Nakatutulala ngayon ang hari dahil hindi pa rin nahahanap ang kaniyang anak, ang salaysay sa kaniya ng mga mandirigma ay malala ang naging tama ng prinsesa dahil sinaksak siya ng reyna Reia at pagkatapos ay may makakapal na usok ang pumalibot sa kanila.
Inako rin ng prinsesa na ito ang lumaban kay Reia ng nag-iisa kaya naman galit na galit ang hari sa mga ito dahil dapat ay hindi hinayaan ng mga mandirigma na mag-isang lumaban. Kasalanan niya rin kung bakit hindi agad siya nakarating, kung dumating lang siya ng maaga, sana ay nasagip niya ito.
Malalim na ang gabi at hindi siya makatulog, nanatili lang siyang narito sa kaniyang trono. Iniisip niya ang kaniyang anak. Kung nasaan ito, kung sino ang kumuha rito, iniisip niyang baka tuluyan na itong mawala sa kaniya.
"Mahal na hari." Dumating si Elise kasama ang ilang royal imbestigator.
"Kumusta ang iimbestiga?" tanong niya rito.
"Natagpuan na namin ang mga nagpalaki kay Erlina. At magugulat kayo sa malalaman niyo, kamahalan." napatayo naman ang hari.
"Gusto kong sabihin mo."
Napabuntong-hininga si Elise, napatingin ito sa mga royal imbestigator.
"Kamahalan, sa nalaman namin sa kanila ay siya ang nawawalang anak ng prinsipe Agur. Isang Odellie, matagal na siyang hinahanap sa kanilang kaharian pero nabigo silang hanapin ito, at nalaman din namin na Emin ang tunay niyang pangalan." saad ng royal imbestigator.
Natigilan ang hari.
"Kung ganoon ay may dugong maharlika si Erlina?" hindi siya makapaniwalang anak ng isang prinsipe si Erlina lalo pa't wala naman siyang nababalitan na may mga hinahanap ang taga- Oceanad Kingdom.
"Opo, kamahalan. Sila na mismo ang nagsabi sa amin."
"Kung ganoon nga nasaan sila?" tanong niya.
"Isa rin silang Odellie na naninirahan dito, kamahalan. Nasa bayan ng Hagen."
Napapikit naman ang hari.
"Bukod dun ano pa ang nalaman niyo?"
"Ang totoo niyan mahal na hari, pinilit namin silang magsalita, sinabi ko sa kanila na bihag natin si Erlina kaya napilitan sila... Ang sabi may mga hindi kilalang mga istranghero na nagbigay sa kanila kay Erlina, at pinalaki nila, at sinabi sa kanila ng hindi kilalang mga nilalang na ito na ikaw ang nagpapatay sa ina ng batang si Erlina o tawagin na lang nating Emin. Nung una ay hindi nila alam na si Erlina ang nawawalang anak ng hari na ngayon si Agur tsaka lang nila nalaman ang bagay na 'yun dahil itinuloy ulit ng hari ang paghahanap sa kaniya at may ibinigay na palatandaan.. Isang birth mark sa likuran nito." saad ni Elise.
"Kung ganon ay hindi nila kilala ang mga taong 'yun at naniniwala silang ako ang napapatay sa ina ng batang' yon?" may diin na saad ng hari.
"Kung ganoo ay bakit hindi nila sinabi na ito ay anak ng isang hari?"
"Dahil natatakot sila naparusahan sila ni haring Agur kaya naman itinago nila ito."
Napaupo ulit ang hari sa kaniyang trono.
"Ang kawal na kasama ni Kimsoo noon, nakausap niyo ba?"
Nanahimik naman sila bigla.
"Si Kimsoo nga ang may kagagawan, mahal na hari. Tinakot sila ni Kimsoo kaya naman matagal na panahon nilang itong kinimkim."
Nayukom ng kamao ang hari, at parang gusto niyang pumatay. Gusto niyang pagbayarin si Kimsoo sa mga kasalan nito.
"Sapat na ang mga nalaman ko. Kayo na ang bahala kay Erlina... At kay Arteixec hayaan niyong siya ang humanap ng katotohan." tumango naman si Elise at ang royal imbestogator.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...