Xavier Haxon
Ilang araw matapos ang nangyari sa meeting ay panay ang hatid sundo ng boss niya kapag papasok siya, nung una pa nga ay sinabi nito sa kanya na magleave muna siya para makapag-pahinga pero hindi siya pumayag. Ayos na ayos siya, at ayaw niyang maapektuhan nun ang trabaho niya lalo na ang boss niya.
Napilit naman niya ang boss niyang hindi umabsent pero ang kapalit noon ay paghatid-sundo sa kanya nito.
"You know there's a new open restaurant malapit sa office, itry natin mamayang lunch" Sabi nito sa kanya habang nagmamaneho papasok na sila sa office.
Tumango lang siya at hindi nagsalita.
"Are you okay Xavier?"
Ang totoo ay hindi, dahil sa ilang araw nitong paghatid-sundo sa kanya ay kabilaan ang mga naririnig niya. Hindi niya ito gusto lalo na at nadadamay ang pangalan ng boss niya, baka kumalat pa ito lalo.
Kahit na sobra siyang natakot ng mga oras na iyon, at may mga oras na naaalala niya at nanginginig siya ay pinatibay niya ang sarili. He can't let what happened bring him down. He suffered a lot before, ang nangyaring iyon ay hindi siya maitutumba.
Tumikhim siya at lumingon sa boss niya.
"Sir, hindi niyo na po ako kailangan ihatid at sunduin, ayos na po ako at kaya ko na pong pumasok sa trabaho at umuwi mag-isa" Sabi niya rito.
Nakatingin ito sa daan pero nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
"No" Sagot nito.
Bumuntong hininga siya. Sa tagal niya bilang secretary nito isa ito sa mga katangian ng boss niyang hindi niya kinakalimutan ay ang pagiging makulit nito at pagiging "may isang salita" ayaw din nitong kinokontra siya at laging nasusunod ang lahat ng gusto. Gets na gets niya na kung bakit marami ang takot sa boss niya.
"Pero sir–"
"I want to make sure na safe ka Xavier, secretary kita at kargo de konsensya ko kung ano man ang mangyari sa iyo"
"Wala naman mangyayari sa akin sir"
Tumigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, ilang segundo matapos itigil ng boss niya ang pagmamaneho ay humarap ito sa kanya.
"Is it because of them? Sino-sino ba ang mga taong pinag-uusapan ka? Tell me I'll fire them" May diin nitong sabi.
Nataranta siya at umiling.
"Hindi sir, hindi po iyon" Sagot niya na tila hindi nakakumbinsi sa boss niya.
"Then what? Is there something wrong with this?" Tanong nito sa kanya.
Marami, una na yung puso ko na mas nahuhulog ako sa mga ginagawa mo.
"Sir, kasi ayaw ko na magdagdag pagod pa ako sa iyo, I'm your secretary at responsibilidad mo ako kapag nasa office tayo, kapag oras ng trabaho. Hindi niyo na ho kailangan gawin ang mga ito" Sabi niya.
Nakita niya ang pagbuntong hininga nito at binuhay ulit ang makina ng sasakyan.
"Okay, let me do this as your friend then"
"Sir–"
"Xav, please"
Nang makarating sila ng office ay may sumalubong agad sa kanila.
"Sir, someone wants to see you" Sabi nito.
Napatingin siya sa boss niya, pagkakatanda niya ay walang schedule ng meeting ang boss niya ngayon umaga, walang naka-appoint na kahit na sino sa boss niya.
"Who?"
"Hindi po sinabi ang pangalan sir pero kaibigan niyo raw po, ayaw po magpa-awat at kusa na ho pumasok sa office niyo"