NAGMAMASID sa hindi kalayuan ang dalawa habang pinagmamasdan ang palasyo, kanina lang ay nakita nila ang pinuno ng Heirrs na galit na nagpunta sa loob ng palasyo. Nakita rin nila at narinig ang mga banta nito sa pero hindi natuloy dahil naroon ang prinsesa.
Iniisip nila kung bakit ganoon na lang ang mukha ng pinuno ng Heirrs, ano ang ikinagagalit nito bakit nasabihan pa na isang traydor.
Dumaan ang ilang minuto ay biglaan din dumating ang mga mandirigmaat nagkarinig ng pagsabog sa loob. Napatitig siya sa isa na kay tagal na niyang gustong hagkan. Nagalak siya ng makita niya ito mismo sa kakahuyan, pero kailangan nilang magpanggap ng sa ganoon ay hindi na madamay ang kaniyang anak.
Naroon pa sila hanggang sa lumabas ang pinuno, sinundan nila ito ng tingin at nagkatinginan ang dalawa. Napabuntong-hininga na lang si Sayma.
"Ano kaya ang nangyayari?" tanong ni Sayma.
Napakibit-balikat si Raul dito, "Hindi ko alam... Nagkakagulo sila." saad nito.
"Kailangan na natin gumawa ng hakbang ng sa ganoon ay makawala tayo sa mga Garghol, hindi ko na gusto ang mga nangyayari."
Napailing naman si Raul, "Hanggang ngayon pa rin ay nakakalimutan mong isa rin akong Garghol." at napatapal sa noo.
Hindi naman ito pinansin ni Sayma na nakatingin lang sa palasyo pero nagsalita rin agad.
"Isa ka ngang Garghol pero hindi ka katulad nila." napangiti naman si Raul.
"Sana may ibang nilalang na ganun ang tingin sa amin. Hindi kinamumuhian, pero mukhang malabo ang lahat ng 'yun." panigurado ni Raul.
"Mangyayari ang bagay na' yan kapag nagawa na ng dalawa ang nakatakda sa kanila." napakunot-noo si Raul.
"Nakatakda? Sino?" tanong ni Raul.
"Ang prinsesa. 'yun ang sabi sa hula." tipid na saad ni Sayma.
"Isang hula? Nadadaya ang hula, Sayma."
"Alam ko. Pero tiwala ako sa sinabi niya na magkakaroon ng katahimikan sa mundong ito, hindi pa natin alam kung kailan pero mangyayari' yun." ang tinutukoy niya ay ang sikat na manghuhula sa bayan ng Hagen. Nagpahula siya para alamin kung magkikita pa ba sila ng kaniyang anak at pinagtakbo sila.
Kahit na gaano kaikli ang oras na nasilayan niya ito ay sapat na 'yun para mapanatag ang loob niyang nasa mabuting kamay ang kaniyang anak.
"Bakit kailangan mo pa magpanggap? Kung pwede mo naman sabihin sa kaniya ang lahat."
"Hindi ganoon kadali' yun, Raul. Hindi ko kaya, sumumpa ako na hinding-hindi na ako magpapakaina sa kaniya, hindi ako karapat-dapat na tawagin niyang ina."
"Pwede kang bumawi.... Sa oras na magkaharap ang panig natin at ang panig nila, tiyak na kasali tayong lahat sa digmaan, at ayokong mapahamak si Elise dahil iniibig ko siya." saad ni Raul dito na ikinatigil naman ni Sayma.
"Ang aking anak? Alam mong hindi pwede ang bagay na 'yun. Magkaiba kayo ng lahi."
"Alam ko' yun. Nakakatawa, dahil kamuntikan niya akong mapatay pero ito gusto ko pa rin siya." napailing-iling si Raul at tumawa.
"Paumanhin sa nagawa niya, dahil kasalanan ko na pinabantayan ko siya sayo, at inakala niyang pinagbantaan mong patayin ang prinsesa." may paghingi ng tawad sa usal ni Sayma.
Napangiti na lang si Raul, "Ayos lang 'yun. Malalaman din naman niya ang totoo."
"Kung ganoon ay kailangan na natin bumalik sa kuta... Para hindi manghinala sa atin si Reia." saad ni Sayma.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...