Chapter 50

7 2 0
                                    

"HUWAG ka munang masyadong gumalaw, Elise. Hindi ka pa tuluyang gumagaling." sabi ni Aly habang inaalalayan niya si Elise na umupo. Narito ngayon ang lahat ng mandirigma at nagalak dahil nagising na ito.

"Anong nangyari? Paano ako nakaligtas?" takang tanong ni Elise.

"Binalikan ka namin... At nakita ka na lang namin na nakahandusay at wala ng malay." sabi ni Cervan.

"Ang aking ina, nakita niyo ba?" tanong ni Elise.

Nagkatinginan naman si Herya at Raul. At ang iba naman ay nagtatakang napatingin kay Elise.

"Nakita mo na ang 'yong ina?" tanong ni Clownie at nanlalaki ang mata.

Tumango si Elise.

"Kung ganoon nasaan siya?" tanong ni Herya.

"Hawak siya ng mga Garghol... Nagbabaka sakali lang ako na nakita niyo siya doon." sabi ni Elise.

"Nasabi mo rin na bihag din siya ng mga Garghol... Pero wala naman kaming nakitang iba pa doon maliban sa Garghol na nakakulong." saad ni Cervan.

Napabuntong-hininga si Elise, "Ang totoo niyan, hindi ako sigurado. Nang magkaharap kami sa kakahuyan, hindi na niya ako kilala. Kalaban ang tingin niya sa akin..."

"Kung ganon ay may kagagawan dito si Reia... Pero paano naman siya napunta sa mga Garghol?" tanong ni Clownie.

"Hindi ko alam... Pero ng makita ko siya nung gabing 'yun may nakita akong emosyon sa mga mata niya at habang pinapahirapan ako... Narinig ko ang boses niya para tumigil ang ilang kawal sa pagpapahirap sa akin..."  sabi ni Elise.

"Malalaman natin' yan kapag nagkaharap na ulit kayo sa digmaan... Maaring may ginamit na kapangyarihan si Reia para masakop ang kalooban ng 'yong ina o hindi kaya binura lang siya ng alala kaya hindi ka niya nakikilala."  sabi ni Aly.

Tumango na lang si Elise, hindi niya alam kung kaya niyang makita ang sariling ina na kinakalaban siya at ang iba pang mga mandirigma, alam niya kung gaano kasakit ang gagawin niya kapag hindi niya maibalik sa dati ang kaniyang ina.

Wala siyang ibang pagpipilian, mas nananaig sa kaniya ang kaharian dahil ito na ang tinuring niyang tirahan at mga nandito ay tinuturing na niyang pamilya. Hindi niya gustong may mangyari sa mga ito, proprotektahan nila ang isa't-isa kahit anumang mangyari.

"Mukha ngang tama ka... Baka nga may ginawa sila sa aking ina." sabi ni Elise, napatingin naman siya sa nakahiga na katabi ng isa niyang kama. Napakunot-noo siyang napatingin kay Zach na nakahiga roon.

"Anong nangyari 'dun? May nangyari rin ba kay Zach?" tanong ulit niya sa mga ito.

Natawa naman si Clownie, "Sinuntok ko siya, ayun. Tulog."

Napailing na lang si Elise sa mga ito at ngumiti, "Kakawang Zach, laging napag-iinitan."

"Kasalan niya rin naman' yun... Masyado kasing loko-loko." natatawang sabi ni Clownie.

Napatingin naman si Elise  mga ito, napansin niyang wala ang prinsesa.

"Nasaan ang prinsesa?" tanong niya.

"Kaalis lang niya." sabi ni Cervan.

"Sandali... May naalala ako..." saad ni Herya.

"Ano naman 'yun?" kunot-noo ni Loiue.

"May isang Garghol at isang babae ang tumulong sa amin sa pagligtas kay Elise."

Natahimik naman sila at napakunot-noo si Elise.

"Sino?" tanong ni Elise.

Napatingin naman si Herya rito. "Hindi ko kilala... Nang makapasok kami doon sa kuta ng Garghol ay pinasabugan niya si Reia at ang mga kawal, pati na rin si Arteixec para hindi makalapit sa amin at makuha ka namin agad."

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon