Huling Kabanata
°Karleigh Pov°
Natuto akong mabuhay na ako lang mag-isa. Matapos akong iwan ni Papa na ang tanging pamilya na mayroon ako, pinili ko na lang na wala na akong makakasama. Sinubukan kong labanan ang lungkot, ang bangungot na dulot ng kahapon, ang mga mapapait na pangyayaring gusto ko na lang ibaon sa limot.
No man is an island; kailangan din natin ng tulong ng iba. Walang tao ang nabubuhay para lang sa sarili. Dahil na rin sa trabaho ay nagkakilala kami ni Maribeth bukod doon ay wala na akong kinaibigan pa. Pinili kong maging kaunti lang ang maging malapit sa akin, para hindi masakit sa akin, sa nararamdaman ko kapag iwan nila ako.
Ngunit nang dumating si Isaiah, naramdaman kong muli ang takot. Ang takot na kapag dumating ang oras na mawawalan ulit ako, hindi ko na kaya pang labanan, masyado na akong nasaktan.
Makailang beses na akong tumawag sa numero ni Isaiah, ni isang pagsagot ay wala akong natanggap. Minabuti kong magtanong sa mga empleyado ngunit maging sila ay walang ideya. Hindi naman ako p'wedeng magtanong kay Inigo dahil mas importante ang ginagawa nito, magiging abala pa ako sa kan'ya. Minabuti kong puntahan si Wilsen, ang kaso ay hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad at paghahanap. May mga pulis ang nagmamadaling umakyat sa isang hagdan, papunta sa rooftop. Sumunod ang mga medical staff na umakyat din sa hagdan. May lalaking umagaw sa atensyon dahilan para lumingon ako sa pinagmulan nito. Humahangos itong nakalapit sa akin, napahawak siya sa magkabilang tuhod at hinahabol ang sariling paghinga. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko nang sabihin niya ang pangalang Isaiah.
Nagpupumiglas ang isang lalaki na mahigpit na hawak ng dalawang armadong pulis. Nakaposas na ang lalaki ngunit patuloy pa rin ito sa pagkawala. Sa dulo ng rooftop ay nagpulong amg mga tao, kapansin-pansin ang pula at malapot ma dugo na kumakalat sa sahig. Napaluhod na lamang ako nang rumehistro sa isip ko ang nakita ko, ang duguang katawan ni Isaiah.
Mabilis na kumilos ang mga medical staff, kaagad akong inalalayan ni Inigo. Wala akong bukam bibig kundi ang sumunod sa hospital kung saan idinala si Isaiah. Kritikal ang lagay nito, ngunit base sa mga dugong patuloy na umaagos sa dibdib nito malabong mabuhay pa siya. Ang mga salitang iyon ang pilit kong binubura sa isip ko, pinili kong maging bingi upang hindi na isipin ang bagay na iyon, may tiwala ako kay Isaiah. Nangako siya sa akin na hindi niya ako iiwan.
Lumipas ang tatlong oras ay nanatiling nasa emergency room si Isaiah. Wala pa rin itong malay, naging matagumpay ang pag-alis ng tatlong bala na bumaon sa laman nito. Gayun pa man hindi pa rin kami nakakasigurado na magigising pa ito.
Mag-isa akong nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng emergency room. Wala pa rin akong natatanggap na balita mula sa mga doktor na tumitingin kay Isaiah. May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Isang puting panyo ang nakita kong inabot nito. Marahan kong iniangat ang ulo ko na halos mabali na sa pagkakayuko dahil sa walang tigil na pagdarasal sa kalagayan ni Isaiah.
"Magiging malungkot si Isaiah kapag nakita ka niyang umiiyak nang walang tigil. Tahan na." Pinipigilan ko naman talaga ang pag-iyak ko pero hindi nakikisama ang katawan ko sa sakit na naghahari sa loob ko.
"Inigo... Gumawa ka ng paraan para makaligtas si Isaiah, please? Ayokong maiwan, ayokong mawalan ulit," Mahina ngunit seryosong sabi ko sa kan'ya.
Bakas na bakas pa rin sa palad namin maging sa mga damit namin ang dumikit na dugo ni Isaiah. Pakiramdam ko pinupunit ang bawat laman ko sa katawan sa sobrang sakit.
"Hindi ka iiwan ni Isaiah. Hawak mo ang puso niya kaya naniniwala ako na hindi ka nito iiwang mag-isa." Marahan niyang inayos ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa basa ka kong mukha.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021