"Kaunting sandali na lang may mapapasa akin na ang korona." saad ni Reyna. Mataan 'tong nakangisi.
Sinisigurado niya na naayon ang lahat sa plano, ang mga bagay na pwedeng magpabagsak sa prinsesa o sa hari man at ang palasyo ay nalalapit na pag-aangkin.
Iniisip niya na mawala muna ang prinsesa ay isang tagumpay para sa kaniya, dahil mababawasan ang mga taong handang sirain ang mga katulad nila, at hindi niya hahayaan na mangyari ang bagay na 'yun.
"Mahal na reyna!" dumating ang kawal kasabay ni Arteixec.
Lalo naman niyang ikinatuwa dahil may alas siya laban sa Heirrs.
"Anong balita?" tanong niya sa kawal.
"Nakahanda na po ang lahat ng kawal, bukas na bukas rin ay maiaayos na po ang lahat." ani ni Kawal.
"Kung ganoon, hindi ko na pala kailangan maghintay. Sa makawala ay susugod tayo at ipapatikim natin sa kanila ang ating galit. At prinsesa naman ay mawawala na siya sa landas natin." angil niya at mariing tumawa.
Hindi naman maiwasan ang yumukom ang kamao habang nakatingin kay Reia. Kung kaya niya lang na labanan ang ito ng harapan ay gagawin niya. Pero sa ngayon ay inaalala niya ang prinsesa, at kay El na kababata niya ay hindi niya inaasahan na magkalagusto na siya dito.
Iniisip niya kung nasaang lupalop nagpunta si Hellvain, lalo pa't hindi niya pa ito nakikita kahapon.
"Mahal na reyna. Gusto ko lang alamin kung nasaan si Hellvain? Hindi ko siya nakita simula kahapon."
Napatitig naman ang reyna sa kaniya.
"Ikaw ang inatasan kong bantayan siya, pero naisip ko na bigyan siya ng utos na maaring magpanatili ng ating plano at hindi ito masira."
Nagtataka naman siyang tumingin rito.
"Anong ibig niyong sabihin?"
Napangisi si Reia.
"Inutusan ko siyang magpunta sa hilagang yungib, na kung saan pansamantalang ikulong roon, hindi niya alam ang lugar na 'yun kaya naman nagsinungaling ako na naroon din ang prinsesang inibig niya."
Naningkit ang mata niya.
"Ano!?" hindi niya sinadya ang pagtaas ng boses niya kaya naman napatitig sa kaniya ang reyna.
"Tila yata, hindi mo nagustuhan ang ginawa ko."
Sandaling siyang nanigas sa tinatayuan niya, at tumikhim.
"Hindi naman sa ganon. Hindi ba dapat sinabi niyo sa akin agad para naman hindi na ako nahirapan pa hanapin siya kahapon." ani niya.
Sandaling tumango si Reia.
"Tama, nakalimutan ko lang ipaalam 'yun sayo at isa pa hindi ko rin kasalanan kung hindi mo alam dahil dapat sa una, alam mo na kung nasaan siya."
Sandaling siyang napayuko at hindi maiwasana ng umangil.
"Patawad. Hindi ko siya masyadong nabantayan." napapikit siya ng mariin habang nakayuko, hindi dapat niya ginawa ang bagay na 'to ang yumuko sa harapan ng nagpapahirap sa kaniya ngayon.
Kailangan niyang magpanggap hanggat kaya niya.
"Kalimutan muna. Ang kailangan na lang natin gawin ay lakasan ang ating pwersa, at sugurin ang palasyo. At ikaw ang mangunguna roon."
Tumango siya at yumukom ang kamao. Kailangan niyang umisip ng plano para pakawalan si Hellvain sa hilagang yungib, pero paano?
Alam niyang isa na lang ang paraan para pakawalan si Hellvain roon. Si Levi!
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...