13 Meeting Strangers

57 6 0
                                    

° Someone's Pov °

Nawalan ng malay ang dalaga matapos magtagpo ang mga labi nila ng binata na si Isaiah. Pilit mang gisingin ito ng binata ngunit wala mang epekto. Minabuti niyang ihiga sa may kama ang dalaga upang sa gayo'y makatulog na ito ng mahimbing. Habang ang binata ay tahimik na pinagmamasdan ang mukha ng dalaga. Ang makinis nitong pisngi, tuyong labi, hindi katangusan ang ilong, mga mata kung saan mababakas ang pagod.

"Kung kaya kong bumalik sa kaharian, isasama kita at gagawin kong reyna. Ngunit gustuhin ko man na maging akin ka ay napakaimposibleng mangyari. Bakit mo inilalayo ang sarili mo sa tulad ko? Dahil alam mong magkaiba ang mundo at hindi p'wedeng maging tayo?"

Huminga na malalim ang binata. Inilapit niya ang sarili sa dalaga at dinampihan ng mainit na halik sa noo nito. Hindi niya inaasahan na may papatak na luha sa kan'yang mga mata at natagpuan na lang niya na napatakan ang pisngi ng dalaga.

"Hindi ko maipaliwanag kung paano mo nagawa sa akin ito. Itong pakiramdam na nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang pakiramdam na ayokong mawala ka sa tabi ko."

Dumating ang umaga, umalis siya sa unit na tinutuluyan nila pansamantala. Dumiretso ito sa information desk at nagtanong kung magkano ang magkaroon ng isang bahay na tulad ng tinuluyan nila. Kaagad nitong iniabot ang limang butones na gawa sa purong ginto ngunit hindi iyon tinanggap, kailangan niyang ipapalit iyon upang maging salapi.

Tanghali na ng makahanap siya ng isang jewelry shop at inabot siya ng ilang oras dahil sa pakikipag- argumento sa may-ari. Kung ano-ano ang mga itinanong nito sa binata dahil hindi siya makapaniwala na may mahahawakan siyang mga purong ginto.

Nagpatawag pa ang matandang lalaki ng isang eksperto upang ipatingin ang mga butones na dala ni Isaiah. Dumating ang hapon at hawak- hawak na ni Isaiah ang ilang cheke. Wala itong ideya na may mga nakasunod sa kan'ya.

Pasimple silang lumapit sa binata, nang makakuha sila ng tyempo kung saan p'wede nilang hilahin ang binata at dalhin sa patagong lugar.

"Manahimik ka kung hindi mamamatay ka." Isang matalim na balisong ang humalik sa bandang leeg ni Isaiah.

Tila binuhusan ito ng napakalamig na tubig sa katawan sa nangyayari. Nagawa ng tatlo na dalhin sa masikip na eskinita ang binata. Hinarap nila ito at mabilis na kinapkapan para kunin ang wallet nito.

Hindi naman nagpatalo si Isaiah, ang isang bagay na umiikot ngayon sa isip niya ay walang iba kundi ang dalaga na si Karleigh. Kailangan na niyang makauwi dahil wala itong kasama sa bahay. Hindi p'wedeng makuha ng mga mga magnanakaw ang pera na hawak niya.

Kaagad siyang nakipagbuno sa mga lalaki. Hindi alintana ang mga armas na hawak nila. Wala na siyang pakialam kung makailang beses mang bumaon ang mga iyon sa kan'yang laman. Ang mas importante ay makabalik siya sa dalaga.

Nalasahan na ni Isaiah ang tila kalawang sa kan'yang bibig. Ilang beses man siyang makaiwas sa sipa at suntok mula sa tatlong lalaki ay hindi pa rin maiiwasan na mas lamang ang mga ito sa binata. Nararamdaman na nito ang hapdi sa kan'yang tagiliran ngunit kialangan niyang makaganti.

Nakahandusay na sa maruming sahig ang isang lalaki na namimilipit ngayon sa sakit, bakas ang pagkabali ng braso nito na kan'yang dinadaing. Sa kadahilanang iyon ay may mga taong nakarinig sa pagsigaw sa sakit ng lalaki.

"Inigo!" Isang binata ang mabilis na lumapit, kaagad nitong inilabas ang baril at agad itong ikinasa sabay tutok sa dalawang lalaki ma nanakit kay Isaiah.

"U-Umalis na tayo, boss!" Nangangatal na sabi ng isang magnanakaw na lalaki sa kasama nito ngunit hindi sila hinayaan na makaalis ng binata na tinawag si Isaiah sa pangalang Inigo.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon