NAKAHANAP ni Arteixec ang isang istraherong tumulong sa kaniya. Ito na ang pagkakataon na makausap niya ito na sana ay mali ang tinuran ni Kimsoo sa kaniya.
Nang makaharap siya sa isang malaking tahanan, ay nakita niya ang isang babae at napatingin ito sa kaniya. Ito nga malamang ang kabiyak ng lalaking tinutukoy niya.
Ngumiti siya rito, at nagulat naman ang babae.
"Mandirigma?" gulat na sabi nito.
"Narito po ba si Volke?"
"Anong kailangan mo sa kaniya?" nagtataka na sabi ng babae.
"Ako si Arteixec. Isa ako sa mga tinulungan niya noong bata pa ako." sabi niya.
"Arteixec? Wala akong natatandaan na sinabi niya ang tungkol sa tinulungan niya."
Natahimik agad siya bigla.
"Kung ganoon wala siyang sinasabi sa inyo?"
Umiling naman ang babae, "Wala... Nung mga nakaraan hindi maayos siya maayos na kausapin. Nakatutulala lang ang asawa ko para siyang may malaking problemang kinakaharap."
"Kung ganoon, pwede ko ba siyang kausapin. May gusto lang po akong malaman. Nasaan po siya?"
Napabuntong-hininga naman ito, "Naroon siya sa loob. Halika, pumasok ka ginoo."
"Salamat."
"Ariola. Anuba naman, ang mga niloto mo. Iniwan mo." sigaw ng isang lalaki na nasa kusina.
"Sandali lang! May isa tayong panauhin at hinahanap ka niya." sabi ng nagngangalang Ariola.
"Maupo ka muna. Ginoo." umupo naman agad si Arteixec.
Napabuntong-hinga siya, at inalis ang tensiyon na bumabagabag sa kaniya.
"Sino ba 'yan?!" sigaw nito. Nakita niyang lumabas ang lalaking hinahanap niya. Napatayo siya bigla ng makita niya ang lalaking hindi na nagpakita sa kaniya noon.
Nanlaki naman ang mata ni Volke, at biglaan siyang nanginig at hindi mapakapaniwalang tinignan si Arteixec.
"Ikaw?" sagot nito.
"Siya ang naghahanap sayo. Tatapusin ko muna ang gagawin ko. Maiwan ko muna kayo."
Pagkaalis ni Ariola papuntang kusina ay dahan-dahan naman lumapit si Volke kay Arteixec at naupo.
Napaupo na rin si Arteixec.
"Ang mukha mo... Hindi ko pa nakakalimutan." panimula ni Volke.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, may gusto akong malaman."
"Itanong mo na."
"May nag-utos ba sayo noon na pag-aralin ako?"
Natahimik naman si Volke.
"Oo."
Arteixec started to close his fist.
"Kung ganoon, labag ba sa loob mong tulungan ako noon kung walang nag-utos sayo?"
"Hindi."
"Ang hari ba?" tanong niya na nagpatigil kay Volka.
Nalapikt naman ito.
"Hin... Oo. Siya ang nag-utos sa akin na gawin 'yun."
Nagpatangis naman ng bagang si Arteixec.
"Sabihin mo kung anong dahilan niya kung bakit ginawa niya' yun?"
"Ang totoo gusto niyang makabawi sayo, bilang kapalit ay pinag-aral ka niya, hindi ka ba nagtataka kung bakit naging pinuno ka agad? Alam mong mas maraming mahuhusay kaysa sayo. Alam kong nagtataka ka rin."
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...