Themis Yvan Del Fuego
Bumalik siya sa sala at nakita niyang naghahanda na ang lahat, isang signal na lang mula kay Jack na nagmamay-ari ng isang private airline ay aalis na sila at lilipad na sila papuntang Maldives.
Kadidischarge niya lang sa hospital tapos ay aalis na sila, medyo makirot pa ang parte na iyon pero kaya niya naman gumalaw.
Ayaw niya sana umalis papuntang Maldives, sa dahilan na ayaw niyang maiwan si Xavier, kakasimula pa lamang ng relasyon nila pero hindi niya kayang hayaan na lang din ang mga kaibigan gayung isa siya sa mga inaasahan nito. Isa pa ayaw niya man aminin sa kahit na sino lalo na sa kanyang sarili ay hindi siya mapalagay sa alam niyang sitwasyon ni Matthew. Hindi niya man gusto maramdaman ay hindi niya kayang pigilan na hindi makaramdam ng pag-aalala sa dating kaibigan. Ayaw man niya ay hindi siya mapapanatag hangga't hindi siya mismo ang makakakita na ayos ito at ligtas.
Nakita niya si Cairo malapit sa pinto, kabababa lang nito ng cellphone.
"Where are you going Themis?" Tanong nito sa kanya at nakakunoot ang noo.
Minsan ay hindi sila magkasundo nito dahil sa pagiging moody, kuya niya nga lang ata ang nakapag-papaamo sa isang 'to.
"Give me 30 minutes may aasikasuhin lang ako" Sagot niya rito at nilagpasan.
"Really? We're about to go in 20, you can't go" Sabi nito sa kanya.
"Sige na Cairo, 30 minutes lang naman hayaan mo na siya" Napalingon siya at nagpasalamat na dumating ang kuya niya.
"Fine, just make it fast" Tumalikod ito sa kanya, ang kuya naman niya ay lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya.
"Finish your business, you know Cairo ayaw niya ng kahit anong sagabal sa plano.
Cairo is the head of Ignite, kahit na hindi sila magkasundo nito minsan ay kailangan niya itong sundin. And his older brother is right, Cairo is a powerful man na kahit na isa siyang Del Fuego ay kaya siya nitong mapatumba.
Pumunta siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya, agad niya iyon pinaandar at lumabas na ng Ignite.
Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse at wala pang sampong minuto ay nasa tapat na siya ng apartment na tinutuluyan ng sekretarya niya.
Bumaba siya at dumiretso sa tapat ng room ni Xavier, kakatok na sana siya ng kusang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Klaus na malapad ang ngiti.
Napakunot ang noo niya, at nang lumingon ito ay nawala ang ngiti nito.
"Themis? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba ay aalis na kayo?" Tanong nito sa kanya.
"I have every right not to answer that question, so where is him?"
"Nasa kwarto niya, lalabas na muna ako. Dahan-dahan lang ah" Natatawa nitong sabi sa kanya at tinapik pa ang balikat niya.
Gusto niya itong singhalan pero hindi na siya nag-aksaya ng oras. 30 minutes lang ang meron siya kaya dapat masulit iyon na si Xavier ang huling pinaglaanan.
"Xavier? Xav?" Pagtawag niya kay Xavier nang tuluyan na siyang pumasok sa apartment nito.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta siya rito, ang una ay yung araw na halos makasuntukan niya ang kaibigan nito.
Alam niya ang kwarto nito at doon siya pumunta bahagya itong nakaawang pero kumatok pa rin siya.
Ilang segundo lang din at bumukas iyon, napangiti siya sa hingal na itsura ni Xavier, tila ito kinakabahan.
Pumasok siya sa kwarto nito at agad niya itong ikinulong sa mga braso niya.
"Hi baby, miss me?" Ipinatong niya ang baba niya sa balikat nito, he swayed his body at sumusunod ang katawan ni Xavier sa kanya.