Chapter 59

4 1 0
                                    

Halos lamunin si Zia sa kaba dahil sa kaniyang nasaksihan, hindi niya alam ang gagawin niya sa pagkakataon na 'to lalo pa' t, hindi niya inaasahan na kumampi ang prinsipe sa ina nito.

"Mahal na prinsesa! Kailangan na nating kumilos." Saad naman ni Raul, natataranta ito.

"Hindi ko kakayanin si Reia at si Vain. Hindi sapat ang aking kapangyarihan." may pag-aalala sa boses niya.

"Hindi 'to oras para panghinaan ng loob, prinsesa. Kailangan nating lumaban." Saad ni Elise.

Bigla naman lumakas ang kaniyang loib sa sinabi ni Elise. Mabilis naman siyang nagpalabas ng espada gamit ang kaniyang kapangyarihan dahil alam niyang hindi gagana ang ordinasyong espada sa mga ito.

Naglabas narin ang mga royal guard ng kaniya-kaniyang espada, at naghanda sa darating na panganib na kanilang haharapin.

Nakarinig sila ng malakas na pagtawa mula kay Reia, habang si Vain naman ay tila wala sa sarili, at walang emosyon na pinapakita rito.

"Anong ginawa mo kay Vain!?" sigaw niya.

Napangisi naman si Reia. "Tinanggal ko lang naman ang paggiging sagabal ng kaniyang damdamin mula sayo at pinalitan ko 'to ng galit."

Lumandas ang mga tingin ni Reia sa kanilang lahat. "Kung ganon ay kaanib niyo rin pala ang mga kinupkop ko noon... kung sabagay ay hindi ko na sila kailangan, ang kailangan ko lang ngayon ay ang korona at ang trono, kami na ang mamumuno dito sa Ethereal World."

"H-hindi mangyayari 'yan!" sigaw ng royal guard.

Hindi naman ito pinansin ni Reia at tumawa lang sa mga' to.

"Kung hinahanap mo ang korona, wala na 'to sa mga kamay namin. Hindi namin akalain na ang daling mong magpaloko sa kay Kimsoo na isa ring hangal katulad mo. Parehas kayong sugapa sa kapangyarihan."

Naniningkit naman si Reia dahil sa sinabi ni Zia.

"Ano ang' yong pinagsasabi?"

"Mukhang wala kang alam kay Kimsoo dahil tanging nagustuhan mo lang sa kaniya ay ang kaniyang katalinuhan, hindi mo iniisip na kaya niyang manipulahin at baluktuhin ang lahat katulad ng ginawa niya kay Arteixec at ginawa niya sayo, nilinlang niya kayong lahat." usal naman ni Elise at ngumisi.

Napangit-ngit naman sa galit si Reia at may lumabas rito na itim na kapangyarihan at ipinatama sa kanilang lahat.

"Ahh!!!" sigaw ni Reia.

Mabilis naman nilang nasalag, pero hindi nila naiwasan ang biglang pagsabog dahilan para tumilapon sila.

"Aking anak, patayin mo ang prinsesang 'yong kinamumuhian, ngayon din." may panggagalaiti na utos ni Reia.

Nang marinig' yun ni Zia ay mabilis siyang tumayo at tumingin kay Vain, masama ang tingin nito sa kaniya habang papalapit, hanggang sa tumakbo ba 'to palapit sa kaniya.

"Prinsesa!" sigaw ng royal guard.

Mabilis naman niyang naiwasan ang atake ni Vain na gamit rin ay espadang kulay itim.

"Vain, ako' to. Si Zianna. Pakiusap, bumalik ka." a soft voice comming in her mouth.

Parang wala naman itong narinig at patuloy siyang inatake ni Vain. Aaminin niyang napakalakas nito, at ngayon pagkakataon niya palang nakita ang kahusayan nito sa pakikipaglaban.

Panay lamang ang iwas niya rito at tanging kalansing lang ng espada ang kaniyang naririnig.

"Vain... pakiusap ako 'to."

Nakaiwas muli siya sa mabibigat na atake nito.

Ngayon ay hindi na siya nakapagpigil pa ay tuluyan na niyang nilaban si Vain kaya napalayo' to ng bahagya sa kaniya.

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon