SA hapag-kainan ay maagang naghanda ng makakain sina Louie at Aly, narito narin ang ilan sa mga kasama nila, maliban sa kanilang pinuno na si Arteixec.
Mabilis na nakabawi ng lakas si Elise kaya naman nakasama na siya sa hapag-kainan. Pagkagising na pagkagising niya kinaumagahan ay si Arteixec na agad ang hinahanap niya.
"Nasaan ang pinuno?" tanong ni Elise mapansin niyang wala si Arteixec.
Umupo na sa kaniya-kaniyang upuan.
Zia sighed, "Baka natutulog pa."
"Wala siya sa silid niya ng pumunta ako sa loob." saad ni Zach.
Napakunot-noo si Elise. "Nakapasok ka sa loob ng silid niya?" takang tanong niya. Alam niyang walang pang nakakapasok sa silid ng pinuno nila pero maliban nalang kung pinahintulutan sila.
"Oo. Bukas kasi ang pinto ng silid niya kaya pumasok na ako para ayain siyang mag-almusal pero wala siya." ani ni Zach.
"Nakakapagtaka naman na hindi niya sinarado ang silid niya? At wala siya ng ganitong umaga." si Herya habang ginalaw ang pagkain tsaka ito sumubo.
"May problema ba sa hindi niya pagsarado ng silid? baka nakalimutan niya lang, at napahangin sa labas." nagtataka na tanong ni Zia at sumubo ng pagkain.
Napatikim si Aly. "Oo nga. Baka nagpahangin lang 'yun sa labas."
Napailing si Elise sa sinabi ni Aly. Hindi, kung wala itong ganitong oras saan nagpunta ang pinuno? Dati naman ay alam niyang magpapaalam muna ito bago ito umalis at bakit hinayaan lang nito na bukas ang pinto. She felt something is not right with Arteixec, kung anuman 'yun aalamin niya.
Hindi niya alam ang nangyari ng matapos niyang mawalan ng malay at nagising na lang siyang nasa isang pagamutan, at kataka-taka rin na hindi niya napansin na walang pinsalang natamo si Arteixec, at ang sabi lang ni Arteixec sa kanila na tumakas na sila palayo dahil sugatan ang mga 'yun. yun ang ikwinento sa kaniya nila Herya.
Nag-isip siya sandali. Hindi magkakaganito ang kanilang pinuno kung wala lang. Hindi kaya may sinabi ang mga Garghol kay Arteixec? At ano ang mga' yun?
"Hindi niyo pa kilala ang pinuno, kung may pupuntahan 'yun magsasabi' yun agad." si Clownie.
Tumango si Elise. "Tama si Clownie. Magsasabi agad si pinuno kung saan siya pupunta, hindi siya aalis ng basta-basta ng walang dahilan."
"Kung ganoon sinasabi niyo na may problema si kuya or something?" tanong ni Zia.
"Oo. Nagkausap ba kayo kahapon?" tanong ni Elise kay Zia.
Napatunghay si Zia at tumango rito.
"Ang totoo niyan parang hindi siya maayos ng makausap ko siya kagabi. He told me that he just miss his sister. And pinag-usapan namin ang tungkol sa kapatid. Sinabi niya rin sa akin na aalamin niya raw kung totoong patay na nga ang kapatid niya o buhay pa ito."
Napakunot-noo ang lahat ng nasa hapag-kainan, at nagtatakang nagkatinginan sila Louie, Aly, Garry.
"Hindi ba ang sabi pinatay na siya ng matandang bihag natin?" si Aly na napatigil sa pagkain.
Napabuntong-hininga si Zia, 'yun din ang alam niya kaya kung walang katawan na nakita si Arteixec at sinabi lang rito na patay na, na walang katibayan na nagsasabing patay ito ay maaring buhay ang kapatid ng kuya niyang si Arteixec.
"Oo. Naisip ko na rin' yan... Pero walang katawan na nagpapatunay na patay na ito dahil nasabi niya sa akin, may nagsabi lang sa kaniya na patay na ang kapatid niya."
"Totoo. Nasabi niya rin sa amin na hindi niya pa nakita ang katawan ng kapatid niya noon, kaya iniisip niya na lang na patay na talaga ito." saad ni Cervan.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...