TWENTY

547 28 5
                                    

Xavier Haxon

Days passed slowly for Xavier, hindi niya akalain na darating yung araw na bigla-biglang siyang matutulala. Nung nakaraan pa kasi siya hindi mapakali at tila ba may mali.

Napatingin siya sa upuan ng boss niya, nasa office siya at katatapos lang umattend ng meeting kasama si Klaus na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan.

Nalulungkot siyang tumingin sa cellphone niya, it's been five days after he got that message from him, iyon na rin ang huli. Hindi na ito muling nagtext sa kanya. Namimiss na niya ito.

"Don't sleep the sun Xav, you look down today may problema ba?" Napatingin siya sa pinto dahil bumukas iyon at pumasok si Klaus may dala itong coffee na inilagay sa lamesa niya.

"Thanks Klaus, wala naman problema the company is doing okay" Sagot niya at nginitian ito, inabot niya ang coffee na nasa lamesa at sinimsim.

"I mean you, you seems like you're thinking about something? Oh wait is it someone?" Nagbigay ito ng mapang-asar na ngiti sa kanya si Klaus.

Napatingin siya sa hawak niya na kape, iniisip niya kung tatanungin niya ba ito o hindi tungkol kay Themis. Paano pala kung busy ito roon at kapag nangulit siya ay maistorbo niya ito?

"Klaus, may natatanggap ka ba na text mula kay Themis?" Kabado niyang tanong.

Napatigil doon si Klaus, hindi ito agad nakasagot. Nagkamot ito ng batok at tumikhim bago sumagot sa kanya.

"Ah, wala eh, the last time he texted me was about you. Bakit hindi ka ba naitetext? I'm sure he's busy. Don't worry I'll reach to him later"

"Nako hindi na, baka nga busy ayoko naman maka-istorbo"

Tumawa si Klaus sa sinabi niya.
"No, I'm sure even if he's very busy he will never be busy when it's about you"

Namula siya sa sinabi nito at umiling "Huwag ka ngang ganyan"

Nang matapos ang working hours niya ay agad siyang umuwi, hindi na siya nagpahatid kay Klaus dahil alam niyang sobra na siyang nakakaistorbo rito.

Kahit mapilit ay napapayag niyang siya na lang ang uuwi mag-isa. Nang buksan niya ang pinto ay bumungad sa kanya si Night na nakatayo sa tapat ng maliit na lamesa na kaharap ng mahaba nilang sofa.

"Night, andito ka. Hindi ka pumasok?"

Nakatingin lang ito sa lamesa roon, kaya nang tingnan niya ang lamesa ay nagulat siya ng maraming chocolate at iba pang pagkain, tapos ang isang isang bouquet ng red rose.

"Right, buti na lang umuwi ka na Xav. Help me get rid of these" Sabi nito sa kanya at sinimulan iligpit ni Night, agad siyang lumapit dito at hinawakan niya ito sa braso.

"Itatapon mo?" Tanong niya rito.

Tumingin ito sa kanya at tumango, na nagpataas ng kilay niya.

"Bakit naman?" Tanong niya rito.

"Wala, ayaw ko lang ng mga ito kaya itatapon ko na"

"Pero sayang naman"

"Hindi 'yan sayang, kung galing din naman 'yan sa isang siraulo, mabuti na lang at itapon" Sagot nito at sinimulan iligpit iyon at nilagay sa isang box.

"Eh kanino ba galing 'yan mga iyan?"

"You don't need to know that, basta tulungan mo na lang akong alisin ang mga ito sa paningin ko"

Napanguso siya, nanghihinayang siya, ang dami pa naman at parang masakit iyon sa part ng nagbigay kung malalaman na itinapon lang ito. Hindi man niya alam ang dahilan ni Night eh kumikirot pa rin ang puso niya.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now