Hinarang ng mga royal guard ang mga papalapit na mga Garghol na paparating sa palasyo. Hindi nila inaasahan na darating ang mga ito ng biglaan.
Ang kaninang pagliligtas sana sa prinsesa ay hindi na natuloy dahil napagpasyahan nilang bumalik at protektahan ang palasyo. Dahil sa pagkakaudlot, mahihirapan sila nitong hatiin ang kanilang responsibilidad.
"Bakit wala si Reia?" takang-tanong ni Clownie. Nang nakitang walang kahit sino nangunguna sa pagpapatakbo ng hukbo ng Garghol.
"Hindi kaya nakapasok na siya palasyo." may pag-aalalang si Aly.
"Imposibleng makapasok agad siya sa palasyo, nabuksan na ang mahiwagang libro na si Lodesa, Kaya naman madodoble ang proteksyon sa loob." aniya ni Cervan.
"Mali ka. Hindi ko pa nabubuksan ang libro." untag naman ni Elise.
Pinanlakihan naman si Elise ng mga royal guard. "Akala ko ba nabuksan muna 'yun?" tanong naman ni Clownie.
"Sana nga nabuksan ko na kanina pa, nang liligtas sana natin ang prinsesa, pero kahit anong gawin ko hindi siya mabuksan. Ang hari lang nakakabukas nun o kaya ang prinsesa." sabat naman ni Elise.
"Walang sinabi ang hari na buksan ang libro, at walang sinabi na pakialam ang bagay na 'yun. Tangging ang korona lang ang kanilangan nating pagtuunan ng pansin." malalim naman na hugot ni Herya.
"Isa pa. Nabanggit ng hari na maproprotektahan ang palasyo, kahit hindi ito pwersahan na buksan, napamahal na rin si Lodesa sa palasyong' to at naproyektahan. Kaya naman, gagawin niya ulit 'yun." sambit naman ni Louie, nagkabitak ang lupa na tinapakan niya ng nagpadyak ito.
Nagulat na lang sila dahil sa ginawa ni Louie.
"Hoy! Pwede ba magsabi ka naman kung gagamitin mo ang kapangyarihan mo, nakakadisgrasya ka. Baka kami mapatay mo." sigaw naman ni Zach.
"Ang arte mo." sabat naman ni Louie.
"Malapit na sila, tandaan. Walang gagamit ng kapangyarihan kung hindi kinakailangan. Uubusin ni Reia ang lakas natin ng sa ganon mas mabilis na lang sa kaniya ang tapusin tayo. At hindi pwedeng mangyari 'yun." maawtoridad naman na si Elise.
"Naihatid ko na ang katutusan sa paghahanda ng ating mga kawal, handa na silang makipaglaban." Kumabog naman ang dibdib ni Herya, para sa palasyo ay gagawin nila ang lahat, masawi man sila ngayon, hindi nila' yun pagsisisihan.
"Mabuti. Nariyan na sila, maghanda na tayo." sigaw ni Elise at naglabas ng espada.
Dumagundong naman ang hiyaw ng mga Garghol na papalapit sa kanila. Narinig naman ng mga royal ang malakas na yapak na naggaling sa kanilang likuran, ang mga kawal. Tumakbo na ito papalapit sa mga Garghol.
"Sugod!" sigaw ng mga kawal.
Natigilan naman ang mga royal guard sa biglaang pagsulpot ng kawal.
"Paanong nakarating agad sila?" napakunot-noong si Thief.
"Kailangan niyo ng tulong." narinig nila ang isang boses na pamilyar sa kanila, si Erlina na papalapit sa kanila.
Napatingin naman rito ang mga royal guard.
Napangiti naman si Elise dahil magiging kompleto rin sa wakas ang mamumuong grupo, tanging si Arteixec na lang ang wala pa rito.
Inilabas naman ni Erlina ang kaniyang espada, at mataang nakatitig sa mga ito. "Ano pang hinihintay niyo! Tutunga na lang ba kayo diyan."
Nang mabalik ang kanilang wisyo ay sumugod na rin ang mga ito sa mga Garghol. Rinig na ang pagsabog at kalansing ng mga espada. Tila nakakabinging mga daing at sigaw lang ang maririnig ngayon.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...