Kinagabihan ay nagpasiya si Zia na lumabas sa palasyo pero sa hindi inaasahan ay may taong humawak sa kaniya.
Isang lalaking nakatakip ang mukha. Alam niya kung sino ito.
"Vain!" napaigtad si Zia ng biglang may humila sa kaniya at inilayo sa kaharian. Napatingin naman si Vain sa kaniya at tumigil saglit.
"Bakit ka lumabas?" tanong ni Vain.
"Bakit mo ako hinila, alam mo ba nakakagulat ka?" sabat ni Zia.
"Paumanhin. Binabantayan kita mula rito ay nakita kita kaya dinala na kita rito."
Napangiti naman siya rito, kahit na makalayo sila ay nakabatay parin si Vain sa kaniya. Hindi niya napigilan ang sarili niya na lakapin ito at ngumiti. Naramdaman naman niyang yumakap ito pabalik sa kaniya.
"I missed you, Vain." she said softly.
"I love you." ani ni Vain. Kahit mahina lang ito ay rinig niya ito. Ang sarap sa pakiramdam na sabihin ng taong mahal niya ang salitang 'yon.
Humiwalay naman siya pagkaka yakap at tumingin sa mata ni Vain. "I love you, too." hinawakan niya ang mukha nito na tanda ng pagiging isang halimaw. Isa lang masasabi niya na kahit anuman ang itsura o sino pa ang lalaking kaharap niya ngayon ay tunay niyang mamahalin.
Kahit pa hindi niya pa tuluyang nakikilala si Vain ay alam niya sa sarili niya na mahal niya ito. Alam niya na mas nahihirapan ngayon si Vain dahil kalaban nito ang sariling ina, kaya naman labis siyang nag-aalala dito.
"Ito ang unang beses na nagsabi ako ng ganong kataga, sa babaeng mahal na mahal ko."
"Ikaw ang unang lalaking mamahalin ko, Vain..."
Napangiti naman sila sa isa't-isa. Inilahad ni Vain ang kamay niya na parang nag-aaya. Nagtaka naman si Zia.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
Pagkarating sa matarik na bundok ay inaalalayan ni Vain si Zia na maupo, dito tanaw ang nagliliwanag na buwan na nagbibigay ng ilaw sa kanilang nilalapagan at ang mga bituin na nagsisilbing saksi.
Sumunod na rin si Vain na nakatanaw sa buwan.
"Ang ganda." sambit ni Zia, nakikita niya rin ang mga ilang bituin sa kaharian pero hindi ito kasing lapit na nasisilayan niya ngayon.
"Beautiful just like you." Napangiti saad ni Vain.
Napatingin naman si Zia kay Vain na nakatingin lang sa buwan. Namula naman ang mukha niya, hindi niya pa rin maiwasan ang magmula dahil panay ang hugot na ginagawa ni Vain.
"Vain..."
"Hmm..."
"May gusto lang sana ako sabihin... Alam kong hindi mo magugustuhan ang sasabihin pero naglakas loob na ako para hindi ko na ito masyadong isipin..."
Napakunot-noo si Vain, "Ano yun?"
Nabuntong-hininga naman si Zia, "What if I have to kill your mother to save my clan and kingdom, will you revenge for what I do?"
Natigilan naman si Vain.
"Zia. You know I can't lose my mother, she still my mother..."
"I know, Vain... Pero paano kung gawin ko 'yun, gagantihan mo ba kami?" ngayon ay kinakabahan na siya, dapat ba niyang sabihin ang mga bagay na ito kay Vain? O mas mabuti na lang na itago niya sa sarili niya? pero hindi na mangyayari' yun dahil nasabi na niya.
Ang totoo ay nagdadalawang-isip pa siya kung gagawin niya ang bagay na 'yun. Hindi niya rin kayang nasasaktan si Vain. Ang mga nasabi niya noon sa mga mandirigma ay tila walang paninigurado na gagawin niya ang bagay na' yun. Natatakot siya.
BINABASA MO ANG
CROWN
AdventureA princess and prince, living with the opposite side, The dark side and the good side. A prince who's born to used his mother against adversary, and to siezed the most powerful crown, a elemental crown carried by the king, to ruled the whole kingdo...