Nagtipon-tipon ang lahat ng nasa palasyo, ang kalungkutan at pighati sa pagkawala ng hari ay dala sa kanila ng pagiging pabaya. Sinisi nila ang kanilang sarili sa nangyari, at ngayo'y galit na ang namumuo sa kanila at paghihiganti.
Kasalukuyang nakaratay ang hari. Maayos na ang kasuotan nito, hinihintay na lang na maalibing ang katawan ng namayapang hari.
Tulala naman ang mga royal guard, tila punong-puno ng kalungkutan.
"Hindi pa. Hindi pa natin pwedeng ilibing ang hari." saad naman ni Elise. Kaya napatingin sa kaniya ang lahat.
"Bakit hindi pa? Wala na ang buhay ng hari, para sa ikakatahimik ng kaluluwaniya, kailangan na niyang mailibing." sabat naman ng taga-paglingkod ng palasyo.
"Hindi. Hindi muna, ang prinsesa nais makita ang kaniyang ama sa huling pagkakataon, at ngayong wala siya at bihag, nanaisin niyo bang hindi makita ng prinsesa ang kaniyang ama? At basta na lang magdesisyon para dito." malalim na hiningang nagsasalita siya.
Nagkatinginan naman ang royal guard.
"Tama si Elise, Huwag muna tayong magdesisyon lalo pa't wala ang prinsesa. Mas lalong masasaktan ang prinsesa kapag hindi siya nakapagpaalam man lang sa hari. Huwag kayong mag-alala, ililigtas namin ang magiging at sisikapin namin na magiging tahimik muli ang mundong 'to." may sensiridad ni Herya.
Napuno ng bulungan ang paligid, at may narinig silang sumigaw.
"Paano niyo nasisiguro na buhay pa ang hihiranging reyna? Sinasakop na tayo ng mga Garghol! At may namamatay mula sa labas, anong gusto mong gusto mong gawin namin ang umaasa!" napatindig naman ang tenga ng mga royal guard.
"Huwag kang magsalita ng tapos! Hindi pa tayo nagsisimula, sumusuko na kayo. Ano na lang ang mararamdaman ng hari kapag nalaman niyang walang pagtitiwala ang mga narito. Kami na ang gumagawa ng paraan para matapos 'to. At ngayon kung may sasabihin kayo na hindi maganda, ipakita niyo kung mas karapat-dapat kayo kasya sa amin dahil hindi namin kailangan ang mga katulad mong puro salita kulang sa gawa!" hirit ni Clownie.
Napangisi naman si Zach dahil sa sinabi ni Clownie.
Tumahimik naman ang paligid.
"Ngayon ay kailangan namin ng 'yong tulong. Wala man ang hari, may natitira pa tayong pag-asa dahil nabubuhay pa tayo sa mundong' to. Tayong mga Heirrs lang magtutulungan, magkaroon pagtitiwala at paniniwala na kakayanin natin 'to. Iligtas natin ating reyna, kahit anong mangyari huwag tayong susuko!" dedikasyon na pagkakasabi ni Elise.
Mas lumakas ang bulungan sa loob ng palasyo, at napangiti na lang mga royal guard sa unti-unting pagtango ng mga ito dahilan para mas magkaroon pa sila ng pag-asa.
"Makakaasa po kayong gagawin namin ang aming makakaya para protektahan ang palasyo, hanggang kamatayan!" sigaw ng isang kawal.
"Hanggang kamatayan!" ngayon ay lahat ng kawal ay sumabay. Tanging sigaw na lang maririnig.
"Hanggang kamatayan!" sigaw ng mga ito. At mamamatay sila bilang isang bayani.
Kinagabihan ay tanging pagsigaw lang ni Hellvain ang maririnig sa buong paligid. Masama siyang tumitig sa kaniyang ina.
"Nasaan siya?!" pagalit na tanong ni Hellvain.
Hindi naman ito pinansin ni Reia, at hinayaan lang siya nito. Tanging pangisi lang ang ipinakita nito kay Hellvain.
"Aking anak, ngayon lang kitang nakitang maglabas ng ganiyang emosyon. Ano bang ipinakain sayo ng babaeng 'yun at gusto mo siya!" sigaw rin ni Reia.
Parehas silang hindi bumitaw sa pakikipagtitigan upang laban ang kanilang tensyon.
"Mahal ko siya." usal niya.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...