GINAMIT ni Thief ang kaniyang lakas para makalapit kay Reia pero nabigo siya, nang makatayo ang mga mandirigma ay naunang sumugod si Clownie at naglabas ng mga halaman at umatake, ganon din ang ginawa ni Herya na naglabas ng nakakalason na usok at ipinatama kay Reia.
Pero lahat ng 'yon ay parang isang iglap na naglaho.
"Shit!" napamura na lang ang ilan.
"Anong gagawin natin?" tanong ni Aly.
"Mag-isip kayo ng paraan kung paano natin siya matataman." saad ni Zach.
"E, ikaw kaya ang isip dyan." sabat ni Clownie.
"E, kung mag-isip ka rin kaya hindi 'yun sasabihan mo ako ng ako lang." saad ni Zach.
Napairap na lang si Zia at napatapal ng noo.
"Tumigil nga kayong dalawa, nakikita niyong may matindi tayong kalaban tapos mag-aaway pa kayo." saad ni Zia at napatingin kay Reia na nakangising tumingin lang sa kaniya.
"Kung iniisip mong matatalo mo kami agad. Nagkakamali ka. Hindi kami susuko hanggat hindi ka namin natatalo."
"Ni hindi niyo ako masugatan, matalo pa kaya. Saan ba napupunta ang mga sinasabi mo, bakit hindi mo gawin... Gusto mong lang ba patunayan ang sarili mo pero ang totoo mahina ka." nakangising saad ni Reia.
Napayukom naman ng kamao si Zia at may galit na napatingin kay Reia.
"Hindi, totoo 'yan!"
Natawa naman si Reia at lumutang siya pataas kaya napatingala sila.
"Nararamdam ko ang galit mo, prinsesa."
Lalong nakaramdam si Zia ng galit.
"Tumahimik ka! Hindi ako mahina sadyang malakas lang ang kapangyarihan mo pero kung wala' yan... Wala ka ring binatbat. Bahag ang buntot mo, bakit hindi mo gawing patas ang laban?" saad niya.
"Ako ba sa tingin mo ang hindi patas? Sino ba sa atin ang maraming kakampi ngayon, kung gusto mo ng patas ikaw at ako. Sang-ayon ka ba?"
Nagkatinginan naman ang mga mandirigma at napatingin kay Zia na nakatitig lang kay Reia. Kapag pumayag siya, hindi niya alam kung anong ang magiging kinahihinatnan ng laban nila pero kailangan niyang siguraduhin na magiging ligtas ang mga kasama niya.
"Huwag kang papayag sa sinasabi ng hanggal na 'yan, princess. Marumi siya maglaro." saad ni Herya.
"Tama si Herya, hindi natin alam kung anong binabalak ng Reia na' yan sayo." saad ni Clownie.
"Umalis muna kayo." sabi ni Zia sa mga ito.
"Ano?! Pumapayag ka?!" sigaw ni Louie, "Baka kunin ka niya sa amin, prinsesa. Hindi namin hahayaan 'yun."
"Tumatakbo ang oras, princess. Kapag nainip ako ay baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa mga kasama mo." saad ni Reia.
"Huwag mo silang gagalawin, papayag ako sa gusto." sabi ni Zia kay Reia.
"Princess, hindi maari' yun! Hindi ka namin pwedeng hayaan na labanan siya mag-isa, nakita mo naman kung ganoon siya kalakas." saad ni Aly.
"Alam ko... Pero may naisip na akong paraan para matalo ko siya." sabi niya sa mga ito.
"Paano mo gagawin 'yun?" tanong ni Herya.
"Hindi ko pa alam, hahanap ako ng butas kung saan pwede kong gawin ang bagay na gagawin ko." saad niya.
"Kung ganoon ay halika, nang makapagsimula na tayo." saad ni Reia at bumaba pababa.
Lumapit naman si Zia rito, hinawakan pa ni Clownie ang kamay niya at umiling sa kaniya.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...