PAGKAPASOK ng mga mandirigma sa palasyo may narinig silang pagsabog, nagkatinginan ang mga ito.
"May hindi magandang nangyayari." sambit ni Elise.
"Yung tunog na 'yun galing sa trono ng silid. Kailan natin puntahan agad' yun. Tara na!" sabi ni Herya at mabilis na tumakbo sumunod naman ang ilan maliban kay Elise.
"Sana hindi ikaw 'yan. Azec." bulong ni Elise at mabilis na sumunod.
Nang makarating sa trono ng silid ay nakita ni Elise si Arteixec na pinapalibutan ngayon ng mga kawal. Mabilis siyang natigilan, at hindi makapaniwalang si Arteixec nga ang dahilan ng pagsabog.
Mabilis na gumalaw sila Herya at ang iba pa. Maliban sa kaniya. She was stunned, she doesn't know how to react, knowing Arteixec glances at king, furious. While the king is still calm, trying to tamed Arteixec.
"Ano na naman bang nangyayari sayo, pinuno?" tanong ni Zach.
Nanatili lang tahimik si Arteixec.
"Azec." saad niya, napatingin si Arteixec sa kaniya at napapikit.
Biglang nawala ang apoy sa paligid.
"Pinuno? Anong bang problema mo? Nung una ay pinakawalan mo si Kimsoo, tapos ngayon bigla-bigla kang susulpot dito?" saad ni Aly.
Wala pa rin itong tugon.
"Bakit hindi niyo tanungin ang magaling niyong hari? Kung ano ang pinunta ko rito." may ngising saad ni Arteixec.
Natigil ang atensiyon nila kay Arteixec ng dumating si Zia. Naging tahimik ang loob ng silid ang takong lang nitong suot sandalyas ang nagpaingay sa loob.
Lumapit si Zia sa kaniyang ama at napatingin kay Arteixec. Nanlambot naman agad ang ekspresyon ni Arteixec.
"Kuya... Arteixec, ano nga ba ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa aking ama?"
"Siya ang nagpapatay sa kapatid ko." may diin na saad ni Arteixec.
Natigilan naman si Zia at napatingin sa ama. Nanatiling tikom naman ang hari at napailing. Naalala ulit niya ang naging usapin nila ng kaniyang ama kanina lang... Na alalamin ng kaniyang ama ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Arteixec.
And her father knew about these thing. And she's sure that Kimsoo is still behind in these.
"Paano ka naman nakakasiguro na siya ang gumawa nun? May mga katibayan ka ba na ang aking ama ang gumawa?" tanong ni Zia rito.
"Huwag mo ng ipagtanggol ang 'yong ama dahil alam ko na ang lahat kung paano niya plinano na mapunta ako rito. Sa umpisa palang alam na niya. Ang iyong ama mas masahol pa sa masama." saad ni Arteixec at tinitigan si Zia.
Napangit-ngit naman si Zia, "Don't you dare call my father like that! How dare you! Pagkatapos ng ginawa niya sayo, ito ang igaganti mo?"
Napayukom naman ng kamao si Arteixec.
"Wala kang alam."
"Seriously, Arteixec. Naniniwala ka ba talaga na magagawa ng aking ama ang binibintang mo, naniniwala ka sa mga sinasabi ng Kimsoo na 'yun!?" Hindi na mapigilan ni Zia ang magalit, hindi niya man gustong makipagtalas-tasan dito ay wala siyang magagawa. Lalo pa ngayon na may suliranin nanaman silang kinakaharap.
"Lahat ng sinabi sa akin ni Kimsoo ay totoo, kung paano siya tinakot ng hari para akuhin ang kasalanan niya at Volke ang naging susi para malaman ko ang totoo! At ang aking kapatid naman ay ang hari ang tinuturo." saad ni Arteixec.
Napakunot-nok si Zia at ilan din sa mga mandirigma.
"Kapatid? Buhay ang kapatid mo?" nanlalaking mata ni Zia.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...