Nang makaalis si Elise sa loob ng palasyo, ay agaran niyang sinalubong ang mga mandirigma, nilapitan naman agad siya ni Sayma na kaniyang ina.
"Kumusta ang lagay niya." patukoy ni Sayma sa prinsesa.
"Kasalukuyan po siyang nagpapagaling, ina." Napatingin naman silang lahat sa biglaang pagsabog mula sa tarangkahan.
"Nakapasok na ang Garghol." Saad ni Zach.
Lumapit naman siya ng kaunti at tinitigan niya ng mabuti kung sino ang mga nasa himpapawid na sakay ng isang sandatahang himpapawid.
"Hindi ang Garghol. Mula sila sa Oceanad Kingdom." Napatingin naman muna sa kaniya ang lahat sa, bago ipokus ang mga mata ng mga 'to sa sa nasa himpapawid na kasalukuyang patungo sa kanila.
Narinig ulit ng mga pagsabog mula sa labas.
Mas naging malakas pa' to.
"Kung ganon ay narito sila para tulungan tayo." sambit naman ni Cervan.
"Kung ganon din, nariyan din ang aking ama." May pagkagalak sa boses ni Erlina. Napatingin naman si Elise rito, npangiti naman siya at tumango.
"Gusto mo bang sabihin namin kay Haring Agur na ikaw ang nawawalang anak niya?" tanong niya rito.
Natigilan naman ito, at umiling.
"Hindi. Hindi pa ako handa, sasabihin ko sa kaniyang kapag may pagkakataon pero hindi sa ganitong sitwasyon." saad naman ni Erlina.
"Huwag kang mag-alala, Prinsesa Erlina, malapit na matapos ang digmaan na 'to." Napairap na lang si Erlina dahil sa sinabi ni Thief sa kaniya.
"Huwag mo nga akong tawaging prinsesa."
"O, sige."
"Pababa na sila." saad ni Elise.
Nang makababa ang hari, prinsipe at ilang mga mandirigma ay mabilis silang nagbigay galang sa hari at prinsipe.
"Maraming salamat sa pagtulong niyo, mahal na hari at prinsipe." sabay na usal nila rito.
"Walang anuman, malaking bagay ang palasyo 'to pare-parehas lang tayong ipinaglalaban ang kabutihan laban sa kasamaan, lahat ng ibang kaharian ay narito na rin sila at kasalukuyang nakikipaglaban, mahaba ang natahak nila bago makarating rito dahil nasakop rin ng mga Garghol ang aming bayan." Wika ng haring Agur.
"Kaya naman narito kami para magka-isa at tulungan kayo, lalo pa't wala na ang hari." wika ng prinsipe.
"Labis labis na ang pasasalamat namin dahil dumating kayo at kasalukuyan ginagamot ang aming prinsesa kaya naman hindi niyo siya nakita ngayon." saad ni Herya.
"Huwag kayong mag-alala, maraming mga kawal ang naipadala nila rito kaya naman mahihirapan bago sila makapasok rito lalo pa't nakita namin na may sariling pandepensa ang palasyong 'to. At napakamakangyarihan."
"Ama, kailangan ng mawala ang Reyna ng mga Garghol, ng sa ganon ay matahimik na tayong muli." wika ng prinsipe.
"Sa ngayon, hindi namin alam kung nasaan si Reia, biglaan na lamang siya nawala sa labanan, at tiyak akong siya na ang may hawak ng korona." Nanlaki naman ang mata ng lahat sa sinabi ni Cervan.
"Ano!"
"Huwag po kayong mag-alala, kamahalan, may basbas ng hari ang koronang 'yun kaya naman tangging ang aming prinsesa lang ang makakagamit nun." saad ni Elise.
"At paano kayo nakatitiyak na hindi magagawang putuolin ng Reia na' yun ang basbas na 'yun." giit ng prinsipe.
"Makapangyarihan ang korona at may sarili din itong isip, at hindi-hindi ito basta-bastang susunod sa kung sinuman." Napatitig naman ang prinsipe ng magsalita si Erlina.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...