° Karleigh Dimaculangan Pov°
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko, malulungkot ba o magiging masaya? Isang linggo na rin akong naghihintay sa mga tawag mula sa mga in-apply-an kong mga job hiring last week, wala pa rin hanggang ngayon at the same time naman kahit papaano ay malakas ang kita ng convenience store, halos 'di na rin ako umuuwi para lang mag gawin ako sa buhay. Ayoko naman tumambay sa apartment dahil sobrang init at nakakainip doon.
"Mukhang permanente na sa trabaho si Isaiah? Ni hindi ko na nakikitang nakabuntot 'yon sa'yo, dati—"
"Maribeth, sa tingin mo niloloko lang ako ni Isaiah? Isipin mo ah, matapos ko siyang patuluyin sa bahay, binigyan ng pagkain, sinubukan ko hanapin ang mga totoong magulang nito tapos iiwan niya lang ako rito na parang walang nangyari?" Marahan hinagod ni Maribeth ang likod ko na parang pinapatahan ako.
"Ang sabihin mo, nami-miss mo lang 'yung tao. Narito kaya siya kagabi. Knockout ka rin kasi kagabi kaya hindi mo siya napansin. Hindi ka ba nagtaka na triple ang benta natin kanina?" Napansin ko nga na ang ilang stall sa convenience store ay bawas na, kailangan na naming tumawag kay boss para magkaroon ng bagong stocks.
"Ba't di mo ako ginising—" Pabiro nitong hinampas ang balikat ko dahilan para samaan ko siya ng tingin. Kanina lang pinapakalma niya ako ngayon hahampas sa balikat ko?! Aba! Naalala ko na nananapak ako sa mga nang-iistorbo sa pagtulog ko.
"Aysus! Pabebe?! Miss mo na nga. Aminin mo na. Tama na yang drama mo." Nginitian niya ako ng nakakaloko.
Gusto ko lang naman na itanong kung babalik ba siya sa store, wala rin kasing cellphone 'yung lalaking 'yon! Kaasar!
Mahapdi na ang mga mata ko sa pagtingin sa screen ng computer dito sa counter. Hindi ako tumigil sa panunuod ng mga video para hindi ako makatulog, gusto ko sanang madatnan si Isaiah, ang problema dahil na rin sa pagod hindi na kinaya ng katawan ko.
Dumagdag pa ang sobrang tahimik ng lugar, walang naliligaw kahit ni isang lamok. Kahit mga sasakyan na pumapasada ay wala akong nakita. Nasa ghost town ba kami? Nakakaantok na talaga.
"Hindi ako pumayag na maging permanente sa café nila. Pinagbigyan ko lang sila ng isang linggo. Nag-aalala na rin kasi ako kay Binibining Sungit, wala siyang kasama rito."
"Sayang naman. Alam mo maswerte ka nga at may nakukuha kang trabaho at ang nakakatuwa dahil mismong mga employer ang lumalapit sa'yo. Samantalang kami lumuhod na sa mga harapan na ay wala pa ring silbi."
"Kaya nga ate, rito na ako sa tabi niyo ni Binibining Sungit."
Naalimpungatan ako sa naririnig kong usapan. Nanlalabo ang mga mata ko nang inangat ko ang ulo ko para makita ang mga tao na nag-uusap. Napahawak ako sa ulo ko, pakiramdam ko ang bigat nito na parang hindi ko kayang igalaw ng maayos. Umayos na ako ng tayo at hinarap sila.
"I-Isaiah? B-Bakit ka narito—" Bigla na lang nandilim ang paningin ko at huling naramdaman ko ay ang malakas na pagtawag sa pangalan ko.
Isang mainit na bagay ang duMadamepi sa balat ko. Marahan na paghaplos sa braso maging sa leeg at mukha ko. Tuluyan ko ng idilat ang pagod kong mga mata, pakiramdam ko ang bigat bigat ng mga talukap ko. Nang subukan kong magsalita ay napapikit ako sa sakit, sobrang tuyo ng lalamunan ko, sinubukan kong lunukin ang sarili kong laway pero maging ng laway ko'y hindi ko maramdaman.
"Gising ka na." Mahinang boses ang narinig ko mula sa lalaking nakaupo sa gilid ng hinihigaan ko.
Binawi ko ang kamay ko na pinupunasan niya. Nagtaka ito sa ikinilos ko. Bumangon na ko at umayos ng upo pero hindi ko magawa, walang pakisama ang katawan ko. Ano ba'ng nangyayari?!
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021