Chapter 46

6 2 6
                                    

PAGKARATING ni Zia sa palasyo ay nagulat ang mga kawal ng makita siya, at agaran na pinapasok.

"Nasaan ang aking ama?" tanong niya sa kawal.

"Nasa kaniyang silid, prinsesa."

"Salamat."

Pagkarating sa silid ng kaniyang ama ay nakita niya itong nakatulala, naawa naman siya sa sitwasyon ng kaniyang ama. Hindi nakabukas ang pinto nito kaya pumasok na siya, mabilis naman na napatingin ang hari at nanlaki ang mga mata.

"Ama..."

Mabilis naman na tumayo ang kaniyang ama at niyakap siya, "Anak... Akala ko hindi na kita makikita..." mangiyak-ngiyak ang kaniyang ama habang nakayakap ito sa kaniya.

Hindi naman niya maiwasan ang maiyak, at niyakap ang kaniyang ama, "I'm sorry. Alam kong nag-alala kayo sa akin, patawad kung hindi ako agad nakarating dito."

Mabilis naman siyang sinuri ng hari, tinignan kung maayos ba ang lagay niya, "Wala bang masakit sayo? Anong nangyari sayo? Ang sabi sa akin ng mga mandirigma ay nasaktan ka ni Reia at may makapal na usok na pumalibot sa inyo at bigla kang nawala."

Napangiti naman si Zia, "Hindi na masyado, ama. Mawawala na rin ang sugat ng pagkakasaksak sa akin ni Reia, akala ko nun ay katapusan ko na."

"Magpapatawag ako ng manggamot nang tuluyan na mawala ang sugat." saad ng kaniyang ama.

Umiling siya rito, "Hindi na ama dahil gagaling na rin ito."

Napabuntong-hininga ang hari.

"Anong nangyari? Hindi ba sinabi ko na huwag kang lalabas dito sa palasyo? Bakit ba ang tigas ng ulo mo at nagpumilit kang sumama." may-diin na saad ng kaniyang ama.

Napayuko naman siya agad, alam niyang pagagalitan siya nito lalo na't kamuntikan na siyang mawala kaniyang ama. Hindi niya rin naman ito masisisi dahil kasalanan niya rin naman na pinagalala niya ang kaniyang ama at mga mandirigma.

"Patawad. Ama, gusto ko lang sumama dahil gusto kong malaman kung sino ang nagtangkang mangulo sa bayan, at Reia nga 'yon."

"Kahit na. Hindi ka dapat sumama sa kanila."

"At ano? Hahayaan ko na lang mga mandirigma na lumaban sila ng sila lang?" ani niya.

"At anong nangyari pagkatapos nun, napahamak ka... Halos mamatay na ako kakaisip kung nasaan ka, hindi ko alam kung saan ka hahanapin, sana naman ay huwag kang gumawa ng mga desisyon na hindi sinasabi sa akin. Mas mahalaga ang kaligtasan mo dahil ikaw ang magmamana ng trono, lagi mong pinag-alala ang lahat ng dito, sana naman ay isipin mo rin ang nararamdaman nila bago ka gumawa ng hakbang. " saad ng hari at napapikit.

Para siyang binuhusan ng tubig sa sinabi ng kaniyang ama, nagkaroon siya ng pagkakasala sa mga ito. Tama ang kaniyang ama na hindi niya iniisip kung may nag-alala sa kaniya, kung ano lang ang bagay na maisip niyang gawin ay 'yung ang gagawin niya. At sakit lang dahil nasaktan siya sa sinabi ng kaniyang ama dahil totoo naman na masyado siyang padalos-dalos.

Hindi siya katulad ni Elise na matalino, at hindi basta-bastang gagawa ng hakbang na wala sa plano. Pero siya hindi niya maisip ang mga bagay na 'yun.

Siguro nga ay marami pang nakakahigit sa kaniya, kung pwede niya lang na ipasa ang trono niya sa kung sino ay gagawin niya... Minsan ay naiisip niya kung para sa kaniya ba talaga ang tronong' yun. Hindi siya karapat-dapat. Kahit anong gawin niya wala siyang maipagmamalaki.

Isa siyang matapang sa labas, malakas kung titignan pero ang totoo mahina na siya. Oo.. Ganon na lang ang pangmamaliit niya sa sarili niya.

Hindi naman niya mapigilan na lumuha dahil dito.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon