HINDI makapaniwala si Elise sa nakita niya. Hindi niya makakalimutan ang mukha ng kaniyang ina, tandang-tanda niya pa ito. At ang boses na narinig niya lang noon bata pa siya, ngayon narinig niya ulit at nasa harapan niya.
"Ina." may pagkakagalak na sabi niya at mabilis na lumapit sa kaniya ina at niyakap. Ilang segundo pa na nasa ganoon silang sitwasyon pero nagulat na lang siya ng mabilis siya nitong tinulak dahilan para makalayo siya.
Her eyes became wide as she looked at her mother, "I... Ina?"
Her mother looked at her confused, "Anong pinagsasabi mo? Wala akong anak." saad ng ina at tinutukan siya ng espada.
Nagtataka siyang napatingin rito, tumingin siya sa lalaking nakatalikod sa kaniya kanina na naglakad patungo sa kaniya. Mas lalong nanlaki ang mata niya.
"Ikaw?"
"Kumusta, Kyla... Buti nakikilala mo pa ako." nakangising sabi sa kaniya nito.
Napayukom siya ng kamao.
"Paano ka nabuhay? Pinatay na kita." saad niya. Nalala niya 'yun ng nasa mortal world. Pinatay na niya ang lalaking naging kaklase nila ni Zia. Hindi maari!
Naalala niya kung paano niya ito napaslang.
Matapos makarating ni Zia sa Fantrician City, ay mabilis na nagtungo si Elise sa mundo ng mga tao kung saan naroon ang isa sa mga nagtangka sa prinsesa.
Pinuntahan niya ang eskwelahan na pinasukan nila at mabilis naman niya itong nakita.
Sinundan niya ito hanggang sa mapapadpad sila sa gubat kung saan ang portal na maaring pasukan ng Garghol.
Pero hindi niya inaasahan na mabubuking din siya nito.
"Balak mo ba talaga akong sundan, Heirrs." saad ng lalaki.
Lumabas naman si Elise sa pinagtataguan niya.
"Alam kong kilala mo kung sino si Zia kaya nga pinagtangkaan mo siya."
Inayos naman ng lalaki ang salamin sa mata at marahang tumawa.
"Hay. Akala ko pa naman, hindi ako mahuhuli, ano ba ang aasahan ko? Nagpapadala ang hari na mahuhusay na mandirigma para protektahan ang prinsesa." nakangising sabi nito.
Masama naman tumingin si Elise rito, "Hindi ko hahayaan na maibigay mo ang impormasyon na ito sa hangal niyong pinuno."
"Alam mo kung hindi ka lang sana nakikialam, maayos tayo. May gusto pa naman ako sayo kaso kalaban ka." napailing-iling na sabi ng lalaki.
Ngumisi si Elise, "Trabaho kong pangalagan ang prinsesa. Kaya kung may balak kang masama. Sa akin ka muna dadaan."
Mabilis na sumugod si Elise gamit ang invisible blade, hindi naman nakaiwas agad ang lalaki. Nasugatan ito sa binti.
"Ganti ko 'yan sa kamuntikan mong paslangin ang prinsesa. Raul."
Natawa naman si Raul, at hinawakan ang dugo nito sa binti.
"Hindi ko alam na kaya mong mag-invisible ng mga gamit. Pero kaya ba niyang tapatan aking kapangyarihan?"
"Subukan natin."
Itinaas ni Raul ang kamay at may lumabas na dalawang anino.
Napaatras naman si Elise, hindi niya inaasahan kayang magnipula ni Raul ng anino.
"Scared." panunuya ni Raul.
Ngumisi si Elise, "Scared, who? Hindi ako matatakot sa katulad mo."
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...