Chapter 43

6 2 7
                                    

IPINALIWANAG ni Volke sa hari ang mga nangyari kung bakit ang hari ang pinagbintangan sa nangyari, gusto ni Kimsoo para maakusahan ang hari at maraming magtangkang kumalaban sa hari.

At ang tungkol kay Arteixec naman ay pinagbantaan siya ng mga Garghol, lalo na si Kimsoo na papatayin ang kaniyang mag-ina kapag sinabi niya ang totoo.

Wala siyang nagawa dahil buhay ng kaniyang mag-ina ang nakasasalalay... Pero kahit na ganon paman ay may nagtulak sasiyang gawin ang tama dahil nakokonsiya siya sa sinasabi niya na pagbintangan ang hari.

Napapikit naman ang hari sa ipinaliwanag ni Volke, narito sila ngayon kasama ang mga ilan sa mga mandirigma na nakikinig rin. Ngayon na alam na ng hari ang naging punot-dulo ng lahat.

Nais niyang ipahanap si Arteixec ng sa ganoon ay Volke na mismo ang kumausap rito, ng sa ganoon ay bumalik ang loob ni Arteixec sa kanila.

"Huwag kang mag-alala, Volke. Magpapadala ako ng ilan sa mga kawal at mandirigma para mabantayan kayo ng inyong mag-ina... Dahil alam kong hindi sila titigil. Hanggat walang nawawala sa inyo." saad ng hari.

Nalugod naman si Volke sa sinaad ng hari. "Maraming salamat, kamahalan. Ako na ang bahalang kumausap kay Arteixec ng ganoon ay maliwanagan siya, at tungkol naman sa kapatid niya, titiyakin kong mapapaniwala ko ito na si Kimsoo ang maaring nagpapatay sa kaniya."

Tumango lang ang hari. "Nagpapasalamat din ako sayo dahil kahit papaano ay wala na kaming masyadong iisipin pa, ngayon na alam na namin ang totoo ay hinding-hindi na kami maaaring maging pabaya dahil alam kong marami na naman itong balak sa atin."

"Walang anuman, kamahalan."

"Herya, at Cervan. Gusto kong kayo ang magbantay sa kaniyang mag-ina ng sa ganoon ay maging ligtas sila."

"Masusunod po." saad nina Herya at Cervan.

"At si Louie, Aly, Garry at Thief. Gusto kong magbantay dito sa palasyo dahil anuman mangyari maaring may pagsugod na darating."

"Opo, kamahalan."

"At ikaw naman Elise at Clownie, kasama niyo si Volke sa paghahanap kay Arteixec dahil alam kong kayo ang nakakakilala sa kaniya."

"Masusunod po."

Napahilot naman ng ulo ang hari at lumalim ang paghinga. Naalala niya ulit ang kaniyang anak, gusto man niya ito hanapin ng mag-isa ay hindi niya pwedeng iwanan ang palasyo. Kahit na mabigat sa kalooban niyang wala siyang magawa para mailigtas ang anak kung na kay Reia ba ito o may kung sino ang kumuha sa kaniyang anak.

"Ayos lang po ba kayo, kamahalan?" tanong ni Elise.

Tumango ang hari. "Oo. Hanggang ngayon ay wala pang balita sa akin ang mga kawal kung nasaan ang aking anak."

"Kung nasaan man siya kamahalan,gagawa siya ng paraan para makabalik agad dito, magtiwala na lang tayo na makakayanan niya kung nasaan man siya ngayon." saad ni Elise.

Napangiti naman ang hari sa sinabi ni Elise. Umaasa siya na baka paggising niya ay narito na ang kaniyang anak.

==========

"Levi." naalimpungatan si Levi ng may tumawag sa pangalan niya. Kinusot niya pa ang mata niya at tinignan si Hellvain.

"Bakit?" tanong niya at napatingin sa prinsesa na wala paring malay. Napatingin din si Hellvain doon at nag-alalang nakatingin sa prinsesa. Wala na ang ilan sa mga gasgas sa katawan nito tanging ang pagkakasaksak lang ang hindi pa tuluyang gumagaling.

Maayos na rin ang paghinga nito hindi na katulad noong malala ang kalagayan ng prinsesa, pero mapulat pa rin itong tignan.

"Narito sila Raul at Sayma, sumama sila sa akin." saad ni Hellvain.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon