19 Once in a Lifetime

51 4 0
                                    



° Someone's Pov°

Dahan-dahang pinupunasan ni Isaiah ang kamay ni Karleigh na mahimbing na natutulog ngayon. Narinig niyang muli ang boses ng lalaki na nasa kabilang gilid ng kama, nakatingin naman ito sa mukha ng dalaga.

"Huwag kang mag-aalala, ligtas ang gamot na pampatulog na in-inject ko sa kan'ya. Kinabukasan ay magigising na rin si Karleigh. Gusto ko rin siyang makapagpahinga sa mga nangyari sa nagdaang araw. Tutulungan kita at mangako ka na gagawin mo ang mga napag-usapan natin.

Sa oras na makumpleto ko ang mga ebidensya para sa mga krimen na nagawa ng mga taong gustong pabagsa'kin at angkinin ang GraySteel, hahayaan ko na kayo."

"Anong ibig sabihin na hahayaan mo kami?" naguguluhan na tanong ni Isaiah.

"Mahal ko si Karleigh, pero matagal na rin nang iwan ko siya nang walang pasabi. At hindi natin maipagkakaila na tuluyan ng nagbago ang lahat. She loves you. Ang mga mata niya na kung saan nasaksihan ko nang mga panahong ako pa ang mahal niya. Nakita kong muli ang pagmamahal sa mga mata niya sa tuwing magkasama kayo. Tatanggapin ko na ikaw ang piliin niya. Mahal ko siya pero masakit pa rin ang nangyari noon, masakit dahil ako ang dahilan."

Binitiwan ni Isaiah ang kamay ni Karleigh. Tumayo ito at hinarap si Inigo. Nanatili naman na nakatingin si Inigo sa dalaga na mahimbing ang tulog.

"Ito ba ang insidente kung saan kasama rin si Hansen?" Nilingon siya ni Inigo at tumango.

"Dahil sa kumpanya, ang pamilya ni Hansen ay gusto makuha ang kumpanya ng pamilya ko. Ang kumpanya ay ipapamana sa akin maging sa kasintahan ko na si Karleigh dahil matalik na magkaibigan ang aming ama. Ang kumpanya ang dahilan kung bakit kami naghiwalay at siya ring dahilan ng pagkamatay ng kan'yang ama para protektahan kami." Mariin itong pumikit at kumunot ang noo hbang inaalala ang mga pangyayari.

"Tumakas ako, nagtago ako, ilang beses ko ng sinisi ang sarili ko. Napakasama kong tao, dumating ang araw na harap-harapan akong pinagbantaan. Ayoko na masali ang buhay ko sa kumpanya ng pamilya ko. Ngunit nang malaman ko ang naging buhay ni Karleigh, naisip kong gumawa ng paraan. Gusto kong mapasakamay muli ang kumpanya. Ayokong tuluyan itong makuha ng mga taong makasarili. Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap naming dalawa ng taong mahal ko."

Napabuntong-hininga si Isaiah sa narinig nito sa binata. Nahuli niya si Inigo na nakatingala upang pigilan ang pagtulo ng kan'yang mga luha.

"Nakahanda akong tumulong hanggang narito ako. Humahanga ako sa'yo dahil sa pangarap na mayroon ka para kay Karleigh. Pinili mong bumangon at lumaban para sa kan'ya."

Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Inigo at mabilis na pinaypayan ang sarili dahil sa namunuong luha sa kan'yang mga mata. Hindi namalayan ng dalawa na may masayang ngiti ang naipinta sa kanilang mga labi.

"Umiinom ka ba ng alak?" tanong ni Inigo.

Hindi maiwasan ni Isaiah na mapangiti sa tuwing naalala nito ang mga nangyari noong unang pagkikita nila sa bahay nila Karleigh, parang kailan lang na bigla siya nagising sa malalim na pagkakatulog at sa pagbukas mga kan'yang mga mata ay nasa maliit na k'warto siya ng dalaga.

Ngayon at isa-isa na niyang binubura sa kan'yang alaala ang mga pangyayaring minsan nagbigay sa kan'ya ng saya.

"Saan ka ba pupunta? Bakit ang dami mong ibinibilin?" nagtatakang tanong ni Maribeth sa kan'ya.

Nang umuwi ito sa mansyon ni Inigo matapos ang ilang meeting sa kumpanya ay nalaman nito na umalis si Karleigh at umuwi sa apartment nila. Kaagad naman siyang nagpatulong kay Inigo na puntahan ang dalaga sakay ang kotse nito.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon