DUMATING na ang gabi kung saan gagawin na ni Arteixec ang napag-usapan, hinintay niya munang hindi siya mapansin ng mga mandirigma bago siya umalis sa silid niya. Ayaw niya mang gawin ang bagay na ito ay kailangan dahil buhay ng kapatid niya ang nakasalalay.
Nakita niya ang ilang kawal na nagpapatrol sa labas dito sa loob ng palasyo, nakita naman siya ng mga ito at yumuko sa kaniya.
"Malalim na ang gabi, pinuno. Bakit narito pa kayo?" tanong ng kawal.
"May kailangan lang akong asikasuhin, " napansin niya namang may dalang latigo ang isang kawal. Napakunot-noo siya.
"Kanino niyo gagamitin ang bagay na 'yan?" tuloy niya at tumingin sa latigo. Napatingin naman ang kawal.
"Inutos ng hari na pahirapan ang ginoo. Kaya naman papunta kami ngayon sa bartolina para maisagawa na ang pagpaparusa sa kaniya." natigilan naman si Arteixec. Naisip niyang hindi niya agad maitatakas si Kimsoo kung may mga kawal na pupunta roon.
"Ganoon ba? Dapat lang siyang pag-bayarin sa mga ginawa niya. Pwede na kayong pumasok sa bartolina."
"Masusunod, pinuno."
Tumango-tango naman si Arteixec at sinundan ang tingin ng kawal na papunta sa piitan. Kailangan niya pa ng oras, hindi ganoon kadali na maitakas ito dahil maraming nakabantay sa loob ng bartolina.
Hindi dapat ito malaman agad ng mga mandrigma. Kailan ay maitakas niya muna si Kimsoo bago malaman nila Elise na itinakas niya ito.
Nagtago siya sa madilim na sulok kung saan tanay ang mga kawal na nagbabantay sa tarangkahan. Kailan niyang makapasok na hindi napaghahalataan may gagawin siyang masama.
Lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan kaya napatingin sa kaniya ang dalawang kawal na nagbabantay.
Napahawak siya sa kaniyang espada kaya napatingin ang mga ito sa hinawakan niya kaya naalerto sila.
"Pinuno? Anong gagawin mo?" balisang tanong nito sa kaniya.
"Hindi ito ko ito gustong gawin pero kailangan... kaya paumanhin." mabilis na kumilos si Arteixec para mapatulog ang mga kawal, hinampas niya ang mga batok ito para mawalan ng malay ang isa.
Nanlaban naman ang isang kawal kaya napaiwas siya agad rito, mabilis niyang nahawakan ang kaway nito at tinadyakan. Siniko niya naman ito agad at nawalan na rin ng malay.
Ngayon dalawang kawal sa tarangkahan ang napatulog niya. Nang makapasok sa loob ay may nakabantay sa ibat-ibang distrito ng selda. Hindi siya nagpunta rito ng hindi handa, may kinuha siya sa buksa at inihagis ito sa mga kawal.
May usok na lumabas mula rito. Naalarto naman ang kawal pero huli na dahil nawalan na rin ito ng malay.
Mabilis siyang kumilos papasok pa sa loob, mabilis siyang nagpunta ng selda ni Kimsoo. Sa hindi kalayuan ay may narinig siyang mga daing at paghampas. Ito na nga marahil si Kimsoo na pinapahirapan.
Mabilis siyang lumapit sa selda, marahang pumasok. Napatigil ang kawal sa kanilang ginagawa ng patingin ang mga ito sa kaniya.
Napatingin siya kay Kimsoo na hinihingal at sugatan ang katawan, nanghihina na rin ito. Kahit na makita niya ito sa ganitong sitwasyon ay hindi naawa rito. Mas gusto niya pa ang ginawa ng mga kawal na pahirapan pa ito ng sa ganoon ay makaganti man lang siya rito.
"Pinuno? Anong ginawa niyo rito?" tanong ng isang kawal.
Hindi na siya sumagot ay bagkos ay mabilis siyang kumilos palapit sa dalawang kawal at sa isang iglap lang ay nakahandusay na ang mga ito sa harap.
Natawa naman si Kimsoo, "Ano ngayon ang pakiramdam na pagtaksilan sila, Arteixec?"
Masama naman tumingin si Arteixec kay Kimsoo, "Manahimik ka."
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...