MATIYAGANG hinalubog nila Elise at Clownie ang bayan kasama nila ngayon si Volke sa paghahanap kay Arteixec dahil nabalitaan nila na narito lang sa bayan ng Hagen nagtatago kasama ang kapatid nito.
"Pwede ba tayong magpahinga? Pagod na ako..." saad ni Clownie.
"Hindi tayo pwedeng tumigil, kailangan natin mahanap agad si Arteixec. Paano kaya kung maghiwalay tayo?" mungkahi ni Elise.
"Hindi tayo pwedeng maghiwalay kapag nahanap natin siya na isa man sa atin, malamang na hindi siya maniniwala agad, ako ang nagsabi sa kaniyang ng bagay na 'yun kaya naman sa akin lang ulit siya maniniwala." saad ni Volke.
Nilibot pa nila ang ilang mga barrio hanggang sa may marinig silang isang pagsabog. Napapikit naman agad sila... At may mga ilang na sumugod sa kanila, mabilis naman agad nilang iniwasan ang mga bagay na tatama sa kanila.
"Sinundan nila tayo." saad ni Elise.
May ilan pang naging pagsabog kaya lalo naalerto sila.
"Mga Garghol na naman... Bakit ba ang hilig nilang sumulpot sa kung saan." reklamo ni Clownie.
"Ako ang kailangan nila. Nalaman nila na sa hari ako nagpunta." saad ni Volke.
"Parehas lang tayo, kapwa sila may kailangan sa atin kaya naman kailangan nating mag-ingat." saad ni Elise.
Hindi na nila kailangan pang gumamit ng kanilang kapangyarihan dahil isa lang ito sa mga mahihinang alagad kaya mas naging madali sa kanila na talunin ang mga ito. Nang matapos ay biglang sumulpot ang isa sa mga nakalaban ni Elise at Arteixec noon.
Ang babaeng naglalabas na itim na apoy. Napangisi ito sa kanila.
"Balak niyo ba siyang hanapin?" tanong nito sa kanila.
"Ano bang ginagawa niyo rito?" ani ni Clownie.
"Nagsasayang lang kayo ng oras... Dahil wala na siya rito..."
Napakunot-noo sila Elise.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sabihin na lang na nasa amin na siya." natatawang saad ng babae.
Napayukom naman ng kamao si Elise.
"Anong pinagsasabi mo, sa tingin mo aanib sa inyo ang aming pinuno?!" sigaw ni Clownie.
"Ano ba ang nagagawa ng galit, mga Heirrs?. Nakakagawa ng mga bagay na hindi naman niya ginagawa noon." saad ng babae.
Napatigil naman saglit si Elise, alam niya kung anong kapangyarihan ng reynang si Reia. Nakararamdam ito ng galit, at kaya niyang manipulahin ito para mawala ang konsensiya at awa na nangagaling sa tao... Ang emosyon.
Hindi lang ang emosyon ang kaya nitong kontrolin, mas malakas pa itong kapangyarihan.
"Tumahimik ka! Hinding-hindi magagawa ng aming pinuno. Sabihin niyo kung anong ginawa niyo sa kaniya!"
"Tama na. Clownie... Bumalik na tayo sa palasyo." saad ni Elise.
Natigilan naman si Clownie na napatingin sa kaniya, at kay Volke na tumahimik at tumango lang.
"Ano?! Hindi natin hahanapin si pinuno?!"
"Wala rin naman tayong mapalala kung hahanapin natin siya dito dahil hawak siya ng mga Garghol." saad ni Elise at masama na tumitig sa babae.
"Sabihin mo sa bruha niyong Reia. Na mababawi namin siya, hinding-hindi niyo siya magagamit laban sa amin... Tandaan niyo 'yan."
Ngumisi naman ang babae, "Tignan na lang natin... Siya nga pala, Volke. Siguraduhin mong mapapangalagan ng mga mandirigma ang iyong mag-ina. Sa pagkakaalam ko, naroon na sila..."
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...