Chapter 45

6 2 3
                                    

PAREHONG nakatingin si Zia at Vain sa naggagandahang mga bato, nakikita na rin dito ang nagrereflect na papalubog na araw sa umaagos na tubig.

"Kapag nakikita ko ang mga bato sa ilalim, naalala ko ang unang pagkikita natin, Vain... Hindi mo pa nga siguro gustong makipagkaibigan sa akin noon." nakangiting saad ni Zia.

Nawala naman ang tingin ni Vain sa bato at tumingi kay Zia na nakatingin sa umaagos na tubig.

"Oo. 'yung mga panahon na' yun. Yun ang unang pagkakataon may lumapit sa akin para makipagkaibigan..."

Napatingin si Zia sa kaniya.

"Bakit naman? Si Levi ba hindi ka niya nilapitan noon?"

Natawa naman si Vain, at umiling.

"Si ina ang nagpumilit sa kaniya na kaibiganin ako, nakakatawa dahil naalala ko 'yung mga panahon na takot na takot siya akin, lagi siyang nawawala at kung saan-saan napapadpad."

Natawa naman si Zia.

"Siguro, nakakatakot ka talaga noon kaya laging kang tinatakasan ni Levi."

Napangiti naman si Vain.

"Nah... Ako ang kusang lumalapit sa lalaking 'yun. Lagi niya akong pinaghahanap kaya lagi akong naiinis noon. Sabi ko sa kaniya na isang ulit gawin' yun ay hindi na siya sisinagan ng araw, pero wala naman talaga akong balak gawin 'yun."

"Kung ganoon ay pwede mo ba akong kuwentuhan tungkol sa sarili mo bago ako pumunta sa palasyo?" she said with soft voice.

Natigilan naman si Vain.

"Babalik ka nga pala sa magiging palasyo mo, naisip kung makakabalik pa rin ang ako, kami sa aming kaharian." saad ni Vain.

Lumungkot naman ang mukha ni Zia, at napaiwas ng tingin kay Vain. "Gusto kong ibigay 'yun, Vain. At maalis ang sumpa niyo, kakausapin ko ang aking ama ng sa ganoon ay makuha niyo ulit ang City of Night..."

"Hindi... Huwag mong gawin." mabilis na saad ni Vain.

Nagtaka naman si Zia na napatingin rito.

"Gusto kong gawin' yun, Vain... Gusto kitang tulungan..."

"Hindi mo ako tutulungan, nakausap ko na si Levi kanina... At nagdesisyon akong tulungan ka, pero hindi ko kayang masaktan ang aking ina... Kung anuman ang pwede mong gawin ay hindi na ito saklaw sa desisyon ko." saad ni Vain na nagpatigil kay Zia.

Napabuntong-hininga na lang siya at tumingin kay Vain." Naiintidihan ko, kahit sino naman sa atin, hindi niya hahayaan na masaktan ang kaniyang magulang... Alam ko, Vain. Magkaiba tayo ng desisyon at pinaglalaban. Kaya naiintidihan ko kung darating ang araw na hindi na ako ang papaburan mo."

Nakaramdam naman ng lungkot si Zia, at ngumiti na lang kay Vain.

"Gusto kitang makilala, Vain. Kalimutan muna natin ang sugalot sa ating panig, at hayaan ang ating sarili na maging masaya sa pagkakataon na ito. Kahit ngayon lang."

Napayuko naman si Vain at hindi makatingin ng deretso kay Zia. Lumapit si Zia kay Vain, gamit ang kamay ay hinawakan niya ang pisngi ni nito para mapatingin sa kaniya.

Hinawakan ni Vain ang kamay niya na nakalagay sa pisngi nito, napapikit si Vain habang hinahaplos ang kamay na nasa pisngi ni Zia.

"May sasabihin ako." saad ni Vain.

Napangiti naman si Zia, "Ano 'yun?"

Kasabay ang mabilis ng kanilang tibok ng puso ay patuloy silang dinadala sa atraksiyon ng isa' t-isa. Ngayon, hindi nila ito kayang pigilan, gusto nilang maging masaya kahit na sandali, dahil alam nilang paglalayuin sila.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon