Chapter 47

7 2 4
                                    

"PRINSESA!" gulat na usal ni Aly ng makarating siya ng silid na pinagsisilidan niya noon na kasama ang mga ito.

Napangiti naman siya kay Aly at pumasok sa loob.

"Nasaan sila?"

"Nasa hapag-kainan. Anong nangyari sayo at... Gosh! Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo?"  napayakap sa kaniya si Aly at nakita naman niyang nagsidatingan ang mandirigma.

Pero may kulang, wala si Herya at Cervan.

Kumalas na si Aly sa pagkakayakap sa kaniya.

"Prinsesa..." saad ni Elise at lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit, "Akala namin ay hindi ka namin makikita, anong nangyari? Patawad kung wala ako ng sumugod si Reia sa bayan."

"Kaya nga... Alam mo bang sobra kaming nag-alala sayo." saad ni Clownie.

"Pasensiya na... Kasalan ko at alam ko nanab na may ginawa kang pag-iimbestiga. Kamusta na nga pala si Erlina, nakalaya na ba siya?"

Tumango si Elise, "Pinakawalan na namin siya, kasama na niya ang mga nagpalaki sa kaniya."

Tumango naman siya at napatingin kila Thief, Garry, Louie, at Zach na malapit lang din sa kanila na nakangiti sa kaniya.

"Mabuti naman at narito kana, prinsesa. Halos hindi kami makakaanin ng maayos dahil sa nangyari."

"Patawad. Nasaan nga pala sila Herya at Cervan, may ginagawa ba sila?" tanong niya.

Natahimik naman sila dahilan para mabahala siya.

"Bihag sila ngayon ng mga Garghol."

Natigilan naman siya.

"A.... Ano? Paano nangyari? Nakuha ba sila ni Reia ng nakipaglaban ako?" umiling sila at umupo. Ganoon din ang ginawa niya.

"Hindi. Inutusan kami ng hari na protektahan ang mag-ina ni Volke, at kami naman ni Clownie ay naatasan na hanapin si Arteixec pero ng makalaban namin ang mga Garghol kahapon ay hawak na nila ang pinuno." saad ni Elise.

"Si Volke? Hindi ba 'yon' yung sinasabi ni kuya? " naalala niya ang pangalan na 'yun ng sabihin ni Arteixec ang pangalang Volke.

Tumango sila, "Lahat ng sinabi niya kay Arteixec ay pawang kasinungalingan lang. Tinakot siya ng mga Garghol at pag-babantaan  na patayin ang mag-ina kapag sinabi niya ang katotohanan, kaya napilitan siyang gawin 'yun."

Napayukom naman siya ng kamao, ang lakas ng loob nilang pagbintangan ang kaniyang ama samantalang ang mga Garghol ang may gawa ng lahat. Kung alam niya lang sana na nangyari ito kahapon nagpagpasyahan na niyang umalis kahit na nanghihina pa siya.

Naging malaki ang pasasalamat niya kay Vain, at kay Levi kung hindi siya niligtas nito ay malamang na wala na siya rito.

"Ang lalakas talaga ng loob nilang pagbintangan ang aking ama." saad niya.

"Pero ngayon na alam na nating ang buong katotohanan ay hindi natin kailangan na isipin pa 'yun. Dahil baka may kung ano na silang ginagawa kay Herya at Cervan." saad ni Clownie.

Nagkaroon naman siya ng pag-aalala sa dalawa, kailangan ay may gawin sila.

"Ano nga palang nangyari, princess? Paano ka nakaligtas noong nakita kamin na nasaksak?" tanong sa kaniya ni Louie.

"May nagligtas sa akin." saad niya.

"Nagligtas? Kung ganoon ay dapat natin siyang pasalamatan." saad ni Thief.

"Sino?"

Nagdalawang-isip pa siya kung sasabihin niya na isang prinsipe ang nagligtas sa kaniya. Pero mas mabuti ng hindi nila ito kilala.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon