunog ang cellphone nito at siya namang pagsagot niya sa tawag.

"Yes . . . Okay, papunta na . . . May rinaanan lang. Bye." Hansen hanged up the call.

"Babalik ako, Karleigh. Kailangan nating mag-usap—"

"Kahit huwag na, Hansen," mabilis kong bato ng sagot sa kan'ya.

"At ikaw naman. Hindi ka bagay na maging boyfriend ni Karleigh, dahil akin siya—"

"Umay. Bahala ka r'yan," putol ko sa kahanginan ni Hansen.

Hindi ko alam kung anong kinain niya at sobrang taas sa confidence. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang sinabi ko na ayoko sa kan'ya.

Naalala ko na kailangan ko ng sumunod kay Maribeth para sa bagong hiring job. Iniwan niya talaga ako?! Parang 'di kaibigan, eh! Akmang isasara ko na ang pinto nang iharang ni Prince ang kamay n'ya.

"Pu-p'wede ba akong pumasok muli? Gusto ko ng kumain—"

"Hindi!"

"Kain lang eh."

What the! Ano raw?!

***

Tanging tunog ng lumang electric fan ang naririnig namin sa paligid. Paminsan-minsan ay ay malalim na buntong-hininga ni Officer Martin. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Isaiah. Ang lumang pakinggan ng pangalan niya pero sa tuwing napapatingin ako sa mukha niya at buong katawan. Ang g'wapo talagang nilalang!

Pinapasok ko na siya sa bahay. Matapos kong na-realize ang sinabi ni Hansen.

Bakit kaya hindi na lang kami maging mag-boyfriend ni Isaiah?

Baka sakaling tigilan na ako ni Hansen?

Ang kaso hindi ko naman kilala itong Prinsipe na ito. Kaasar!

"Ano naman ang problema, Miss Dimaculangan? Ang huling punta mo rito inireklamo kang nagsisisigaw sa itaas ng bubong at pinagkamalang aswang. Ngayon sino naman itong lalaking kasama mo? Inaswang mo?"

"Si Officer talaga! Trespassing ang ginawa niya sa bahay ko! Hindi ko inaswang! Sinabi ko na po sa inyo noon na hindi ako aswang, eh!"

Tumikhim lang si Officer Martin at ibinaling ang tingin kay Isaiah na kanina pa inililibot ang mga mata sa bawat sulok ng police station. Kanina sa bahay ay panay ang tingin din niya sa mga bagay sa paligid. Nakakatakot! Baka secret agent ang isang 'to.

"Totoo bang nag-trespassing ka? Baka naman kasi gustong umakyat ng ligaw itong binata sa'yo, Miss Dimaculangan?"

Mahigit akong napakapit sa inuupuan ko sa pagpipigil na masuntok ang ngalangala ni Officer. I need to calm myself.

Inhale . . . exhale!

"Kilala mo ba ang babaeng ito?" Nabaling ang paningin ni Officer kay Isaiah na tila nahihiwagaan sa mga gamit sa loob ng presinto.

"Ako ba'y iyong kinakausap?" tanong niya rin sa matandang lalaki.

"Tinatanong ko kung kilala mo ba siya." Sabay turo sa akin ni Officer. Nilingon naman ako ni Isaiah.

"B-Boyfriend." Muntik ng mahulog ang panga ko sa narinig ko. Halos hindi na nga niya masabi ng maayos ang salitang ''boyfriend" Aalma sana ako nang tumikhim si Officer Martin.

"Kung may love quarrel kayong dalawa. Hindi tamang lugar ang prisintong ito. Hala sige, gabi na't umuwi na kayo. Kayo talagang mga kabataan! Huwag niyong pairalin 'yang kapusukan ninyo, ah!"

"Pero officer—" Napahinto ako sa pagsasalita nang may humawak ng marahan sa braso ko at itinayo. Sumunod si Isaiah na walang kaide-ideya sa nangyayari.

Pagkalabas namin ng Police Hall, nakatingala na naman siya at inililibot ang paningin niya. Nakakapagtaka naman ang isang tulad niya. Parang ngayon lang nakakita ng mga nagtataasang gusali, machines, maging ang iba't ibang uring ng transportasyon.

"Paano gumagana ang mga sasakyan na—" Hindi niya na naituloy ang pagtatanong niya dahil sumabat na ako.

"Ikaw! Bakit mo sinabing boyfriend kita?" Nakapamaywang pa ako na parang isang nanay na sinesermunan ang anak niyang makulit.

"Pasensya ka na. Maging ako'y hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi. Ni hindi ko nga alam kung ano ang ibig nitong sabihin," paliwanag niya habang diretso itong nakatingin sa mga mata ko. Nakakailang!

"Huwag na huwag mo ng sasabihin iyan. Una sa lahat, hindi kita kilala. At pangalawa, kailangan na kitang iwan dito, bahala ka na sa buhay mo."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, na parang nasaktan siya sa narinig niyang mga salita galing sa akin.

"Hi friend!" May isang babae na umakap sa sa braso ko at niyakap na ako ng tuluyan.

"Sheland? Anong ginagawa mo rito?"

Siya si Sheland, my college friend. Naging magkaibigan kami kasi nagka-crush kami sa isang lalaki pero sad to say, naging sila at ako . . . nganga. Kawawa.

"May inareglo lang si Calvin sa loob. May nakasagi kasi sa kotseng sinasakyan namin."

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ko. Naaalala ko na naman 'yung noon. ''yung mga panahon na sana ako 'yung pinili, ginagawa ko naman lahat noon pero nauwi lang sa trash bin. Bakit kasi kung sino pa ang marunong magmahal, siya pa ang hindi pinipili at iniiwan?

"Ah, sige! Pasensya na ah! Gabi na rin kasi at kailangan ko ng umuwi—"

Kailangan ko ng umalis. After 3 years mula ng maka-graduate kami ng college, may kaunting feelings pa rin ako kay Calvin. Hirap mag-move on kahit wala naman kaming label! Kailangan ko ng makaalis dito! Baka makita ko muli si Calvin— speaking of the freaking enemers!

"Hey, Karleigh! Kumusta?" Parang namanhid ang magkabilang tuhod ko nang marinig ko ang boses niya.

"Ah . . . Henlo? I mean, hello," sagot ko. Pasimple akong humihinga ng malalim para maalis ang pagkamanhid ng mga tuhod ko. Nararamdaman ko na rin ito sa mga kamay ko.

"Ayos ka lang?" Nakalimutan kong may kasama pala ako. Buhay ka pa pala Isaiah!

"Mauuna na kami. Kailangan na niyang magpahinga—"

"Sino ka?" pagputol niya sa sinasabi ni Isaiah. Marahan niyang hinawakan ang braso ko bago niya lingunin sila Sheland at Calvin.

"Wala—" Hindi na naituloy ni Isaiah ang sinabi niya dahil sumagot na rin ako.

"Boyfriend ko," ang sabi ko.

#



45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon