18 Beautiful Goodbye

48 4 0
                                    


Someone's Pov°

Mabilis na inambahan ng suntok ni Isaiah ang lalaking kasama ni Karleigh. Ang lalaking nahuli niyang nakahalik sa labi ng dalaga. Hindi niya hinayaan pa na makatayo ng maayos ang binata at sinundan pa ni Isaiah ng ilang suntok ang lalaki hanggang sa mapalunod ito sa malamig na sahig. Hinihingal pa ito sa pagsuntok niya sa lalaki, kung hindi pa siya inawat ng mga tao sa paligid ay hindi ito titigil.

Nabaling ang tingin nito kay Karleigh na seryosong nakatingin sa kan'ya. Akmang lalapitan niya ito ngunit kaagad na tumayo ang lalaki at humarang sa daraanan nito. Walang awat ang pagdurugo ng kan'yang pumutok na labi, maging ang sugat na natamo nito sa gilid ng kan'yang noo.

"So that's the way you say hi? Isaiah . . . I mean Inigo?" Ngumisi pa ang lalaki at dumura ng dugo sa tapat ni Isaiah.

"Keep pretending, but know your place. Hindi ko kayo pipigilan sa mga plano niya basta lang huwag niyong kukunin ang pag-aari ko." Tinalikuran na siya nito at umalis sa lugar. Naagaw ng atensyon nito ang dalaga na napaluhod sa sahig at nawalan ng malay. Inalalayan niya ito at binuhat.

Nang magkita muli sila ni Wilsen ay nagdesisyon na silang umuwi. Kailangan niyang isikreto ang lahat ng nangyari, ngunit hanggang kailan niya makakaya na itago ang mga ito.

***

Matapos nitong magpaliwanag sa nangyari kay Wilsen ay minabuti nitong manatili sa bahay upang mabantayan si Karleigh. Nang pumasok ito sa k'warto ay may malakas na pwersa na humila sa kan'ya at mabilis siyang ipiniid sa pader ng isang lalaki.

"Nice meeting you again." Ramdam nito ang init ng paghinga ng lalaki sa kanang tainga nito.

"Sa oras na gumawa ka ng ingay, hindi ako magdadalawang isip na lapitan si Karleigh at gawan—"

"Ano'ng kailangan mo?" seryosong tanong ni Isaiah, walang kahit anong emosyon ng mababakas sa pananalita nito.

Pinakawalan na siya ni Inigo at hinarap din kaagad siya ng huli.

"I'm just visiting my property." At ibinaling ang paningin sa dalagang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Muli ay ibinalik ni Inigo ang tingin niya kay Isaiah.

"Totoo palang nakabalik ka na."

Nagkibit balikat ang binata ma tila masaya sa mga nangyayari at nginitian niya ang huli.

"Something came up to my mind. May kailangan akong protektahan kaya bumalik ako. Ang problema mukhang hindi na kailangan. Do I need to say thanks to you?" Kumuha ito ng babasaging baso at ibinuhos ang kaunting wine sa baso na nasa maliit na mesa sa tapat nila. Naupo ito sa sofa malapit dito at nakangising binalingan si Isaiah.

"Maging direkta ka sa mga sinasabi mo." Matapang namang bwelta ni Isaiah sa tinuran ni Inigo sa kan'ya.

Alam nito na sa una pa lang ay wala na siyang karapatan pa na manghimasok pa sa buhay nila. Siya lang ay pansamantala lamang sa mundo na mayroon sila. Ang mundo kung saan natagpuan niya ang tunay na kahulugan ng buhay at mararamdaman ang tunay na pagmamahal.

Ano pa ang dahilan para sumuko? Isuko ang itinuring niyang yaman. Hindi kailanman niya naisip na bitiwan ang dalaga na si Karleigh, magkamatayan man, ngunit sa sitwasyon na mayroon siya, sa panaginip na lang magiging posible ang lahat.

"Isa lang naman ang gusto natin kay Karleigh, hindi ba? Gusto natin siyang protektahan." Naging seryoso na ang pakikitungo ni Inigo kay Isaiah. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa ngayon na may kamukha siya. Kahit saang angulo niya ito tingnan.

Ilang beses na rin siyang naghanap ng impormasyon tungkol kay Isaiah ngunit wala itong makita. Napaka-misteryoso nitong tao. Maging ang mahalin ang nag-iisa nitong minamahal ay nagawa nitong kunin sa kan'ya.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon