MAG-ISANG pumunta si Elise sa loob ng piitan, nais niyang alamin kung ano ang naging konesyon ni Erlina kay Kimsoo. Nang malaman niya na naghihiganti ito sa hari dahil pinatay ng hari ang ina nito, gusto niyang malaman kung ano ang mga nangyari sa likod ng mga nangyari at ang mga impormasyon na pwede niyang makuha kay Erlina para magkaroon siya ng hakbang para bumalik ang loob ni Arteixec sa kanila.
Hinding-hindi siya naniniwala na ang hari ang may gawa ng lahat, alam niyang si Kimsoo ang dahilan ng mga nangyayari ngayon, kasama na rin ang mga Garghol.
Gusto niyang paniwalain si Arteixec na mali ang ibinbintang nito sa hari at kukuha siya ng anuman o sinumang nilalang na makakatulong sa kaniya sa mga bagay na 'yun.
Pagkabukas ng kawal sa selda ay napatangin sa kaniya si Erlina, lumapit naman siya rito.
"Akala ko pa naman ang prinsesa ang dadalaw rito, mukhang nakalimutan niyang babalikan niya ako." Napahalukipkip naman siyang napatingin kay Erlina.
"Madaming nangyari kaya hindi ka na niya napuntahan pa dito." she uttered.
"Ah... Ganon ba... At ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong ni Erlina.
"Nalaman ko na pinatay ang iyong ina." sabi niya rito.
Saglit naman ito natigilan at ngumisi sa kaniya.
"Si Zia ang nagsabi sayo?"
"Nalaman namin na ipinaghihiganti mo ang iyong ina dahil pinatay siya ng hari, hindi ba? Paano kung hindi ang hari ang pumatay sa 'yong ina?" tanong niya rito. Kailangan niyang malaman kung anong naging punot-dulo ng lahat ng sa ganoon ay mas mapadali sa kaniya o maging sa kanila na lutasin ito. Kailangan magsalita ni Erlina, kailangan niya itong pilitin.
"Gusto mong maniwala ako na hindi pinatay ng hari ang aking ina? Ganon ba ang ibig mong sabihin?" hinakdal na pagkakasaad nito.
Umiling lang siya rito. "Hindi ko sinasabing maniwala ka na hindi ipinapatay ng hari ang iyong ina. Ang gusto ko lang malaman kung totoo bang ang iyong ina ang nagtangkang kumuha ng korona noon. Kung naroon ka rin ba ng araw o gabing 'yun."
"Paano kung sabihin kong hindi ko alam..." napakunot-noo naman si Elise, "Sinabi ng mga umampon sa akin na ipinapatay ng hari ang aking ina dahil napagbintangan itong kumuha ng korona at ipinapatay siya na hindi man lang nahahatulan... Kaya galit na galit ako dahil hindi nabigyan ng katarungan o nabigyan ng paliwanag ang aking ina, ngayon sabihin mo sa akin kung bakit hindi ko isipin na ang hari ang nagpapatay sa tunay kong ina." may hinanakit na saad nito sa kaniya.
Natigilan naman siya sa tinuran nito, kung ganoon ay may umampon kay Erlina at sinabi lang sa kaniya ang bagay na 'yun? Lalong siyang nagtaka sa mga sinabi nito.
"Kung ganoon, hindi mo alam? Paano kung hindi totoo ang mga sinabi nila sayo? Naroon din ba sila para akusahan ang hari?" tanong niya kay Erlina.
Masama naman siyang tinignan nito.
"Ano bang gusto mong palabasin? Na nagsisinugaling sila akin? At bakit naman nila gagawin ang bagay na 'yun kung totoo ngang ang hari niyo ang nagpapatay sa aking ina!" may hinagpis na saad nito.
"Dahil hindi magagawa ng aming hari ang mga binibintang mo. Isa siyang mabuting hari..."
Natawa naman ito at napailing-iling sa kaniya.
"Mabuti? Paano ka nakakasigurado? Nakapakabuti nga niya dahil hindi kayo naniniwalang may maitim na budhi ang iyong hari. " may pang-uuyam na saad nito.
Hindi naman niya pinansin ang sinabi nito.
"Alam mo bang nakatakas si Kimsoo?" tanong niya. May gusto rin siyang malaman kung anong ang koneksyon ni Kimsoo rito dahil kung ginamit ng mga Garghol si Arteixec para patakasin si Kimsoo bakit hindi kasama roon si Erlina na isa rin nilang kakampi.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...