Themis Ivan Del Fuego
Natatawa si Themis habang nakatingin sa repleksyon niya sa transparent na basong hawak niya.
Pagkatapos matapos ang oras ng trabaho niya ay agad siyang dumiretso sa club na pag-aari nila ng mga kaibigan niya. They build this together, dahil kupal at uhaw sa alak ang mga kaibigan niya ay nagtayo na lang sila ng sariling bar kesa mag-aksaya ng oras para pumunta sa iba't-ibang lugar just to get laid.
Kahit nakakasawa na ang mukha ng mga kaibigan niya kapag kumpleto sila dito, this place screams peacefulness.
"You okay bro?" Napatingin siya sa tumapik sa braso niya.
It's Blis, his bestfriend. Sa lahat ng kaibigan niya ito ang may pinaka-makapal ang mukha, maliban kay Deimos na kasing kapal ng pader ang mukha.
Sila pa lang dalawa ang nandito sa bar, busy ang iba.
"I think so" Sagot niya.
Hindi siya sigurado sa sarili, he keep laughing at himself dahil sa nangyari sa mga nagdaan araw. He was laughing the entire time he's with his new secretary. Tila kasi ito isang ligaw na tuta sa napasukang bahay. Hindi niya alam pero natutuwa siya tuwing nagrereact ito na tila na nalilito matapos na mahiya.
He's cute
And he is laughing because of that, he is laughing because of him. Damn.
"I'm not your bestfriend for nothing Yvan" Umupo ito sa tabi niya at nagsalin ng alak sa baso.
"Fuck Blis stop with the name" Naiirita niyang saad.
Itinungga nito ang baso at tumingin sa kanya. Ayaw niya pa naman tinatawag siya sa second name niya, okay na siya sa Themis lang. Makasasapak ata siya kapag may tumawag sa kanyang Yvan.
"Say, who make you laugh like a lunatic bro? A woman?" Tanong nito.
"No" Sagot niya.
" Who then?"
Tiningnan niya ito at nakitang magkasalubong ang kilay.
"Bakit mo tinatanong?" Imbis na sagutan niya iyon ay binato niya rin ito ng tanong.
"Ewan ayoko atang tumatawa ka dahil sa iba when I'm literally here in front of you so now tell me who so I can spare that person." Tuluyan na itong humarap sa kanya, naka-cross ang braso sa dibdib at naghihintay ng sagot niya.
"Fucking nuts, bakit ka ba tanong nang tanong?" Inismiran niya ito at nagsalin na lang muli ng alak sa sariling baso.
Iniangat niya ang baso at inumuang sa bibig pero natigilan siya sa narinig na sagot ni Blis.
"I feel like I'm jealous, like I'm seriously jealous, might look for that person and do something." Sagot nito sa kanya.
"Baliw ka ba?"
"I'm your bestfriend man, I should be the only bestfriend in your life no other bestfriend! Kahit na kuya mo!"
At nababaliw na naman ang bestfriend niyang ito.
"I don't have any other bestfriend than you, bukod tangi kaya yang kakapalan ng mukha mo so no, he's not my bestfriend" Sabi niya at ngumiti naman agad ito.
Baliw talaga, dati pa itong ganito. Noong una nga ay makikipagsapakan pa sana ito kay Cairo nang malaman na ito ang bago niyang kaibigan, that two are not in good terms before.
Tinapos niya ang huling salin na alak at tumayo na siya, kailangan niyang maitulog ang kabaliwan naiisip niya, lalo na at tila may hinahanap na naman ang katawan niya.