Chapter 51

19 2 0
                                    

"Nahanap niyo si Levi?" tanong ni Reia sa kaniyang mandirigma.

"Hindi pa namin siya nakikita, mahal na reyna."

Napangit-ngit naman lalo si Reia, dahil puro kamalasan na lang parati  ang dala ng mga ito. Kagabi pa siya nagtitimpi rito dahil lahat ng bihag nila ay nakatakas. May alam siyang may kinalaman ang kaniyang anak sa pagpapatakas kay Levi.

"Halughugin niyo ang buong bayan, Huwag kayong titigil hanggat hindi niyo siya nadadala sa akin!" sigaw ni Reia.

Kagabi pa siya nagtitimpi sa mga ito dahil lahat ng bihag nila ay nakatakas at tungkol naman kay Levi, natitiyak niyang may kinalaman ang kaniyang anak roon.

Agad naman na sumunod ang mga mandirigma at biglaan rin dumating si Arteixec.

"Anong ginagawa mo rito, Arteixec?" tanong ni Reia.

"May gusto sana akong itanong?"

"Ano naman 'yun?"

Saglit na tumahimik si Arteixec.

"Sapat ba ang bilang natin para makalaban ang mga Heirrs?" tanong ni Arteixec.

"Oo sapat na nga ang bilang natin... Kung isasama pa ang aking anak ay nakatitiyak akong mananalo tayo." tugon ni Reia.

"Kyng ganoon ay may gusto akong hinilingin... Nais ko sanang manguna sa pagpapatakbo ng hukbo ng sa ganoon ay maramdaman nila ang aking galit."

Saglit naman natahimik si Reia.

"Sigurado kaba sa sinasabi mong 'yan?" paninigurado.

"Oo... Reyna Reia. Hayaan mo akong manguna sa pagpapatakbong hukbo."

Nag-isip sandali si Reia, ngayon ay hawak na niya si Arteixec ay mas magagamit niya ang kakayahan nito laban sa mga Heirrs.

"Sige... Hahayaan kitang manguna sa hukbo."

Tumango naman si Arteixec.

"Salamat..."

=========

"Aalis kana, Ina?" tanong ni Elise. Matapos nilang mag-usap ng kaniyang ina ay nakapagdesisyon na umalis na ang kaniyang ina para hindi manghinala sa kanila si Reia.

Ngayon ay naiintidihan na niya kung bakit bigla na lang lumayo ito sa kanila. Dahil pinoprotektahan sila ng kaniyang ina.  At tungkol naman kay Raul na pinagbintangan niya noon na pinagtangkaan ang prinsesa ay iniligtas lang pala ito ni Raul.

Bigla siyang nagsisi sa nagawa niya kay Raul.

Sinabi rin sa kaniya ng kaniyang ina na tumutulong sa kanila ang prinsipe, tinanong niya pa ito kung anong dahilan, ang dahilan na sinabi ng kaniyang ina ay umiibig ang prinsipe sa prinsesa kaya naman labas siyang nagulat doon.

At ito rin ang nagligtas kay Zia noon kaya biglang itong nawala.

Lumapit naman sa kanilang dalawa si Raul at Zia na nakangiti sa kanila.

"Oo... Anak, huwag kang mag-alala kapag natapos na ang lahat ng ito ay magkakasama tayong muli." nakangiti na sabi ng kaniyang ina.

"Aasahan ko 'yan... Paalam." malungkot na saad niya. Napatingin naman siya kay Raul. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa nagawa ko noon sayo. Kung alam ko lang ay hindi ko sana ginawa."

Umiling naman si Raul at ngumiti sa kaniya. "Ayos lang, buhay pa naman ako."

Napairap siya rito. "Sira talaga ang ulo mo."

Natawa naman si Raul. "Pinatawad na kita... Hanggang sa muli, Elise..."

Tumango naman si Elise, lumapit naman sa kaniya si Zia.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon