15 Company's President

60 3 0
                                    

°Someone's Pov°

Kinaumagahan

Nasa hapag kainan na sila, makailang beses na silang nagpapalitan ng tingin. Mga makahulugang tingin kung saan puno ng mga pagtataka.

"Makailang beses ko na sinabi sa iyo na hindi ko sila kilala. Oo, tinulungan nila tayo pero Karleigh hindi ko alam kung sino si Inigo," paliwanag ng binata kay Karleigh nang sabihin niya ang mga nangyari habang wala siyang malay.

Inintindi ito ng dalaga dahil may nabanggit rin si Wilsen sa kan'ya, ang insidente kung saan pareho silang biktima. Napabuntong-hininga na lamang si Karleigh sa naalala at nagpatuloy sa pagkain.

"I'll discuss later the other information you need to know. Kumain muna kayo upang kahit papaano ay magkaroon kayo ng lakas."

Malapit na maubos ang pagkain ni Karleigh ang kaso hindi man lang naigalaw ni Isaiah ang kutsara niya.

"Wala ka bang gana?" tanong ni Karleigh at iniligpit na niya ang pinagkainan nito.

"Ahh . . . Ano. . .''

"Nahihirapan kang kumilos? Masakit pa rin ba ang katawan mo?! Pero 'di ba. . ."

Napaiwas siya ng tingin, mukhang parehong bumalik ang mga alaala nilang dalawa kung sa anong nangyari kagabi nang buhatin niya ito matapos niyng madapa. Kaagad namang inabot ng dalaga ang kubyertos at sinubuan nito ang binata upang makakain.

***

Halos kalahating oras na naghihintay ang dalawa sa may sala, ngunit hindi pa rin bumaba si Isaiah.

"Ano bang ginagawa niya roon?" tanong ni Wilsen na abala sa pag-aayos ng ilang folders at abala rin ito sa pagtipa sa manipis nitong laptop.

"Hindi ko alam." tipid na tugon ni Karleigh.

Nagniningning ang mga mata nito habang nakatingin sa kabuuan ng bahay. Napakasimple ngunit mahahalata ang kalidad na mayroon ang bawat bagay sa loob. Nasa modern style ang bahay, maaliwalas at nakakagaan ng pakiramdam ang kulay puting pintura ng bahay nito.

Base sa mga litratong nakita nito sa may sala, pagmamay-ari ni Inigo ang bahay. Ramdam na ramdam ang katahimikan, ang lungkot sa bawat sulok ng napakalaking bahay. Gano'n siguro talaga, kahit gaano kagarbo at elegante ang bawat bagay na nasa loob ng bahay, kahit gaano kamahal at kaganda ang mga ito kung wala ring mga taong titira rito kasama na ang pagmamahal ay wala ring saysay.


B

Napatingin sa sahig ang dalaga kung saan makikita nito ang repleksyon sa sobrang linis nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin sa sahig ang dalaga kung saan makikita nito ang repleksyon sa sobrang linis nito. Naalala niya ang bahay na tinitirhan nito, kahit papaano ay masaya pa rin ito sa masikip na bahay nila ni Maribeth. Iba talaga ang nagagawa ng mayroong pagmamahal sa kasama ng pamilya at mga taong natutunan nating mahalin.

Inutusan ni Wilsen ang dalaga na tawagin na ang binata sa k'warto nito, kumilos naman kaagad si Karleigh at umakyat na sa ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang nagsisilbing k'warto ni Isaiah.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon