"MAAYOS na ba ang 'yong lagay, ama." tanong ni Zia sa kaniyang ama na dahan-dahang umupo sa pagkakahiga
"Maayos na ako, aking anak. Huwag kang mag-alala." saad ng hari.
Napabuntong-hininga siya. At tumango. "Akala ko mawawala kana sa akin, ama... Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka."
Napangiti naman ang hari at hinawakan ang pisngi niya, "Hindi habang buhay ay makakasama mo ako, anak."
"Alam ko 'yun. Pero huwag ngayon na kailangan ko kayo.... Gusto ko tumagal pa ang pagsasama natin, ama. Parang nung kailan lang kita nakasama... Kulang pa ang panahon na dapat ay kasama ko kayo ng mga panahong nasa mortal world ako."
"Huwag kang mag-alala babantayan kita. Sa ngayon ay huwag mo munang isipin ang bagay na 'yan."
Tumango siya rito.
"Pero, ama. Wala ba kayong natatandaan na may naglason sa inyo?"
Natigilan naman ang hari.
"Sa pagkain na inilatag sa akin, doon ako nakaramdam ng hindi magandang pakiramdam. Huwag kang mag-alala, ipapahuli ko agad kung sino ang may gawa nun."
Napabuntong-hininga siya. Kung sinuman ang maaring gumawa nun ay tiyak siyang pananagutin niya ito.
"Inuutusan ko ang mga mandirigma na hanapin ang kuta ng mga Garghol sa pamamagitan ni Erlina ng sa ganoon ay mailigtas sila Herya at Cervan." saad ng hari. Alam niya ang tungkol sa bagay na 'yun, alam niyang hindi siya papayagan ng kaniyang ama, iminungkahi nito na manatili na lang dito sa palasyo.
"Pwede ba akong sumama, ama?" gusto niya itong pilitin at sana ay mapapayag niya ito. Umiling ang kaniyang ama.
"Ipaubaya nalang natin sa mga mandirigma ang bagay na 'yun, anak. May tiwala ako sa kanila." nakangiting sabi ng hari.
Hindi niya maiwasan ang mangamba, alam niyang delikado ang pagpasok ng mga mandirigma sa pinagkukutaan ng mga Garghol pero ang kailangan niyang gawin ay magtiwala rito, na sana ay maging maayos sila kapag bumalik sila rito sa kaharian.
============
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong sa kanila ni Erlina ng makarating sa bayan kung saan nakatira ngayon mga ito. Matapos nilang palayain si Erlina ay hindi na ito gumawa ng hakbang laban sa kanila.
Alam narin nito na siya ang nawawalang anak ng hari sa si Agur na namumuno sa Oceanad Kingdom, pero napagpasyahan nitong huwag munang ipaalam sa kaniyang ama at sa iba pang mga Odellie kung sino ito, hindi pa ito handang makilala.
Naipaliwanag na rin kay Erlina ang lahat, pati na rin ang mga kawal na kasama noon ni Kimsoo, pero may kulang pa rin, gusto niyang malaman kung anong ang mga nangyari kung paano siya napunta sa tinuturing niya ngayong ina at ama, at gusto nitong makilala ang taong nagbigay sa kaniya.
At kung bakit ang kaniyang ina ang nagawang patayin ni Kimsoo. Maraming kulang, hanggat hindi pa siya naaalala ang panahon na 'yun ay hindi masasagot ang mga katanungan nito.
"Kailangan namin ng tulong mo, Erlina." ani ni Elise.
Napakunot-noo si Erlina at nagtatakang napatingin sa mandirigma.
"Anong tulong ba ang kailangan niyo?"
"Gusto namin na tulungan mo kami na iligtas sila Herya, Cervan at ang mag-ina ni Volke." saad ni Clownie.
"Alam kong ikaw ang makakatulong sa amin para malaman ang kuta ng mga Garghol. Siguro naman ay alam mo ang pasikot-sikot sa loob para mas mapadali ang pagtakas sa mga kaibigan natin." saad ni Elise.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...