FOURTEEN

979 46 4
                                    

Xavier

Matapos na lumisan ng isa sa mga family doctors ng mga Del Fuego ay naiwan may benda ang leeg niya, masakit iyon pero walang-wala ang sakit sa sugat na natamo niya sa nararamdaman niyang pag-aalala sa boss niya.

Hindi mapakali si Xavier habang nasa loob siya ng office ng boss niya. He keeps walking back and forth.
Kung bakit ba naman din siya pinabalik ng boss niya sa office imbes na sumama siya sa ospital.

"Hey, Xavier it's alright he will be okay masamang damo iyon si Themis hindi agad siya mamamatay. So calm down at magpahinga ka, kapag hindi mayayari ako sa pinsan ko" Sabi nito sa kanya.

He sighed, even after telling himself to calm down he can't. He can't stop those thoughts running inside his head. Gusto niya rin naman kumalma, gusto niyang mapalagay ang loob niya. At isa lang ang pwede niyang gawin para mangyari iyon.

"I want to see him, Klaus please let's go to hospital" He face Klaus.

"Maghintay na lang muna tayo Xavier"

"Hindi pwede! Hindi ko kayang maghintay lang dito habang—" Hindi niya magawang matapos ang sasabihin ng unahan siya ng mga luhang lumabas sa magkabila niyang mata. He sobs that makes Klaus alert.

"I don't know what your relationship with my cousin, but I can tell you like your boss? You like Themis, don't you?" Tanong nito sa kanya.

Napatigil siya, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong niya iyon. Alam naman niya sa sarili niyang gusto niya ang boss niya. Nung gabi na nakita niya ito sa club, nung gabi na nagkasama sila, nagsiping. Na masaya siya kapag kasama niya ito, oo gusto niya si Themis. Gustong-gusto pero kahit na gaano pa kalalim ang pagtingin niya sa boss niya ay wala iyon silbi. Dahil hindi naman sila pareho ng nararamdaman.

"I–"

Sasagot na sana siya ng mauna itong magsalita.

"god! Okay okay we will go to him, tatawagan ko lang ang bodyguard ko"

Sa sinabi nito ay tumango siya at pinunasan ang sariling luha. Huminga siya ng malalim tapos ay umupo, hinihintay na matapos ang tawag ni Klaus sa bodyguard nito.

Lumapit ito sa kanya tapos ay tinanguan siya, signaling him that it's okay to go to hospital and check his boss.

"Okay, we will be there" Sabi ni Klaus at ibinaba na ang tawag sabay pasok ng cellphone sa bulsa.

"Let's go"



Themis Yvan Del Fuego

Dinalaw siya ng family doctor nila para icheck siya kahit ang sabi niya ay ang secretary niya ang puntahan nito at siguraduhin magagamot ang sugat sa leeg ng secretary niya. Mabuti na lang at napilit niyang icheck lang siya at huwag nang bantayan dahil nasa hospital naman siya.

Nakahiga siya ngayon sa hospital bed, at alam niya ang rason kung bakit pa siya naririto. Ang magpahinga.

Pero sa nakikita niya at sa mga tao na narito sa loob ng kwarto kung nasaan siya ay tila mas nanakit lang ang katawan niya.

Naririto ang tatlo niyang kaibigan. Brix, Blis at si Niks. Wala ang kuya niya dahil busy daw ito at si Cairo ganun din.

"Seriously guys? Ginawa niyong tambayan itong hospital. Kung wala kayong gagawin umalis na lang kayo" Iritadong saad niya sa mga kaibigan niyang nandito.

"Ouch ah, we are here because we're concern after we heard what happened to you, we rush here just to see how you are tapos ayan ang sasabihin mo sa amin?" Mahabang litanya ng bestfriend niyang si Blis na naunang pumunta dito.

"The truth here is, we just want to check you if you're still breathing and disappointment hit me knowing you're still alive" Sabi naman ni Niks na nakatuon lang ang focus sa phone habang nagsasalita, nasa tabi nito ang kambal ng bestfriend niyang si Brix at inakbayan ito.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now