20 Solar Eclipse

60 4 0
                                    

° Someone's Pov °

2 days passed.

Kabilaan ang mga flash ng mga camera. Iba't ibang mga personalidad at businessman ang nasa hall ngayon upang masaksihan ang mahalagang anunsyo mula sa may-ari ng kinikilalang kumpanya sa bansa at sa ibang parte ng mundo.

Kabilang din sa dumalo ang ilang mga reporters upang kunan ang nasabing aktibidad. Hindi rin mawawala sa eksena ang mga pulis na nakasuot ng civilian upang hindi sila pagtakhan ng mga ibang dumalo. Hihintayin nilang magsimula ang palabas at kapag dumating na ang tamang oras, aarestuhin ang mga dapat hulihin.

"I think he realized now how important his only son to him. Medyo napahaba nga lang ang pagkawala ko sa eksena. Inaamin ko naman na noong una ay wala akong pakialam dahil ang kumpanya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Karleigh. Ayoko ng madikit ang sarili ko sa kumpanya dahil sa insidente noon, pero kung mapupunta rin naman sa mga kriminal, hindi ako papayag," seryosong litanya ni Inigo kay Isaiah habang nasa ikalawang palapag sila at nasa isang k'warto nanatili.

Sa harapan nila ang malaking transparent window at makikita sa ibabang parte ang mga abalang tao na dumalo sa importanteng okasyon.

"Mukhang sigurado ka na talaga sa desisyon na mangyayari," sabi ni Isaiah.

Nakasuot ito ng simpleng damit, puting longsleeve, itim na pants at puting rubbershoes. May suot rin itong shades upang hindi siya makilala ng mga empleyado, inayos na rin ng binata ang buhok nito tulad noon, bahagyang natatakpan ang magkabilang kilay nito dahil sa bangs na mayroon siya.

"Wilsen explained the wrong doings of Uncle Brandon. Mabigat ang parusang kakaharapin ng mag ama. We are sure now for the evidence. Wala ng atrasan 'to."

Natanaw nilang pareho ang dalawang suspect, ang ama ni Hansen na si Mr. Brandon at ang minsan nilang naging kaibigan na si Hansen. Walang ideya ang mag-ama na ito ang magiging huli nilang maihaharap ng maayos ang kanilang mga mukha sa maraming tao.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang programa. Gaya ng tipikal na pagtitipon ay nagkaroon muna ng pormal na pagbati si Mr. Salvatore, nakaupo ito sa wheelchair at kailangan pa na alalayan upang makapunta sa gitna ng stage. Hindi naman nagpahuli si Mr. Brandon para umalalay sa matanda ngunit hindi na mababago ang lahat kapag lumantad na ang totoong ugali na mayroon ito.

Sa kabilang banda naman ay nagpaalam na si Isaiah kay Inigo. Mahigpit nagyakapan ang magkaibigan. Nararamdaman na rin ng Isaiah ang pagbabago sa kan'yang katawan. Ilang oras na lang, malapit na ang eclipse. Makailang beses na rin siyang nakatanggap ng tawag mula kay Karleigh ngunit hindi niya ito kayang sagutin. Wala itong lakas upang marinig ang boses ng dalaga ngunit sino nga ba naman sila para pigilan ang tadhana.

***

Iba't ibang bulungan na sa mga taong nakarinig sa sinabi ni Mr. Salvatore. Naghari ang mga pagsinghap nila nang lumabas ang isang binata at nilapitan ang matanda. Hindi makakilos si Brandon sa kan'yang kinakatayuan, maging ang kan'yang anak na si Hansen at napakunot ang noo sa nasaksihan.

"Alam kong naguguluhan ka ngayon sa narinig mo. Alam ko rin na hindi mo matatanggap na sumalungat ako sa napagkasunduan natin. Dahil sa una pa lang ay hindi ko matatanggap na isang kriminal mapupunta ang kumpanya ng buong pamilya ko."

Sumunod ay ang pagdating ng pulis, mabilis silang kumilos at inalabas ang papel, isang warrant of arrest kung saan nakasaad ang assaulted murder. Mahigpit na yumakap ang binata sa kan'yang ama. Isang yakap na nangangahulugan ng pagpapatawad at buong pusong pagmamahal.

"Kay tagal kitang hinintay, anak ko."

***

Lumalalim na ang gabi, maging ang buong kalawakan ang nakikisabay sa mabigat na nararamdaman ni Isaiah. Makakapal na ulap ang nagkalat sa himpapawid. Malalabo ang mga kislap ng mga bituin na milyong-milyong ang layo sa lugar kung saan nakatanaw ang binata.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon