Nakarating sa buong Frantician City ang balitang patay na nga ang hari. Marami ang natakot at nag-alala dahil sa pag-iisip na wala ng mamununo pa, at tuluyang mapapasa kamay ng mga Garghol ang buong palasyo.
Nagulantang naman ang ilang mga palasyo sa balitang naipahatid sa kanila. Labis-labis ang kanilang pag-alala at pagkagalit dahil sa nangyari.
"Ama kong hari at ina kong reyna. Kung papayagan niyo ako nais kong pumunta sa Whitehaven Castle para alamin ang kaganapan doon. Balita na rin na dinukot ang prinsesa at nasa kamay 'to ng Garghol. Ito ang pagkakataon para makaganti tayo sa kabutihan na nagawa nila sa atin. Tulungan natin sila." mungkahi ng prinsipe mula sa Redmount Castle.
Napakunot-noo ang hari,"Hindi ko hahayaan na magpunta roon. Masyado ng mapanganib ang Frantician City at may mga Garghol na naroon, hahayaan ko na lang muna ang mga kawal na magpunta roon."
"Pero hindi tayo pwedeng manahimik lang. Kukunin nila ang korona at pagkatapos non tayo na at ang buong kingdom na ang isususnod nila. Gusto niyo bang mangyari ang bagay na 'yun?" Sabat ng prinsipe.
Napapikit naman ang hari, "Alam natin kung ganoon kasabik sa kapangyarihan ang mga Garghol, ang pagpunta roon ay isang pagsasakripisyo."
"Huwag mong sabihin na naduduwag ka, ama. Ikaw na ang nagsabi sa akin na sila ang tumulong sa atin ng sakupin din tayo ng mga Garghol. Pero ngayon na nangangailangan sila, bakit hindi natin sila tulungan?"
Tila napatindig ang tenga ng hari sa narinig at pinatitigan ang prinsipe.
"Huwag mong isumbat sa akin sa akin bagay na 'yan. Hindi natin kailangan makialam kung ano man ang nangyayari sa ngayon sa whitehaven castle. Kailangan muna natin maghintay at magkaroon ng plano para mawala sa landas natin ang mga Garghol. Ang mga hari' t reyna mula sa ibang mga palasyo ay kailangan magkaroon ng pakikipag-alyansa laban sa kanila." saad ng hari.
"Pero, ama. Kailangan pa ba mag-intay para dun? Ilang sandali na lang may digmaan na, na magaganap at mauubos ang mga Heirrs kung magkataon, dahil walang na ang hari." giit ng prinsipe.
Napatayo naman ang hari, "Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag wala sa plano ang binabalak mo? Malalagay din ang buhay mo sa alanganin at ang mga makakasama mo!" sigaw ng hari.
Natahimik naman ang prinsipe. "Kung ganon, anong gagawin natin, ama?"
Napaupo ang hari sa trono, at nag-isip. "Alam kong makikipag-alyansa ang lahat ng iba't-ibang kaharian dahil sa balita at handa rin silang tumulong. Huwag kang mag-alala, titiyakin natin na mananalo tayo at maliligtas ang kaharian ng Frantician." pagtitiyak ng hari.
"Nagtatangka ng agawin ng mga Garghol ang korona, at kailangan na lang ay hindi nila maaring maagaw 'yun. Maaring inihabilin ng hari na mabigyan pa ng proteksiyon ang korona at itago' yun hangga't wala pa 'to sa kamay ng hihiranging reyna." saad ng reyna.
Tumango ang hari,"Sana nga ay maitago nila' to upang hindi magkaroon ng kadiliman ang buong Ethereal World." pag-alala nito.
"Mahal na hari! Mahal na reyna!" sigaw ng kawal.
Napatayo naman ang hari at reyna.
"Bakit? Ano ang iuulat mo?" mabilis na usal ng hari.
"Ang mga kawal na nagbabantay sa silangan, wala na po sila. Nakapasok na po ang mga Garghol dito sa Redland Kingdom."
"Ano?! Sinasabi ko na nga ba, balak nilang sakupin ang lahat ng kaharian dito sa Ethereal World."diin ng prinsipe.
"Kung ganon, alam nilang mag-aalyansa ang lahat ng kaharian laban sa kanila kaya naman pipigilan nila ang pagtulong na gagawin ng natin!" angal ng hari.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...