Chapter 39

16 5 2
                                    

PAGKARATING ni Hellvain sa kanilang kuta ay agad na sumalubong si Reia sa kaniya.

"Nagawa mo bang anyayahan si Arteixec para sumama sa atin laban sa Heirrs?" tanong agad nito sa kaniya.

'Yun ang balak niya kanina ang pilitin si Arteixec dahil utos na naman ng kaniyang ina, pero hindi niya ginawa dahil alam din naman niyang hindi sasama ang pinuno ng Heirrs sa kanila.

Umiling siya rito," Galit siya hari, pero hindi niya iisipin na gumanti, ina."

Nalukot naman ang mukha ng kaniyang ina na nakatingin sa kaniya, halata na hindi nagustuhan ang sinabi niya. Totoo naman na hindi talaga na hindi sasama ang pinununong 'yun dahil alam nito na gagamitin lang namin siya. Naisip niya na mas mabuti na' yun dahil wala rin naman siyang balak na sundin pa ang mga nandito.

"Alam kong hindi mo nagustuhan ang sinabi ko, ina. I know that I dissapointed you, and father." saad niya.

"Mukhang hindi natin makukuha ang loob ni Arteixec, hindi balina... Ako gagawa ng paraan para sumanib siya sa atin." napangisi ang kaniyang ina.

Napakunot-noo siya, "Huwag mong sabihin na gagamitin mo ang galit niya para sumama sa atin?"

Alam niya kung anong kapangyarihan ng kaniyang ina, kaya nitong maramdaman ang emosyon ng iba lalo na kapag galit ang bumalot dito, malaki ang magiging problema kung sasama pa si Arteixec sa kanila.

Pero 'yun ang kagustuhan ng kaniyang ina, pero ngayon siya ang kikilos ng mag-iisa ng walang sinusunod na kung sinuman.

"Tama ka... Gagamitin ko ang galit niya para makalimutan niyang may natitira pa siyang malasakit sa mga ito." saad ng kaniyang ina.

"Kung ganon ay gawin mo, ina. Nang ganon ay mas madali na lang natin makuha ang kapangyarihan at ang palasyo." sabi niya at umalis na sa harapan nito.

Alam niyang taliwas ang nga sinabi niya sa kaniyang pero ito lang ang paraan para hindi ito manghinala sa kaniya. Hindi niya alam kung anong naramdaman niya kung paano mamuhi sa kaniya ang prinsesa ng Heirrs.

Hindi pa siya nakakaramdaman ng pagkakasala at sakit na ngayon lang niya naramdaman. Habang naglalakad siya papasok sa kaniyang silid ay napahinto siya.

Nakita niya si Raul at Sayma. Natigilan din ito ng makita siya at yumuko.

"Magandang gabi, mahal na prinsipe." pagbati sa kaniya ni Raul.

Tumango lang siya dito.

"Si Levi?" tanong niya.

"Nandoon siya sa kaniyang silid." saad ni Sayma.

Pagkarating sa tapat ng pinto ay walang sabing pumasok siya rito, lagi naman niya ito ginagawa kahit na nagagalit si Levi sa kaniya.  Ilang araw din na hindi sila nakapag-usap matapos nitong ipatindi sa kaniya ang mga sinabi nito pero ngayon ay maayos na sila.

Nanlaki naman ang mata ni Levi dahil wala itong kahit na anong sablot, agaran itong nagtapis ng katawan. Nanlaki rin ang mata ni Hellvain at tumalikod agad.

"What the!? Ano ba naman 'yan prince!"

"A... Ano ba kasing ginagawa mo at nakahubad ka!?"

"Nagpapalit ako ng damit at bigla kang pumasok, hindi ka ba marunong kumatok?"

"Alam mo naman na hindi ako kumakatok." paalala niya rito.

"Naku naman, sa lahat ng makakakita nito, ikaw pa? Paano na 'yan..."

Napairap naman ng palihim si Hellvain.

"Wala akong nakita bukod sa may lawit."

He heard Levi gasped in shook.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon