Special Chapter

15 1 0
                                    

*Continuation*



Isaiah's Point of View




Lumapit siya sa akin at yumakap, naramdaman ko ang mainit nitong paghinga sa tapat ng dibdib. Gusto ko siyang ilayo roon dahil sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko at nangangamba na baka marinig niya iyon.


"Karleigh... kahit ngayon lang, kahit ngayon lang ay maniwala ka na nandun na ako sa tabi mo, kahit iyon lang. Sana huwag kang magalit, gusto kong marinig na mahal mo ako hindi lang sa panaginip mo."


Wala akong natanggap na kahit pagtango man lang sa kanya, tulog na ba siya?


"Karleigh? Tulog ka na ba?"


"Bakit may tambol sa dibdib mo? Ang ganda pakinggan." Dinama ko ang mainit nitong paghinga na tumama sa mukha ko nang magsalita ito. Marahan kong hinaplos ang pisngi nito, kahit papaano ay hindi na ito nakakapaso tulad kanina.



"Magpahinga na, kung ano-ano na yang mga sinasabi mo. Kailangan mong makabawi ng lakas para sa party bukas." Akmang tatayo na ako para makapagpahinga na ito ng maayos, siguro ay sa may sala na lang ako matutulog ngayong gabi.


Natigilan ako sa paghaplos nito sa pisngi ko, pigil hininga akong nakatitig sa kanya ngayon, lalong nagwala sa loob ng katawan ang puso ko.


"Bakit ngayon lang ako pinagbigyan ng buwan? Bakit ngayon ka lang niya ibinalik sa akin?" Muli ay lumandas sa magkabilang pisngi nito ang kanyang mga luha. Kahit anong gawin kong pagpunas sa pisngi nito ay hindi parin ito natutuyo.



Paano ko ba ito mapapatahan?


"Huwag kang mag-aalala, ipinagdasal ko na magkakasama na tayo hanggang dulo."


Hinawakan ko ang palad nito at dinampihan ng halik. Pagkatapos ay hinarap ko siya, marahan kong inaayos ang ilang hibla ng buhok nito na nass mukha niya. Kay tagal kong naghintay na mapalapit at makasama ka tulad nito.



"Bakit ka umiiyak?" Itinuro pa nito ang mga mata ko, hindi ko namalayan na lumuluha na ako.


"Wala ito, masaya lang ako." Pinunasan ko na ang sarili kong luha. Bahagya akong ngumiti sa kanya.



"Good night." Mahinang sabi ko at humalik sa noo nito. Muli ay binigyan ko siya ng yakap. Humiwalay na ako kahit ayoko pa siyang pakawalan.



"Good night too." Marahan itong ngumiti at hindi ko inaasahan na ilalapit nito ang kanyang mukha sa akin, at naramdaman ko na lang ang mainit niyang paghinga ss tapat ng bibig ko. Hanggang sa tuluyan na siyang humalik sa labi ko.



Maingat nitong hinawakan ang pisngi ko, mulat na mulat ang pares ng mata ko sa pangyayaring hindi ko inaasahan. Naramdaman ko na ang maninipis na boltahe ng kuryente na kumalat sa buong katawan ko. Hihiwalay na sana ako sa halik nito ngunit naramdaman ko ang paghawak nito sa batok ko, at sunod ang paggalaw ng halik nito. Unti-unting kumilos ang mga braso ko para ikulong siya sa isang yakap at tumugon sa mainit nitong paghalik.



***


Siniko ako ni Ate Maribeth dahilan para magbalik ako sa sarili ko, hindi ko namalayan na umapaw na sa bowl  ang hawak kong dipping sauce sa mesa.



"Matulog ka muna kaya? Inaantok ka pa eh." Kunwari ay naubo ako at tumayo ng maayos. Agad ko na ring pinunasan ang natapon na sauce sa mesa.


"Pasensya na, ate." Paghingi ko ng paumanhin at iniwas ko na ang paningin ko kay Karleigh.


"Ano bang ginawa kagabi?" Tanong nito at pasimpleng tiningnan ang taong kanina ko pa tinitingnan.


45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon