° Karleigh Dimaculangan Pov °
Mabilis ang paggalaw sa paligid, ang paggalaw na halos hindi ko na maipinta ang mga nakikita ko. Wala akong maramdaman na hangin sa kapaligiran hindi ko rin maigalaw ang sarili kong katawan.
Wala si Isaiah sa tabi ko, tila nasa isang panaginip ako ng kung sino. Huminto ang oras at ang tanging tumambad sa harapan ko ang malawak na kapatagan. Sa di kalayuan ay may malaking palasyo na tanging sa mga teleserye kung saan may reyna at hari ang nakatira.
Isang hakbang ang aking ginawa ngunit sa pagyapak ng aking mga paa ay panibagong paligid muli ang aking nakita, nasa loob na ako ng palasyo. Hindi ko alam kung nakikita ako ng nga tao, tila isang hangin lamang ako ngayon sa paningin nila. Abala ang lahat, ang iba ang may hawak-hawak ng mga lalagyan kung saan may iba't ibang pagkain, mga prutas, ilang babasagin na bote at tinapay.
Ang ilan ay mga kawal na tila estatwa sa bawat pasilyo, sa mga gilid ng bawat poste. Matatalim na mga espada at malalaki ang mga hawak nilang mga armas, hindi rin nakatakas sa aking paningin ang napaka detalyadong pagkakagawa ng kanilang mga damit pangdigma.
"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa aking sarili. Pinagtataka ko ay maging ang sarili kong boses ay hindi ko marinig.
Humakbang akong muli, nasa panibagong lugar na naman ako, nakakasigurado akong nasa panaginip lamang ako, ngunit bakit sa ganitong panahon?
Malawak na hardin na puno ng mga makukulay na bulaklak. Nakapalibot naman ang mga mayayabong na punongkahoy. Napakapresko ng hanging umiihip sa buong lugar.
"Aming kamahalan, ibig kayong makausap ng amang hari. Mula kahapon ay hinihintay niya kayo sa kan'yang opisina, hindi niya ibig pang palampasin mo ang—"
"Hindi ba't nasabi ko sa'yo na ako'y abala sa aking pag-eensayo? Hindi ba't utos niyo na wala akong sasayangin segundo para makapag—"
"Aming kamahalan, importante po ang sasabihin ng inyong ama, nakikiusap po ako sa inyo kamahalan." Lumuhod ang isang tagapagsilbi sa tapat ng isang binata. Ayokong humakbang palapit dahil alam kong magbabagong muli ang aking paligid.
Sa kabilang banda ay narinig ko ang pagdating ng iilang kawal, napalingon ako rito na nasa may gilid ko na pala. Ang dating tahimik na hardin ay binasag ngayon ng isang presensya ng kung sino.
"Ikinagagalak kong makita ka na seryoso sa pag-eensayo, aking anak. Ngunit ano na namang maririnig kong palusot mula sa'yo ngayon? May importante tayong pag-uusapan."
Dahan-dahang hinarap ng binata ang pinagmulan ng boses. At nang makaharap ito sa kinakatayuan ng isang matandang lalaki na nasa tabi ko. Halos mahulog ang puso ko sa damuhan nang makita ko ang itsura ng lalaki.
"Isaiah."
Puting longsleeve ang suot nito tulad noong una naming pagkikita ngunit mas kapansin-pansin ang pagiging elegante nito. Ang bawat hibla ng kan'yang damit ay kumikislap sa tuwing matatamaan ng sinag ng araw. Maging ang itim na trousers na suot niya ay walang makikitang gusot dito sa sobrang tuwid.
Hindi rin nakawala sa pansin ko ang espadang hawak nito sa kan'yang kaliwang kamay. Halos makita ko na ang sarili kong repleksyon roon. Hindi ko alam kung makakaya kong buhatin iyon dahil purong bakal ito. Kakaiba rin ang mga disenyong nakaukit roon. Naiiba ito sa mga nakita ko kanina sa mga kawal.
Totoo bang prinsipe siya tulad nang sinabi nito noon sa akin?
Yumuko ito upang magbigay galang sa matandang lalaki na tinatawag nilang amang hari. Hindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayon. Ibang-iba ito sa inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021