Kilala sa pinakamahusay na prinsipe at mandirigma ang amang hari sa nasasakupang lupain at sa kaharian ng Fervor. Hinahangaan ito ng karamihan.
Sa usapang disiplina at katapangan, walang ibang tao ang maikukumpara dito. Mahusay at responsible ang amang hari. Ang lahat ng mamamayan ng Fervor ay umaasang magiging katulad ito ng kan'yang nag-iisang anak. Sa loob dalawampung taon mula nang isilang ng inang reyna at amang hari ang nag-iisang anak nila, itinatak nila na ang sanggol ay hihigitan pa ang kan'yang ama.
Hindi nag-aksaya ng segundo ang buong kaharian sa paggabay sa batang prinsipe. Ang lahat ng mabubuting aral at pag-eensa'yo patungkol sa pakikidigma ay hindi sila nagpabaya. Ngunit hindi nila inaasahan na tataliwas ang kanilang pinapangarap para sa batang prinsipe.
Arogante, mainitin ang ulo, masungit at higit sa lahat . . .
Manhid.
"Kailangan na po kayong makausap ng amang hari."
"Iyong sabihin, ako'y abala," walang emosyong tugon nito sa tagapagsilbi.
Maingat nitong pinupunasan ang manipis nitong espada habang nag-iisip kung ano'ng dahilan na namang muli ang kan'yang sasabihin sa kan'yang magulang.
Gusto ko ng umalis! Naghihintay na ang mga kaibigan ko sa bayan. Hindi ako pu-p'wedeng mahuli sa pista!
Hindi nagustuhan ni Prinsipe Isaiah ang paghihigpit sa kan'yang ng mga magulang nito. Bukod sa nag-iisang anak ay kailangan niyang magampanan ang pagiging isang mabuting prinsipe ng kanilang kaharian dahil siya ang magiging kapalit sa trono ng kan'yang ama. Nasasakal ito sa mga gawain na labag sa kagustuhan nito kung kaya't palihim siyang nagpa-plano upang makatakas sa palasyo.
Ang kalayaan ay natatagpuan niya sa labas ng kaharian. Kung saan malaya itong nakagagawa ng mga bagay na hindi siya sinusuway at pinagbabawalan.
Ang makipag-usap sa mga ordinaryong mamamayan, makipagkaibigan sa mga ka-edad nito at makipaglaro sa malawak na kapatagan. Ang pagiging kabataan nito ay hindi niya nararamdaman sa loob ng kaharian. Ito ang dahilan kung bakit lumayo ang loob nito sa kan'yang mga magulang. Pinili nitong magpanggap bilang isang ordinaryong mamamayan ng Fervor at hindi nito gustong makilala siya bilang isang prinsipe na tinitingala sa palasyo.
"Ika'y ipagkakasundo sa anak ni Haring Flaviano. At bukas na bukas din ay magkikita kayo ng dalaga na si Lavina, ang iyong makakaisang dibdib. Naiintindihan niyo ba, Prinsipe Isaiah?"
Kung hindi pa kumatok sa mesa na gawa sa narra ay hindi magbabaling ng tingin si Isaiah sa tagapagsilbi, siya ang isa sa mga inuutusan ng hari upang ihatid ang mga mensahe nito sa kan'yang anak na hindi mawari ang ugali.
"Gano'n po ba?! Sige po, ako'y magpapahinga na."
"Pero aming prinsipe—"
Saradong pinto ang naiwang kasagutan para sa tagapagsilbi. Napakamot nalamang ito ng ulo dahil hindi na naman niya alam kung paano magpapaliwanag sa amang hari at reyna.
Sa malawak na k'warto na puno ng mga mamahaling kagamitan, marmol na sahig na ubod ng kinang, ang bawat sulok ng k'warto ay mga mga ilaw na nasa lalagyan na gawa sa ginto. Marahan nitong binuksan ang malaking binata na gawa sa mamahaling salamin. Bumungad sa kan'ya ang maaliwalas na kalangitan. Ngayong gabi ay naghahari ang mga milyon-milyong mga bituin sa kalawakan. Nakangiti sa kan'ya na tila ipinaparamdam na may kasama siya ngayong gabi na siya ay mag-isa.
Lumipas ang kalahating oras, naisipan niyang bumalik na sa kaharian. Tumakas siyang muli sa kan'yang k'warto at nagtungo sa malapit na mataas na parte ng kapatagan upang magmuni-muni. Mga desisyon na dapat niyang pag-isipang mabuti. Ikakasal na siya, isang napakaimportanteng bagay na hindi pu-p'wedeng takasan.
"Hindi pa ako handa. Ayokong maikasal sa taong hindi ko mahal."
Itinaas niya ang kan'yang kanang kamay na tila inaabot ang mga bituin sa kalawakan at humiling.
"Maari mo niyo ba akong dalhin sa lugar kung saan matatagpuan ko ang isang taong mamahalin ko nang lubusan?"
Napakunot ang noo nito nang makita niya ang kakaibang kulay na mayroon ang buwan. Nagtataka ang prinsipe at pinagmamasdan niya itong mabuti. Ang isang eklips ng buwan ay nangyayari kapag ang mundo ay pumasa sa pagitan ng araw at ng buwan. Bago ito lamunin ng dilim, malinaw sa kan'yang mga mata ang pag-iiba ng kulay ng buwan.
"Maari ba akong humiling ngayon sa buwan?"
#
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021