*Continuation*
Isaiah's Point of view
Naging matagumpay ang pag-alis ko sa restaurant, ang kailangan ko ngayon ay pumunta sa isang pamilihan o mall para makabili ng cellphone, pero naalala ko wala pala akong kontak sa kanila dahil ilang taon na rin ang lumipas.
Sa tagal ko sa paglalakad ay naupo ako sa isang shed malapit sa bus stop. Hapong-hapo ako sa layo ng nailakad ko dahil pakiramdam ko naliligaw na ako. Matagal na rin noong nakapunta at nakabalik ako sa mundo nila, lalo akong namangha at patuloy na humahanga sa mga imprastraktura at mga makabagong bagay na gawa ng teknolohiya.
Natunaw na ang mga karneng nakain ko kanina sa tagal ko na ring naglalakad, wala akong ideya kung nasaang lugar ako, walang mga bagay akong nakikita na magtuturo kung saan ang mga taong itinuring kong mga kaibigan.
Lumalalim na ang gabi, niyayakap na rin ako ng antok at natatalo na ako nito kahit anong laban ang gawin ko. Bago pa ako tuluyang makatulog ay may narinig akong pagtawag sa akin.
"Sir. Inigo? Ano pong ginagawa niyo rito?"
***
Sakay ng isang taxi ay tahimik naming binabagtas ang daan papunta kung saan. Nakatingin lang ako sa labas at pinagmamasdan ang tahimik na syudad. Ilang minuto ang lumipas at tuluyang huminto ang sasakyan. Bumaba na ako kasama ang isang lalaki.
"Hindi na Sir! Magpahinga na po kayo! Paalam po." Nag-bow pa ang lalaki at tuluyan na akong iniwan. Ibinulsa ko na lang ang hawak kong butones na hindi man lang ito nag-abala na kunin at lingunin.
Inakala ng lalaki na ako si Inigo, hanggang ngayon parin ay hindi ako makapaniwala na may kamukha ako sa kakaibang mundo na napuntahan ko. Minsan na rin daw nakikita na nasa mga shed si Inigo, madalas nga ay nakikita nilang lasing ito dahil sa nainom. Wala akong ideya kung nasaang lugar ako, nang tumalikod ako at nakita ang napataas at napakalaking building ay isa-isang pumasok ang mga alaala sa isip ko.
"Nakabalik na nga talaga ako."
***
Gumamit ako ng hagdan dahil hindi parin ako sanay sumakay sa elevator, wala pa ako sa kalahati ng building ay lumabas na ako sa elevator dahil sa pagkahilo. Hindi ko alam kung daang nilalakad ko, halos gumapang na ako sa sobrang pagod makarating lang sa isang kwarto. Kumatok ako ng tatlong beses, napasandal na ako ng tuluyan dahil sa pagkahilo.
"Sino 'yan?" Dinig kong tanong sa loob at tuluyan na ngang bumukas ang pinto. Dahil sa biglang pagbukas ng pinto ay nawalan ako ng balanse at tuluyang napaluhod sa sahig.
"What the h*ll!" Halos sipain niya ako sa gulat nang makita niya ako. Pinilit kong tumayo at kumuha ng lakas sa magkabilang tuhod ko dahil alam kong hindi niya ako tutulungan pang makatayo mula sa sahig.
"N-nagagalak akong makita kang muli."
***
Madaling araw na at pinipilit kong idilat ang mga mata ko. Abala siya ngayon sa pagluluto ng pagkain at isa-isa niya itong inihanda sa mesa.
"Ayos ka lang?" Inabot ko ang table napkin at pinunasan ang mesa dahil natapon ang ilang sabaw at sarsa sa mesa dahil sa panginginig ng palad nito.
"A-ayos lang, hindi ko lang inaasahan na darating ka." Naupo na ito at tinitigan ako ng seryoso. Namilog ang mga mata ko nang hawakan nito ang palad ko at isinampal sa pisngi niya.
BINABASA MO ANG
45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓
General FictionOnce in a lifetime, her wish come true while wishing at the moon. An ordinary girl meets a prince from nowhere. The distinction between the two, it's about a million miles from here. Written: February 2, 2021 Finished: June 7, 2021