NAGPAIKOT-IKOT si Sayma sa kaniyang silid, at iniisip kung magiging ligtas ba ang kaniyang anak... Nang makita niya ito kanina ay para siyang tinubuan ng tinik sa dibdib, hindi niya alam ang gagawin niya.
At ang mas lalong nagpahirap sa sitwasyon niya nt makita na niya itong duguan at pinahirapan ng kawal. Hindi niya maalis sa isipan niya ang ginawa ng mga Garghol sa kaniyang anak. Takot na takot siya ng tuluyan na itong bumagsak, mabuti na lang ay dumating ang mandirigma at niligtas ang kaniyang anak.
Hindi pa rin siya mapalagay, at nagkaroon ng pag-alala ang kaniyang puso. Gusto niyang malaman kung ano na ang lagay at kung maayos na ba ang kaniyang anak. Gusto niyang pumunta sa kaharian ng Whitehaven ng sa ganon ay mapanatag ang loob niya na sana ay maayos na itong kalagayan.
Habang nagpaikot-ikot si Sayma sa silid ay marahan lang na nakatingin rito si Raul, alam niya ang dalahilan kung bakit nababalisa si Sayma, maging siya rin ay hindi maiwasan ang mag-alala kay Elise.
Hindi niya inaasahan na maiiwan si Elise rito, at ang mga kasama nitong mandirigna ay nakaalis na. Hindi niya maiwasan ang kabahan ng makita niya ito na duguan ang hitsura at hinang-hina na, mabuti na lang ay may nagawa sila para sandaling atakihin ulit si Elise.
"Nahihilo na ako sa ginagawa mo." sabi ni Raul kay Sayma.
Tumigil naman ito at umupo sa tapat niya, huminga pa si Sayma ng malalim.
"Hindi ako mapakali, Raul. Malala ang ginawa nila sa aking anak, kaya naman labis akong nag-alala kay Elise. Hindi ko alam kung ano na ang lagay niya." Sayma said with caring tone. She was dread, a feeling of trepidation hit her, what if she never see her daughter again? Anong gagawin niya? Ginawa niya ang lahat para maligtas ang kaniyang anak pero ngayon ay tadhana na ulit mismo ang gumawa ng paraan para mangyari ito.
Hindi na niya gustong maulit ang nakita niya. Hindi niya ulit hahayaan na masaktan ulit ang kaniyang anak sa kagagawan ng Garghol.
"Iniisip ko rin ang lagay niya, pero tatagan mo lang ang loob mo dahil alam natin na hindi siya papababayaan ng mga mandirigma. Ipagdasal na lang natin na sana ay maayos siyang naidala sa palasyo."
Tumango si Sayma at napapikit.
"Magbabayad sila sa ginawa nila sa aking, anak. Hinding-hindi ko sila mapapatawad." diin niya.
Napabuntong-hininga si Raul.
"Huwag kang mag-alala, hindi na rin magtatagal ay magwawakas na rin ang panggulo ni Reia. At magkakaroon tayo ng kapayapaan."
"Sana nga, Raul. Sana."
Narinig nilang bumukas ang pinto at tumambad sa kanila ang prinsipe na kasama ngayon si Arteixec. Napakunot-noo sila Sayma at Raul.
"Anong ginagawa ng mandirigmang 'yan dito?" tanong ni Raul.
"Nakausap ko na siya." saad ni Hellvain.
"Tungkol saan?" ani ni Sayma.
Lumapit sila Hellvain at Arteixec kila Sayma at Raul tsaka umupo.
"Nasabi na sa akin ni Hellvain ang lahat ng dapat kong malaman. At nandito ako para tumulong." sabi ni Arteixec sa mga ito.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mong 'yan?" tanong ni Raul kay Arteixec at tsaka tumingin kay Hellvain. "Hindi ba, mahal na prinsipe ay hawak siya ng' yong ina."
Tumango si Hellvain, "Oo. Pero hindi hawak ni ina ang isip niya tanging emosyon lang. Naging bukas isip niya dahil doon ay nahikayat ko siyang maniwala sa akin."
Tumango na lang si Sayma at Raul.
"Pero may ginawa siya sa aking anak, isa rin siya sa nananakit sa aking anak." napangit-ngit si Sayma na nakatingin kay Arteixec.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...