FIVE

1.4K 78 3
                                    

  Xavier Haxon

NAPABUNTONG-HININGA si Xavier ng makita ang pagtutok ng mas malaking daliri ng wall clock sa 12.

Sakto lang sa lunch break siya natapos ang gawain niya. Sinalansan niya kasi ang mga papeles na kailangan pirmahan ng boss niya.

Kailangan niya na lang nito mapirmahan.

Nag-unat at chineck ang phone niya bago tumayo. 

Nagugutom na rin siya.

"Hayss" He get his lunch box together with his mini-bag. Kakain siya sa labas baka kasi mangamoy ulam pa ang loob ng inoopisina niya na opisina ng boss niya, nakahihiya iyon panigurado.

Palabas na siya ng bumukas ang pinto kaya agad niya itong nilingon. He saw his boss Themis.

Nakatingin ito sa kanya bago sa kamay niyang may hawak na lunch box.

"Are you going out?" Tanong nito sa kanya.

Tumango naman siya at ngumiti.

"Yes po, may ipapagawa po ba kayo sir?"

Nagiging komportable na siyang ka-trabaho si Themis. Kahit papaano ay nawawala ang kaba niya. Nawawala ang pag-aalala niya tungkol kay Amber at kay Themis ng gabing iyon.

Dahil sa tingin naman niya ay wala itong kaide-ideya tungkol sa kung anong isa niya pang pagkatao.

"I'm about to go too, sabay na tayo mag-lunch?"

Nanlaki ang mga mata niya sa paanyaya nito.

Ngayon lang siya nito niyaya para sa lunch. Isa't-kalahating buwan niya rin siya bilang sekretarya ni Themis. At sa loob ng mga araw na iyon ay ngayon lang siya nito niyaya.

WAG KANG ASSUMING XAV, LUNCH LANG 'YAN.

"Okay lang po, sa cafeteria na lang po ako mag-lu-lunch" Pagtanggi niya.

Medyo nahihiya pa siya dito at isa pa parang ang kapal naman masyado ng mukha niya kung o-oo agad niya. Pakipot muna baka sakaling pilitin.

"Hindi ka ba nagsasawa sa meron sa cafeteria? C'mon Xav let's go out to some resto" Para itong batang umiirap sa hangin.

Gusto niya sanang tumawa sa iniasta nito pero mas nakuha ng atensyon niya ang pagtawag nito sa kanya.

XAV

Hindi niya namalayan natatawag na siya nito sa first name niya, binigyan pa siya ng nickname, dati kasi ay Haxon lang ito lagi ng Haxon.

"So ano? Let's go?"

Wala sabi-sabing napatango siya at sumunod ng una itong lumabas.

Hindi na siya makapag-salita dahil hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas na tumangi sa paanyaya nito sa kanya.

Mahina siya pagdating kay Themis.

Nakapasok siya ng elevator bago pa man ito mapuno. At ang dapat na mga sakay nito ay nagsilabasan ng makita ang mukha ni Themis.

Naiwan siya bago pumasok si Themis, ito na mismo ang pumindot ng floor na bababaan nila.

Ganito lagi ang eksena kapag papasok si Themis sa elevator, lahat ng sakay nuon ay kailangan bumaba dahil ang gusto ni Themis ay solo niya kapag sumasakay siya doon. He doesn't even let his bodyguards and his personal butler. Na bagong hire nito.

Naalala niya tuloy ang unang araw niya rito, na nakasabay niya ito sa elevator.

"Xav, we're here"

Napapiksi siya at nabalik sa wisyo ng marinig ang pagtawag sa kanya ng boss niya.

TS#1: THE SEDUCER [BXB] COMPLETE ✓Where stories live. Discover now