Chapter 54

0 2 0
                                    

Mula sa isang silid ay pumasok si Arteixec sa na pinasukan ni Kimsoo, nakita niyang may kung anong bagay itong sinusulat, dahil nga ay nasa likuran lang siya nito.

"Hindi ka man lamang ba marunong kumatok?" sabi nito.

"Para saan pa, alam mo rin naman na papasok ako." he replied.

Natawa naman si Kimsoo, "Ano naman ang dahilan kung bakit naparito ka, Arteixec?"

Napangisi naman si Arteixec, ngayon ay napag-alaman niyang sino talaga ang kalaban, at naalala niya rin noong nasa kulungan ito ay planado na nito ang gagawin niya.

Masyado siyang nalason dahil sa mga sinabi nito, at naging malaki ang kasalanan niya sa palasyo, at higit pa doon ay sinisi niya ang hari sa pag-aakalang pinatay ng hari ang kaniyang kapatid. At galit na galit siya dahil sa nagawa niya.

Ngayon ay naiintindihan na niya. Inutusan ni Kimsoo ang mga kawal para patayin ang kaniyang kapatid at isisi 'yun sa hari. Labis ang kakahiyan na nagawa niya pero nga dahil sa kapangyarihan ni Reia ang bumabalot sa kaniya ay galit na galit siya.

Hindi niya hahayaan na hahayaan na mamuo pa ang galit na nararamdaman niya ngayon sa Heirrs bagkos ay ibubuntong niya ang galit niya kay Kimsoo at Reia.

Sa ngayon ay narito siya para kausapin si Kimsoo.

"Bakit ako narito? Gusto kong magpasalamat dahil niligtas mo ang kapatid ko. Pero gusto ko lang malaman kung 'yung mga kawal ba na inutusan ng hari ay nasa palasyo pa?" tanong niya, marahan siyang napatitig rito.

"Bakit mo naman sa akin tinatanong ang bagay na' yan? Matagal na akong wala sa palasyo kaya hindi ko alam kung nandoon pa sila o patay na." saad naman ni Kimsoo.

Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito, napatingin siya sa uwak na nakatitig sa kaniya, lagi niyang nakikita umaalis ito at darating kinabukasan. Kung ganoon ay maaring nagiging taga-ulat niya rin ang uwak na ito.

"Kung ganon may posibilidad na wala at may posibilidad din na naroon sila." ani niya.

"Ganon na nga."

"Alam kong may talento ka sa pagguhit, maari mo bang ilarawan ang mukha nila." napakunot-noo si Kimsok at may pagkausisa siyang tinignan.

"Nais mo bang maghiganti? Hindi ba dapat sa hari mo ibinubuntong ang 'yong galit? Tila' yata may iba sayo ngayon." pakahulugan na sinabi nito.

Hindi naman 'yun pinansin ni Arteixec, "Bukod sa hari, gusto ko rin malaman kung sino pa ang kasabwat sa pagpapatay sa aking kapatid noon. Bakit hindi mo ilarawan ngayon kung sino sila at ng magawa ko ang maghiganti."

Napangisi naman si Kimsoo, "Kung sabagay may punto ka. Pero dahil sa katagalan hindi ko maalala ang mga hitsura nila kaya kung ako sayo sa hari mo isisi ang lahat."

Napayukom naman siya ng kamao.

"Hindi. Lahat ng kasama kailan managot. Kung ayaw mong ilarawan sa akin sabihin mo nalang ang mga pangalan nila." diin niya rito.

"Inuulit ko, wala na akong natatandaan."

Lumapit siya kay Kimsoo at hinawakan ang kwelyo nito at masama niya itong tinignan. Talagang sanay na sanay itong magsinungaling, kailan niyang malaman kung may mga taga-utos si Kimsoo sa palasyo dahil maaring manganib ang buhay ng prinsesa at pagtangkaan ito lalo na't alam niya kung sino ang target ng mga Garghol.

Hindi niya hahayaan na may mangyari sa prinsesa.

"Imposibleng hindi mo natatandaan, kilala mo ang matataas na kawal, at nanging taga-sunod ka ng hari kaya alam mo rin kung sino ang inuutusan niya."

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon