Xavier
Hindi alam ni Xavier kung anong uunahin niyang kainin sa mga pagkain nasa harap niya. It's too much for a lunch! Even have a reservation, for the whole restaurant.
"What's the problem Xav? You don't like the food? Tell me"
Napatingin siya sa boss niya. Nang makitang seryoso itong nagtatanong sa kanya ay umiling siya.
"No, I like every food here boss, pero wala pa ho akong withdraw hindi-
"Who told you to pay? I invited you here, I'm the one who will pay all of these, there's nothing to worry about Xav just eat" Putol nito sa salita niya.
"Thank you sir"
"No need to say thank you I really did this for date, for you"
Susubo na sana siya ng pagkain nang marinig ang sinabi nitong boss niya.
"Date? Ako?" Tanong niya.
"Yes, date. You and me, date" Ngiti nitong sagot sa kanya at nagsimulang kumain.
"Pero bakit ako sir?"
Humihingi siya ng pasensya sa kanyang isipan dahil sa kadaldalan niya at walang tigil niyang pagtatanong.
But it can't be help! He's confused very. Ayaw niyang unahan ang lahat ng ito, paano kung ganito talaga ito sa lahat ng secretary niya? At hindi siya special. Paano kung ganito lang talaga ito kabait? At umasa siya.
He's bold to even think that his boss likes him. Which is very impossible to happen, Themis is straight, his boss like girls at hindi siya babae, isa pa isa lamang siyang hamak na sekretarya nito.
Kung siya si Amber ngayon, maaari pa na posible ang iniisip niya pero hindi. Hindi totoo si Amber, ang gabing iyon sa hotel ay dahil nasa katauhan siya ng isang hindi totoong babae, isa lang siyang pagpapanggap at hindi kailanman mangyayare sa katauhan niyang si Xavier.
Napaka-assuming naman niya kung iniisip niyang interesado sa kanya ang boss niya, straight si Themis, hindi ito kailanman papatol sa kanya dahil lalaki siya, alam niya iyon.
"Yeah, I'm also wondering Xav. Bakit nga ba ikaw?" Sagot nito sa kanya.
Napakubabawan na naman siya ng pagtataka.
"What? What do you mean by that sir?"
Bakit ba hindi na lang siya diretsuhin nitong boss niya? He's giving him mixed signals!
"You heard nothing, let's just eat"
Nagpatuloy silang kumain hanggang sa matapos nila, it was a nice lunch, very comforting ang place na nakabawas sa awkwardness na nararamdaman niya lalo na ng magsimula itong makipag-usap sa kanya ng normal. No business related just them.
Tapos na rin ang lunch break at pabalik na sila ng kompanya.
"Try to distance yourself from Klaus as much as possible Xav, he's a brat pasasakitin lang niya ang ulo mo"
Napatingin siya sa boss niya, na katabi niya ngayon sa backseat. Nakatuon ang atensyon nito sa phone at nagtitipa ng mensaheng hindi na niya inalam kung ano.
Nasabi ng boss niya na si pinsan nito si Klaus sa side ng mama nito, yung nagbigay ng chocolates sa kanya na bagong nagtatrabaho para sa kompanya ay pinsan ng boss niya.
"He seems friendly naman po, wala naman po masamang makipag-kaibigan hindi ba po?"
Hindi sumagot ang boss niya, at hindi na rin siya nagsalita tapos ay itinuon ang atensyon sa labas. Nang makarating sila sa parking lot ng building ay naunang lumabas ang boss niya dahil may tatawagan daw ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/250748276-288-k452589.jpg)